LATE


May importanteng event ka this day, either gagawa kayo ng project, may pupuntahang meeting, or even yung simpleng makikipagkita sa jowa para makipag-date. Syempre ikaw paghahandaan mo, gigising ng maaga, ihahanda yung mga gamit na dadalhin, magpapaganda, magpapabango, then eto na pumunta ka na sa napagkasunduang lugar. Inagahan mo kasi ayaw mo ma-late di ba. Naiinis ka kapag pahinto-hinto yung jeep. Kapag mahaba yung pila. Or matagal pang dumating yung MRT. Kasi feeling mo male-late ka.

E kaso yung ka-meet up mo. Aba hindi nagrereply. Ah, baka natraffic lang. Limang minuto ang lumipas, nabagot ka na, pumasok ka muna sa 7-11 para magpa-aircon. Hanggang sa inabot ng sampung minuto, hanggang sa inabot ng kalahating oras, hanggang sa inabot na ng sampung milyong taon.

Yun pala, OTW na siya! On the way pa lang sa banyo para maligo. Kakagising lang. WTF. Yung usapan nyong 7PM, aba naging 11PM na! Ang galing! So syempre ikaw, dahil kailangan magmukha kang mabait, sasabihin mo okay lang! No problem! Pero yung totoo kanina ka pa nagmumukhang tanga sa loob ng 7-11, nabilang mo na kung ilang fx na yung dumaan sa harap mo, well karamihan sa fx hanggang LRT at SM North lang, kaunti lang yung dumadaan ng Cubao. Natapos mo na yung 5 album ni Taylor Swift, hindi pa rin dumadating yung ka-meet up mo.

So instead na ang dami nyong magagawa sa project nyo nung araw na yun, aba, mas mahaba pa yung inilaan mong oras sa paghihintay kesa sa mismong duration nung pagpaplano nyo. Ang galing talaga. Tas ang dami pang idadahilan sayo. Isisisi pa kung kani-kanino kung bakit na-late. Tapos ikaw pa magmumukhang masama pag nagalit ka. Wala eh, Filipino time. Filipino time?!?!?! P***!!! Sinasayang mo yung oras ng tao na pwedeng magamit sana sa mas makabuluhang bagay. Marami pa siyang importanteng gagawin sa araw na yan, pero nakonsumo lang kakahintay! Ang tagal tagal matapos nung project kasi puro kayo pahintay!

Syempre sarili mo lang iisipin mo. Pero yung naghihintay sayo, di mo man lang naisip. Paano kung nadisgrasya yan nung hinihintay ka? Paano kung hinarass na yan nung lasing dyan sa kanto? Paano kung na-snatch-an yan? Hindi mangyayari yan kung dumating ka on time. Tapos isisisi mo pa sa kanya na dahil sa katangahan niya kaya nangyayari yung mga ganyan, eh ikaw tong nagdala sa kanya sa kapahamakan. Sasabihin mo pang I care for you, pero yung simpleng oras hindi mapahalagahan. Makikita mo talaga kung sino yung may “care” at hindi hanggang salita lang. Patunay lang yun kung gaano kayo ka-iresponsable.

Nabasa ko lang to sa isang post sa reddit. This whole idea. “Hindi krimen ang pagsunod sa oras ng usapan. Matutong maging disiplinado at responsable. Punctuality is a part of professionalism.”

Basically you’re just the same with ghosters/flakers. Gaano ba kahirap ang magsabi ng “Male-late ako ng ilang oras. Pasensya na.” Ha? Hindi yung “Malapit na ako.” Malapit na. Malapit na akong sumabog. Pag sa ibang bagay, ang bilis! Ang bilis bilis! Pero yung simpleng pagpunta lang on time, yun lang naman hinihingi ko sis! Please naman?

follow my Tumblr blog!

Advertisements

3 Replies to “LATE”

  1. Sabi nga nila ung nagpapa late intentionally, yon ang mga taong kulang sa pansin. Kung sa akin nangyari yon pinaka matagal na ang 30 minutes na paghihintay. πŸ™‚

    Liked by 1 person

  2. Natutunan ko from Foreigners yung i-value yung time. If within 30 minutes, wala pa yung kausap ko, I usually leave – especially kung wala namang abiso. Kasi di na worth it na maghintay pa. Like you said, marami pang mas mahalaga / makabuluhang gagawin for your time, than wait for others.

    Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.