Hindi pa ako natutulog since Thursday. Haha.
After shift ko, dumiretso nako sa training ko for Taiwan. 3AM yun, tapos napasabak agad ako ng bongga kasi pinagbuhat na kami ng parang equipment, tapos chini-check na yung LCD para sa mga depekto. Struggle sakin yung astigmatism ko kaya medyo hirap ako tumingin, pero syempre di ko sinabi, kasi ibabagsak ako malamang. Basta ang importante hindi ako color blinded. Then ininterview na kami ng employer after. Ang dami naming trainee, pang #1213 ako haha, inabot ako ng alas dose doon sa agency. Shet, papasok pa ako sa office haha, walang ligo, walang kain, walang tulog. Tapos heto, after shift, nag-inom at nagparty.
Ngayong time na to, napapaisip na naman ako kung itutuloy ko ba to, o katulad lang nung sa BJMP na isa sa mga biglaan desisyon sa buhay. Sobrang saya ko kanina, nagsasayaw. Pagdating ko ba sa Taiwan, mararanasan ko pa ba ito? Magiging ganito pa ba ako kasaya doon? Or magiging katulad pa rin ngayon na iiyak na lang ako ng bigla bigla?
Sabi ko, kaya ko to gagawin is for transition, being me as the new provider of the family. Gusto ko pag uwi ng tita ko stable na kami, ayoko na ulit na bumalik sa dati na gutom at naghihirap. Kailangan kong isakripisyo yung passion ko para rito. Ang tanong, kaya ko na nga ba?
Kanina habang nag-iinom, tinanong ako ng mga katrabaho ko, bakit gusto mo nang mag-abroad? Out of nowhere sinabi ko, gusto ko nang lumayo nang tuluyan. Saan? Emotionally stable na nga ba talaga ako? O ginagawa ko lang tong alibi sa lahat ng kasawian ko haha.
Gusto ko nang lumayo, but at the same time napaisip ako, paano na lang yung ibang maiiwanan ko rito? Makakalimutan din naman nila ako eventually, haha. Naisip ko rin si Uriel, uy bagong magkakilala pa lang kami, tapos gusto niya ako isama sa mga explorations niya, tapos iiwanan ko lang siya agad ng ganun ganun? I feel bad. Ang selfish ko naman nun.
Kanina habang nagtetraining ako, may malaking salamin dun di ba, nung nakita ko yung sarili ko, naalaala ko yung mama ko haha. Kamukha ko nga nung kabataan niya. Wala lang naisip ko lang, ganito rin ba kaya yung nangyayari sa kanya noon during her time? Paano kaya siya nakaka-cope sa mga ganung hanash? Nakikita niya kaya ako ngayon haha, ano kaya reaction niya sa mga desisyon ko sa buhay? Haha.
Ano, eto na nga ba ang purpose ko? Eto na ba ang direksyon na tatahakin ko? Lasing lang ako haha, matutulog muna ako. Ay wait, uuwi pala muna ako sa bahay haha, kailangan ko tong pag isipan.
baliw hindi, iniiwasan ko lang na masaktan hahahaha
LikeLike
so much hatred ah π¦
LikeLiked by 1 person
noooooo huhuhu masakit kaya malaman na lalayo ka na ng ibang bansa
LikeLike
Long distance friends na lang π
LikeLike
kala ko ba friends?
LikeLiked by 1 person
Eh. Lalayo na nga ako sayo. Sasama ka pa π
LikeLike
oyyy wow uyyy anong agency yan? willing ako mag apply huhhuhu samaaaaa huhuhu
LikeLiked by 1 person