10 YEARS


Nakalimot ako hahahahahaha
August 7 pala ngayon!
Minessage ko si JD, sabi ko “Happy Birthday JD!!”
Tapos nagreply siya, “Huh? Di ko bday ngayon ah.”

Aw shiet. Patay. Mali.
Sabi ko na lang “Ayy mali ako ng friend na nabati huhu sensya na!”

Mali ang bati ko. Dapat pala. Happy 10th year anniversary hahahahahahaha

August 7, 2009
That was a long time ago na pala!
First year high school.
Kasagsagan ng kasikatan ng Boys Over Flowers.
Ito yung super memorable na araw na sinabi ko kay JD na crush ko siya hahahahahaha
Ako si Jan Di. Tapos siya ang Jun Pyo ko.
Tapos parang every year icecelebrate ko lagi yang araw na yan.
Ay isang taon ko na pala siyang crush. Ay dalawa na.
Hanggang sa, umabot sa pitong taon.
Crush ko pa rin siya.
Grumaduate na ko ng high school at college, crush ko pa rin siya.
Hanggang sa dumating ang araw na ito, ika-sampung taon.
Pero di ko na siya crush ah.
Pero gusto ko lang i-commemorate ang araw na ito.

Sampung taon na ang nakalilipas mula nung una akong mamulat sa konsepto ng one sided love.
Ang bata bata ang landi landi. Wag tularan.
Ako ang gumagawa ng assignment at project niya.
Ako ang mag uuwi ng mga libro niya.
Ako ang bumibili ng pagkain pag recess.
Ako yung kasabay niya pauwi.
Maglakakad kami mula Bucandala hanggang Green Gate.
Minsan hinahatid ko pa sa kanila.
Minsan sinusundan ko siya pag uwi.
Minsan sagot ko pamasahe pag uwi.
Pag may sayaw or volleyball siya aantayin ko yang umuwi, kahit abutin pa ng gabi.
Dun nag umpisa yung pagiging submissive ko hahahahaha
Pero hindi ko pinagsisisihan na nagpakababa ako ng ganon. Masaya ako eh.
Dati lagi akong kinukulit at inaasar.
Dati lagi ako pinagtatanggol sa mga mean girls sa school namin.
Bawat moment na kasama ko siya, ang magical.
Basta maging ok lang siya ok na rin ako.
Kahit di niya ako crush pabalik, ok lang!
Di ba uto uto na talaga ever since haha

Tinatawanan ko na lang yung mga ganong moment noon, pero ang saya.
Unlike ngayon, uto uto pa rin ako pero sa maling tao na haha

Ayan minsan magkachat kami, pero madalas naiinox-zoned ko siya haha.
Wala na akong feelings, pero siya pa rin yung kino-consider ko na greatest love ko.
Kasi kahit apat na taon din kaming walang komunikasyon nun, siya pa rin bet ko noon.
Napunta na siya sa iba’t ibang lugar, pero hinahanap ko pa rin siya noon.
Naglalagay pa ako ng picture niya sa ilalim ng unan ko, para maalala niya ako.
Pinagdadasal ko pa yan sa simbahan ng Baclaran, na sana magtagpo ulit ang aming mga landas.
At saka dahil sa kanya, nabuo ang blog na ito (balikan mo yung mga unang unang kadramahan at posts ko dito, puro about sa kanya)
Nagsasayang lang ako ng pitong taon eh haha pero okay lang, masaya naman ako noon.

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.