030819


Ginusto mo yan.

Yan yung bukambibig ko recently. May mga bagay lang akong na-realize, na sana siya rin ano mapagtanto niya.
Iniwan niya ako kasi iniiwasan niya yung mga hanash sa relationships – panlalamig, pagkawalang gana, etc. Tapos malalaman ko mas worse pa pala yung kinahinatnan niya ngayon. Sa kakaiwas mo dun ka din pala patungo ano. Pero ang unfair, kasi nung sakin ang dali niyang sinukuan. Pero yung ngayon, pilit niyang pinapaglaban. Well ganun talaga, di naman ako worth i-keep eh.
Lagi ko lang sinasabi, sus, maaayos din yan, normal lang yan. Pero kung paulit-ulit na lang din yung issue, baka naman ano? Wala ba kayong balak na i-settle talaga? Pagtiisan mo yan. Ginusto mo yan eh.
Ang weird kasi ako yung nakokonsensya, ako yung naba-bother sa tuwing nagkakaganyan siya. Eh sino nga ba ulit ako sa kanya? Wala. Naaalala niya lang ako kapag wala siyang ibang malapitan. Pero pag ok na sila, di na ulit ako maaalala (Ayaw mo pa aminin pero ganun ang ginagawa mo sakin, okay lang nu ka ba).
Sabi niya ginagawa niya to para sakin, para tulungan akong makarecover sa kanya, which is somehow good kasi mas lalo lang akong natuturn off. Siya talaga ang may kailangan sakin, ayaw niya lang din tanggapin.
Pero bat pati ako nadadamay pag namomroblema siya? Sino nga ba ulit ako? Bakit pag naging ok na sila ako naman ang hindi ok? Sino nga ba ulit ako? Bakit sakin ka lumalapit tapos pag tutulungan na kita bigla mo na lang ulit itataboy? Anu yun? Nakakababa pa rin pala ng sarili no pag ginagamit ka, akala ko kasi wala lang sakin yon eh.
Akala ko kasi naaawa lang ako sayo. Alam mo yun, wala nakong problema as of the moment, tas bigla kang susulpot. Ikaw na lang ang nagbibigay ng negativity sa buhay ko. Sorry. Defense mechanism ko tong pagrararant ko ngayon pero masyado mo na akong inaabuso ha. Porke di kita matanggihan.
Basta sinabihan na kita. Sorry, nakikita ko talaga sa kanya si Emily. Mauulit at mauulit lang din ang kasaysayang isinulat para sayo. Hindi mo pa mararamdaman yan ngayon, kasi bulag ka pa sa pag-ibig eh. Hindi sa bitter ako sa inyo ah, pero mukhang ganun pa rin ang kahihinatnan mo. At isa lang ang masasabi ko: Ginusto mo yan.
Alam mo, kahit ilang masasakit na salita pa ang ibato ko sayo. Kahit ilang beses mo pa ako saktan. Di ko pa rin pala kayang magalit ano. Awa lang siguro tong nararamdaman ko ngayon. Sabihin mo nang nagbago ako, pero may sense of fulfillment akong nararamdaman pag nakikita kong nahihirapan ka dahil sa pag-ibig na yan. Kasi yun yung pinamukha mo sakin noon. At yan pa rin ang pinagdadaanan mo ngayon. Lahat ng sinabi mo sakin, naging void na.
Wala na akong pake, pero bakit paggising ko sa umaga ikaw ang una kong naiisip? Bakit bago matulog sa gabi inaalala ko pa rin ang sitwasyon mo? Bakit hanggang ngayon pinoproblema ko yung bagay na dapat labas na ako? Bakit hindi ako mapakali? Bakit nagsusulat pa rin ako tungkol sayo? Sana nga awa na lang to.

follow my Tumblr blog!

This entry was posted in Categorized, HANASH!. Bookmark the permalink.

1 Response to 030819

  1. Anonymous says:

    uhmmmmmmm….sorry kung ginagamit kita whenever im down or may issue kami but still siguro awa na nga lang nararamdaman mo pero sad kasi kinaawaan mo na lang ako hahahah but hmmmm i tell you something f.o na din kami ni m.a dala ng issues namin also rarely ko na lang nakakausap friends ko so pag may away kami wala talaga akong malalapitan it seems tables already turned para satin well you deserve your own happiness naman na but one thing i cant take it is actually you’re the only person i knew na marunong makinig 😦 sorry

    Like

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.