City of Smiles :)


Joke lang hindi travel blog to. Hanash pa rin.

FIRST TIME KO MAKARATING NG VISAYAS! FIRST TIME KO SUMAKAY NG EROPLANO! FIRST TIME KO MAGING PHOTOGRAPHER?

Part din pala ng trabaho ko ang magpunta sa iba’t ibang lugar para sa mga workshop, conference, summit, meeting, at kung anu-ano pang eme ng gobyerno. Sarap ng buhay ano? Pa-travel travel na lang? Reimbursed pa yan? Payaman!

But no. Nasa ibang lugar ka nga, puro trabaho pa rin huhu. Ganun talaga, gobyerno eh. Naiistress ako kasi habang nagpho-photog ako, nagtetake down notes pa ako para sa Press Release at Back to Office Report na ipapasa ko kinabukasan. Tapos instant PA pa ako kasi pag may demand si Sec tsaka yung mga speakers hehe. Ansaya, bumalik yung college feels ko na nagkakandaugaga at natataranta dahil sa event. OY ETO NA PALA YUNG DREAM JOB KO? bat pa ako nagrereklamo hahahahaha, eto yung gusto ko, puro events. Tapos nakakapunta sa iba’t ibang lugar. Nahihirapan lang ako kasi hindi na ako marunong magsulat, which is yun yung primary duty ko. Tsaka nahihirapan ako kasi hindi ako marunong mag-ayos ng settings ng DSLR hahahahahaha bat nga ba ako nakapasa ng photog noon, ano nga bang natutunan ko? Wala. Wala kasi akong camera noon kaya hirap ako matuto. Lam mo yung minutes bago magstart yung event kinukulit ko sa chat si Adrian, sabi ko pano to hindi magiging blurry? Hala asan ang auto focus mode? Hala paano to ililipat sa video? Ano tong ISO? Eh walang ibang marunong sa camera sa grupo namin (elders nga kasi) tapos kaya nga ako isinama sa Bacolod kasi ako ang ineexpect na marunong magcamera. Daaamn taranta talaga ako nung time na yon kaya kita mo, lahat ng pictures na kuha ko nung event, sabog. Ipopost pa naman sa mga publications/media yun hahahaha feeling ko hindi na ako ang isasama sa susunod. Mangmang.

Gusto kong magkwento ng about sa experience ko sa Bacolod, kaso wala masyado kasi sobrang occupied ko sa loob ng tatlong araw na yun. Wala akong time para gumala. Gustuhin ko man lumabas ng gabi pero patay ako sa mga boss ko pag may mangyari sakin doon. Hindi ko naman maaya yung mga kasama ko kasi lagi na silang nagtatravel for work, so siguro sawa na sila sa mukha ng Bacolod, and pag matatanda hindi na pala-gala. Ni hindi ko sila nakitang namili ng pasalubong so ibig sabihin nga ako lang ang newbie sa industriyang ito. Btw ako lang pala ang teenager sa grupo namin, ang mga kasama ko eh mga nakatataas na opisyal ng ahensya namin, pati mga speakers nung event (so you feel the pressure right away) tapos yung kasama ko sa kwarto, scientist, kilala sa field niya, kagalang-galang huhu sino ba naman ako. Tapos most of the time, pag nag uusap usap yung mga kasama ko, about sa policies, plano, basta mga pormal na diskusyon. Hindi ako makarelate kasi di ba pag kabataan pinag uusapan natin yung mga bagay na nakakapagpasaya o nakakapagpatawa satin. Pero yung sa levels nila, kapakanan ng Pilipinas ang inaatupag nila. Grabe. Nahihiya ako tsaka OP haha. Feeling ko dito ako magmamature, maagang tatanda. Pero okay lang, at least hindi na puro ka-shit-an ang kinukuda ko. Kwentuhan ko nga yung mga kaibigan ko about climate action bwahahahahaha.

Yung Bacolod parang QC lang din. Ang daming mall. Ang daming China Mart. Ang daming ihawan (Inasal is life). Kaya siguro di ko feel na bakasyon ito haha. Pero ang ganda dun sa Silay, sa may paliparan banda, kasi ang lawak ng taniman ng tubo, yun ang makikita mo paglapag doon. Unlike pag sa NAIA, oo puro bahay.

Tapos sobrang takot ko nung unang pagsakay ko sa eroplano kasi bumabalik yung Space Shuttle feels ko, yung pag pataas at palanding, buti na lang pala nauna muna ako magspace shuttle bago mag eroplano. Nagpapawis mga kamay at paa ko nun tapos nalulula ako ng sobra. Medyo nahihilo at masakit sa tenga pero ayan, nakauwi naman ako ng buhay.

Di ko alam kung gugustuhin ko pang sumama sa mga business trip sa susunod haha ngayon nagegets ko na kung bakit tinatanggihan ng mga tao dito.

Tapos wala pa akong masyadong picture dito sa Bacolod, paano ako ang tagakuha eh, sino ang kukuha sakin??

tumblr_ps5awt2Eow1qdvnfp_640tumblr_ps5awsmiva1qdvnfp_640

follow my Tumblr blog!

One thought on “City of Smiles :)

  1. I remember kapag nagoout of town dati ang asawa ko madalas nya bukambibig hindi ako nagbabakasyon, nagttrabaho ako haha! Pero nag Palawan sya dati naisingit nya mag island hopping 🀣

    Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.