Aftermath


Kumusta ka naman, Shaira?

May bahagi ng alaala ko ang nawala. Yung mga kaganapan nung gabing yon, hindi ko pa rin natatandaan. Tapos feeling ko tumanda ako ng sobra. Nahihirapan pa rin akong igalaw yung ulo ko. Mas mabagal na akong kumilos. Mas mabagal akong magrespond ngayon ewan ko ba, bibilangan mo muna ako bago makapagsagot.

So nung dinala na ako dito sa PGH, sabi kailangan raw ako imonitor ng isang buwan. Kung mauulit ba ulit yung seizure ko. Kasi pag nangyari yun, sure nang may epilepsy ako. Kailangan daw lagi ako bantayan. Haha.

Naffrustrate na naman ako. I’m that strong independent woman! I’m that girl na hindi basta basta nagkakasakit! I’m that girl na hindi umiinom ng gamot! What happened to that girl. Wala na, hindi na ata maibabalik pa ang masiglang kahapon. Lol.

Maraming bagay na akong hindi pwedeng gawin. Malilimitahan na yung mga kadalasan kong ginagawa. Hindi ako pwede mapuyat. Mapagod. Magutom. (Which is problema ko kasi nga hindi ako nakakaramdam ng gutom)

Tapos problema ko pa yung MRI. Dahil wala akong HMO dito. Alam mo ba kung magkano? 12,000. Hindi pa ako makapag MRI kaya hindi pa malaman laman kung ano talaga yung sakit ko. Sa October 7 pa naka schedule yung ibang tests na gagawin sakin.

Nakikita ko yung mga pasyente din dito sa Neurosciences Dept., mas malala yung mga case nila. Tabi-tabi dito. Yung iba andun lang sa hallway. Grabe talaga yung sitwasyon pag nasa public hospital ka. Bat di na lang daw sa La Salle o sa ibang ospital na mas malapit. Wala eh? Wala nang natira sakin?

Nahihiya na rin ako sa mga katrabaho ko kasi nadedelay na yung gawain nila kasi di ako makapasok. Tapos yung supposedly travels ko, cancelled pa. Tapos dahil naapektuhan yung maliit na portion ng thinking at response skills ko. Feeling ko mas mahihirapan na ako sa trabaho ngayon.

Sinabi ko kay Dr. Antonio, “Hindi pa naman ako mamamatay di ba?”

Advertisements

One Reply to “Aftermath”

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.