Wag kang papigil, wag kang magduda, Diyos ang iyong kalasag patnubay, nasayo na ang gawa.
Isa sa mga inaabangan ko sa Rakrakan Festival sila Cong. Grabe, goosebumps ako nung time na yun, tapos nung nagfireworks na naiyak na ko haha, ang magical nung moment na yun!! Di naman ako fan ng ganung genre, wala lang haha. Pero yung journey niya, bago sumalang sa entabladong yun. Grabe. Ang layo na ng narating niya. Mula sa walang-wala. Mula sa isang simpleng pangarap. Dati sa taas ng bubong lang siya kumakanta. Dati nagrerecord lang siya sa lumang phone ng mga videos at paggigitara niya. Dati nung nasa mall show siya, sabi niya nga nun magpapa-pawer lang siya dun kasi wala daw siyang talent. Well, look at him now. Sa panahon ngayon parang ang hirap nga naman magpush ng career sa pagbabanda, kasi anong kikitain mo? Puro practice ng gitara, wala namang nangyayari, sayang lang ang oras, masakit sa tenga. Sabi niya nga nung rakrakan, “Ipagpatuloy nyo lang. Kahit maraming nagsasabi na di mo kaya, na imposible, na mahirap… Marami na nagsabi samin na di namin kaya pero ngayon andito kami.” Panoorin nyo yung vlogs ni Viy at Junjun, jusko naiyak din ako hahahaha.
Habang tumutugtog ang COLN, may naaalala akong tao hehe. Katulad ni Cong, na nangangarap rin ng ganun. Mukhang malabo pa ngayon, mukhang walang patutunguhan, pero alam kong darating rin ang right moment para sa kanya. Lagi siyang tumutugtog, sa kwarto nga lang nila. Lagi akong nakikinig ng mga tunog niya. Naiisip ko na sana balang araw, yung mga awit na ipinaririnig niya sa akin eh marinig din ng maraming tao, yung makapagperform din siya sa Rakrakan. Sana masilayan ko yung moment na yun. I’ll always look up to him. I’ll always be a fan of his music. Naks. Kahit hindi ako maka-metal at rakista. Kahit pinagtatawanan ko yung taste niya sa music haha. Kahit magkaiba kami ng genre. Kahit hindi ko maintindihan yung lyrics ng mga japanese songs na hilig niya. Kahit tapos na ang kabanata ko sa libro ng buhay niya. I’ll support all the way, even from a distance.
Dream big. Aim for the sky. Make it happen.
Halaaaa andun din ako nun haha ang saya!! Next year ulit!! π
LikeLike
sayang at di tayo nagkita.
natuwa ako sa disneyland ni dante. hehe
LikeLiked by 1 person