To my 16-year old self


30 Day Blog Challenge

Day 5: LETTER TO 16 YEAR OLD YOU

Alam mo sana nga may time travel machine na katulad nung sa Orange, baka maisalba ko rin ang sarili ko dito.

Eto lang yung sasabihin ko sayo. Mahalin mo ang sarili mo. Yung 22 years old na ikaw, hirap na hirap ngayon. Kasi mas iniintindi niya yung kapakanan ng ibang tao, nag-aadvice siya, nag-eeffort, kahit sobrang nasasaktan na siya. Alam ko obsessed ka pa kay Jun Pyo sa time na to. Okay lang yan. Walang-wala yan compared sa lalaking kahuhumalingan ng 22 year old self mo. Sagad, naubos niya ang sarili niya para doon, she’s not expecting anything in return, at yun ang pumapatay sa kanya ngayon. Please, kung kaya mong pigilan. Huwag mo na hayaang mangyari ulit yun sayo. Yung mindset mo ngayon alam ko easy go lucky ka lang, hindi pa mature yung feelings mo. Pero sinasabi ko sayo, mas ok pa yan compared sa magiging sitwasyon mo six years after. Mas ok nang umiyak ka kasi pinagsasalitaan ka ng masama ni kuya kapag nalalasing, kesa yung gabi-gabi kang umiiyak ng dahil sa pag-ibig. 4 years after neto, may darating na lalaki na makakapagpabago ng buhay mo, in a positive and negative way. Tingin ko mas ok na iwasan mo na lang siya, mas ok nang nakatago ka lang sa comfort zone mo, mas ok nang wala kang kamuwang-muwang sa realidad ng pag-ibig, mas ok nang naiinggit ka lang sa mga kaklase mong may jowa, mas ok nang hintayin mo si Jun Pyo nang sampung taon kahit wala kang chance at all. Mas ok yun pramis, mas maginhawa ang buhay mo. Huwag ka nang pumasok sa relationship. It will be the burden you’ll bring for so long. Pagdating ng taong 2018, tuluyan nang mawawala yung self-worth mo. Alam ko focus ka pa sa pag-aaral ngayon. Pero relationship ang hinahanash ko sayo ngayon. Kasi ang laki ng impact nito sa buhay mo. Matalino ka. Sasabihin mo na kaya mong i-handle, pero pramis gurl, mawawala ka sa sarili at magiging tanga eventually. Kaya hangga’t maaari, huwag mo na gawin. You’re doing good academically. Keep it up. Mataas ang pangarap mo. Aim high at wag na magsettle sa temporary means of satisfaction. Save yourself. πŸ™‚

follow my Tumblr blog!

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.