Bucketlist


Is it too late to create one for this year?
Ngayon lang ako ginanahan ulit maglista ng mga bagay na gusto kong gawin ngayong taon. Yung iba nagawa ko na in the first three months, yung iba naka-plot na. Yung iba plano pa lang. Yung iba hanggang pangarap na lang talaga.

– Gusto ko ulit magbundok at magdagat (done!! pero sana meron ulit)
– Gusto ko magkaroon ng piano (done!)
– Gusto ko magroadtrip sabay kakanta ng Style (done!)
– Gusto ko pa manood ng mas maraming concerts
– Museums.
– Libraries.
– Art Fair
– Film Festival.
– More historical places.
– Gusto ko matuto mag-ice skating
– Gusto ko mag-laser gun shooting
– Gusto ko mag-archery. huwaw.
– Gusto ko tumakbo sa marathon
– Gusto ko mag club at bar hopping sa BGC
– Gusto kong pumunta ng Venice Grand Canal
– Gusto ko malibot ang buong Cavite
– Gusto ko pa ma-explore yung ibang lugar
– Gusto ko manood ng concerts (wait nasabi ko na ba to noon)
– Gusto kong umuwi ng Samar para sa graduation ng kapatid ko
– Gusto ko na bumili ng sarili kong kama
– Gusto kong bumili ng bagong piyesa para sa PC
– Gusto kong bumili ng mga gamit sa kusina
– Gusto kong magbake ng cake or any dessert
– Gusto kong magsulat at bumuo ng kanta
– Gusto kong kumanta sa harap ng maraming tao, tapos mantitrip lang.
– Gusto kong makalipat sa mas stable na trabaho
– Gusto ko talaga mag abroad!
– Ang dami kong gusto ano, pero di naman sapat ang kinikita ko haha

Depende yan ah, kasi may pending application pa ako for Taiwan. Syempre pag natuloy ako dun, hindi ko na magagawa yung nasa bucketlist ko, saka na lang pag may panahon na ako. *wish me luck*

Nung bagong taon pala, pinagawa kami ng dream board. Big time agad ako mangarap, sabi ko sana makarating ako ng Japan this year. Pero tatlong buwan na ang nakakalipas at di pa rin sapat ang ipon ko HAHAHAHAHA

Gusto ko to gawin habang bata pa ako at hindi pa nakatali sa relationship o sa family responsibikities

follow my Tumblr blog!

One thought on “Bucketlist

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.