080519


Okay back to square one na naman tayo.

Walang gana kumain. Morning anxiety.

Lagi naman akong ganito pag nawawala siya eh.

Naiinis na ako sa sarili ko kasi bakit di ako makaalis sa paulit ulit na cycle na to.

Alam mo ba kahapon, habang kumakain kami ng tanghalian, syempre di nga ako makakain non. Sabi ng tita ko, “Kumain ka!”, tapos bigla na naman akong umiyak. Mumsh ang sarap ng ulam natin, pero bakit ganun, pag nakikita ko nasusuka ako? So ayan nataranta na naman sila kasi nag iiiyak na naman ako. Sabi ko normal ko na to. Yung mga katrabaho ko noon nasanay na sila na tuwing kakain mag iiiyak ako. Nakakainis. Mukha akong batang nagngangawa kasi ayaw kumain. Tinatanong nila kung ano daw ba ang problema ko. Sabi ko wala, normal na to. Pero alam na nila yon, sabi, “Ah, Kayven na naman to.”

Di ko alam bakit connected pa rin ako sa problema niya, kahit hindi na dapat. Pag hindi siya ok, hindi rin ako ok? Pero hindi ko na sinasabi sa kanya yung mga pinagdadaanan ko ngayon, kasi wala naman siyang magagawa? Though siya yung dahilan ng lahat ng ito. Pero kasalanan ko rin naman to, bakit ko nga ba kasi siya pinoproblema? Ayyy

Tas napanaginipan ko yung gf niya, nag uusap kami na parang magkaibigan lang. Isang beses ko lang siyang nameet sa personal. Nung unang araw na naging kami ng ex ko. Sila pa nung kaibigan niya. Sa bahay nila kami nagpunta. Two years later who knows, sila rin pala ang magkakatuluyan. So ayun nga, sa panaginip, syempre topic namin yung ex ko. Pero no hard feelings. Ah basta ayun normal lang yung usapan namin. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Sabi ko nun, “Aba nung time ko di yan ganyan kapursigido, masakit siya sa ulo tapos ako go tolerate lang haha pero tingnan mo naman ngayon, para lang maging okay kayo, instant hanap agad siya ng work.” It felt so real. Na parang gusto ko nga siya kausapin in person. Baka matulungan niya ako?Β Maybe it will get better. Maybe it will get worse. Pero mukha na ba akong pakialamera non? Tingin mo? Baka pag kinausap ko yun eh mas lalo niyang iwan yung ex ko. E di wag na nga lang.

So after ng shift ko, dumiretso ako sa coffee shop kung saan siya nagwowork. Malakas ang ulan. Pasara na nga ata nung makarating ako. And I saw her there.

Maybe I should not interfere, no? Mukha lang akong stalker na ewan, or sobrang bored ko ba, haha. Kaso naramdaman ko na naman yung sakit ko. Di ko pa rin pala kayang humarap sa kanya.

Pero balik tayo sa sarili ko, dahil sa awa ko sa sitwasyon niya/nila nagkakaganito ako. Pero siya, sila, wala silang magawa para tulungan ako. And I dont even know how to solve my own problem. Di ko na problema na di siya nag aayos sa sarili niya. Pero dahil dun, pati buhay ko apektado. Magulo.

“Please forget completely about me.” – Ikaw tong hindi makatalikod ng tuluyan. As I say.

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.