Facts


30 Day Blog Challenge

Day 1: 20 WEIRD FACTS ABOUT YOU

Puro weird ba tong mga facts ko, well here it goes:

  1. Karamihan sa mga damit ko ay kulay pula. Nauto ako ng sabi-sabi na mas sexy daw kasi tingnan pag nakapula. Eh kahit naman anong kulay ang isuot ko, mukha pa rin akong tindera. So nung nakaraang linggo na nag-ayos ako ng wardrobe (naks, lakas maka-mayaman ah), napansin kong mas marami pa rin pala akong damit na kulay itim, at puti.
  2. Mahilig akong bumili ng tupperware (or yung mga container na lagayan ng mga chenes), kasi lagi akong nagbabaon, nagtitira, o nagtatago ng pagkain. May mga nangunguha ng tupperware ko sa office at sa bahay kaya lagi akong bumibili. May great fascination na ko sa containers na gusto ko lahat ng ilalagay sa ref, naka-tupperware, pati mga medyas at underwear ko, nakalagay din sa container. Ako siguro yung nanay na magtatakwil ng anak pag naiwanan sa school yung tupperware.
  3. Favorite subject ko talaga history, and I’m proud na kaya kong irecite yung mga pangulo ng Pilipinas ng sunud-sunod, mula kay Aguinaldo hanggang kay Duterte, pati term years nila. Kaya ko rin irecite yung acronym ng mga government agencies at GOCCs. Since elementary at high school, sinanay na kami sa mahahabang monthly test at periodical test (na umaabot ng 300+ items), tapos puro enumeration.
  4. Hindi ako mahilig manood ng movies at series, ewan ko kung bakit, pero maiksi lang ang attention span ko pagdating doon. Kaya karamihan sa mga pelikulang napapanood ko eh hindi ko natatapos, kasi tinutulugan ko hehe. Tapos hindi ko na rin maalala pagkatapos kung anong nangyari sa movie. Alam mo ba yung Avengers? Halos lahat sila hook na hook tapos ako hindi ako maka-relate, wala akong alam na kahit ano about MCU.
  5. Karamihan sa mga favorite songs ko ay about sex at explicit content. Di siya halata sa personality ko. Sabi nung kaklase ko nun, baka naman may hidden desires kasa mga ganung bagay. Eh mukhang wala naman eh, baka dahil hindi talaga ako sa lyrics nagbabase, kundi sa tunog. Eto nga pala sample ng fave songs ko: The Hills, Drunk in Love, GUY, marami pa yan, andun sa spotify playlist ko.
  6. Kumakanta ako palagi. Like habang nagtatrabaho, habang nakasakay sa bus, pag mag-isa ako sa bahay, or pag naliligo, yun lang trip kong gawin. Eh hindi naman maganda boses ko. Gustong-gusto ko din kumanta sa videoke.
  7. Takot ako sa malalim na tubig (dagat, swimming pool), tinitingnan ko pa lang, pakiramdam ko nalulunod na ako. Tsaka pag nagsha-shower ako di ko binabasa yung mukha ko, kasi nga nalulunod ako. Siguro nung past life ko nalunod talaga ako.
  8. Mas mabilis akong lamigin kesa sa normal na tao. Matagal akong makaramdam ng init, kaya kahit tirik ang araw naka-jacket pa rin ako, kasi feeling ko nilalamig ako. Tsaka alam mo ba, pag may anxiety ako, ramdam ko talaga yung lamig mula sa kaluluwa. Feeling ko mamamatay ako pag tumira ako sa malamig na lugar. Hindi ko kaya.
  9. Namamahay ako, pagdating sa pagtulog. Hindi ako makatulog pag nasa ibang lugar ako bukod sa bahay. Pero, habang nagtatrabaho ako, mabilis akong antukin, kaya madalas ay nakakatulog ako habang naka-duty.
  10. Di ako nagmumura. Shit at WTF lang kaya kong sabihin.
  11. Nag-ABCOMM ako kahit mas magaling ako sa math, isa sa mga padalus-dalos na desisyon ko sa buhay haha tulad niyan hanggang ngayon, mahina pa rin ako sa communication skills (verbal), utal utal pa rin ako magsalita.
  12. Nung bata ako, hindi ako pinapayagang lumabas ng bahay. Kaya lumaki akong weak haha. Hindi marunong sa sports. Hindi marunong magbisikleta. Hindi marunong magdrawing.
  13. Toxic trait ko siguro yung hirap akong mag-express ng feelings ko sa ibang tao. Atsaka mas pinipili ko pa ring tingnan yung good side ng isang tao kahit sobrang taken for granted na ako. Hirap akong mag let go ng tao. May crush ako for 8 years haha kahit wala akong napapala sa kanya, siya pa rin yung iniisip ko araw-araw. Submissive ako pagdating sa lovelife.
  14. Hindi ako sanay umuwi ng may araw pa, I mean pag galing sa labas, gusto ko umuwi na ng 6pm onwards.
  15. Sobrang tahimik ko in person, pero ang dami kong posts sa social media sites ko. Dun ko ata mas nailalabas yung feels ko.
  16. Di ba si Dora may backpack, ako din may ganun haha, marami akong weird shits sa bag ko. Like pag may kailangan na something yung katrabaho ko, I got u fam.
  17. Nakadeactivate yung facebook ko, kasi, nakakadagdag siya sa anxiety ko.
  18. Feeling ko pinagkaitan ako sa lahat ng bagay, na lahat ng nangyayari sakin eh hindi pabor sakin. Malas ganern. Kaya inaanticipate ko na mamamatay ako ng maaga (before I turned 30) dahil sa mga kamalasan ko.
  19. Ang madalas na negative comment sakin ng mga teachers/boss ko eh wala daw akong initiative.
  20. May pinost ako dito sa blog na 200+ FACTS ABOUT ME, inipon ko lahat ng bagay na alam ko about sa sarili ko. So kung may plano kang patayin ako at magpanggap na ako, or kung maging super obsessed ka sakin (wow kung may magka-interes), heto ang starter pack ng lahat-lahat.

follow my Tumblr blog!

Advertisements

One Reply to “Facts”

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.