I can barely recall but it’s all coming back to me now –
Wala akong magawa. Kaya babasahin ko na lang itong mga sulat na andito. Apat din to lahat.
“Kahit panget ang ugali ko, minahal mo pa rin ako ng buo.”
“Gusto ko ituloy yung mga pangarap mo kasama ko. Sabay nating tutuparin one step at a time.”
“Di rin ako mananawa sayo na mahalin ka at iparamdam ang pagmamahal na ipinagkait sayo.”
Oh. Shit. Tears are running down again.
Na-aappreciate ko lahat ng sulat na ito, pati mga natuyong bulaklak andun sa garapon, hindi ko pa rin maitapon. Yung mga pinagbalutan ng tsokolate, nakatabi pa rin. Yung singsing, nakabaon sa buhangin. Di ko maisangla.
Kaya lang ayoko nang maniwala sa mga salitang ito. At sa mga salitang ipapangako pa sa akin ng ibang tao pagdating ng araw, ayoko nang maniwala.
Binibilang ko kung ilang sulat ang ginawa ko noon. Wala daw eh. Nasa blog na kasi lahat. Never akong gumawa ng hand written letter. Pero alam mo kung anong maganda doon? Di mo siya maitatapon. Di mo siya maitatago sa kung saan at aalikabukin na lang pagdating ng panahon. Immortal na yang mga sulat ko, na kahit na pumanaw na ako, andyan pa rin yan, hindi na mabubura pa. At alam mo, padagdag pa ng padagdag etong mga isinusulat ko sa iyo.
Pero katulad ng mga salita mo, wala na rin palang saysay lahat ng mga sulat ko. Balewala na lang iyon sa iyo. Wag mo na basahin at balikan. Malulungkot ka lang din katulad ko.
Unti-unti nang nauubos ang oras ko. Hindi ko na yata masisilayan pang matupad yung kahilingan ko sayo.