Talunan


Nung mga nakaraang araw bukambibig ko yung word na ‘competitors’. Haha. Recently kasi may interview ako sa isang government agency. 55 na ahensya ang pinasahan ko ng application letter (thru e-mail). Anim na ahensya ang nagpaunlak ng imbitasyon para makapa-exam ako. Pangalawa pa lang etong tinutukoy ko na umabot ako sa interview. Hindi ko alam kung bakit walang nagtetext sa akin kung bumagsak ba ako? o pumasa? Confident naman ako na pasado ko lahat ng exams. Proven na ang record ko sa Math, English, at PoliGov ah, pero bat ganon? O sadyang matagal lang magproseso pag sa gobyerno? Ewan ko. Tatlong buwan na akong naghahanap ng malilipatan haha bakit wala pa rin.

So eto, walo kaming naririto sa conference room para sa interview, iisang posisyon lang ang ina-applyan namin. 12% lang ang chance na ako ang mapili. Well, ano ang laban ko? I give my all to have….. Charot. Confident naman ako sa mga sinagot ko during the interview (kasi yung mga tanong tungkol lang naman sa current occupation ko ngayon at kung paano ko siya mai-aapply sa susunod kong magiging trabaho). Pero bat ganon, feeling ko hindi pa rin ako ang pipiliin sa huli. Meron at meron pa ring mas magaling sakin. Haha. Ano bang meron sakin na hindi mo na makikita sa iba? Ano bang kulang sakin? Charot ulit. Anong qualitites ang dapat kong makuha para sa susunod na aapplyan ko, ako naman ang piliin? Paano ako mananalo sa competitors ko? Alam mo, yung dalawang katrabaho ko, natanggap na sa inaaplyan nilang government agency, kaya lalo akong nalungkot, kasi ako ang unang naghanap ng trabaho, akala ko ako ang unang aalis.

Parang sa lahat ng aspeto ng buhay, talunan ako haha. Dati, hindi ako napipili na isali sa mga quiz bee, kasi merong mas magaling sakin. Tsaka hanggang assistant lang ako, never naging leader. Sa Mobile Legends at Cross Fire, hindi ako nananalo kung hindi malakas ang kakampi ko. Sa pag-ibig, mas mabait naman ako, mas ma-effort, pero talunan pa rin sa puso niya hahahahahahaha charot. Maski sa tindahan/karinderya kapag bumibili ako, ako ang huling pinagsisilbihan ng tindera, kahit ako yung naunang bumili, wtf. Parang in all terms merong mas pipiliin kesa sakin, someone is better than me, option 2 lang ako HAHAHAHAHA RESERBA.

Pero joke lang, inaantay ko lang yung right time ko. Darating din yan. Sa ngayon, magpapakalunod muna ako sa negative thoughts –

tumblr_m8p8mzCZTn1qarl5z

follow my Tumblr blog!

“Every single step you take is one step closer to where you’re supposed to end up. Remember that when you’re feeling like you’re giving up.”

4 thoughts on “Talunan

  1. sometimes talaga mahaba ang process, maiirita ka kapag naririnig mo yung, “we do the short-listing of applicants. We will text you for the updates” kapag ganon, hanap na ng iba. Hahahahaha sa exam naman, sasabihan ka naman kung nakapasa ka o hindi eh.

    If need mo talaga ng work, may i-ooffer ako sayo. Mahirap lang, pero I know my career growth πŸ™‚

    Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.