May bago akong motivation ngayon sa buhay hahahahaha!
Gusto ko matutong magdrive, at makabili ng sariling sasakyan.
Tuwang-tuwa ako pag nagro-roadtrip kami. Kasi super spontaneous lang, tara BGC, tara Antipolo, or tara Tagaytay, ganern.
Yung mga lugar na gustong-gusto kong magalaan, mas mabilis kong napupuntahan, tsaka mas safe pag gabi, syempre di ko na kailangan pang maglakad kung saan-saan para maghanap ng masasakyang bus or jeep di ba. Madali na lang.
Tapos the best yung hihinto lang kami sa kung saan, pagmamasdan ang mga bituin sa langit kahit na wala ka nang makitang stars dahil sa air pollution, o kaya sa may seaside, kahit ang bantot ng tubig ng Manila Bay haha.
Pero at the same time natatakot din ako na matutong magdrive, kasi paano pag dumating yung araw na shushunga-shunga ako sa kalsada, at madisgrasya? Naku. Mag-hire na lang kaya ako ng driver. Haha kala mo talaga mayaman eh. Or mag-aasawa na lang ako ng marunong magmaneho, para di nako mamomroblema hahahahaha. Ang user ko di ba.
De pero ang saya lang na after a long, tiring day, pupunta lang kaming dalawa kung saan man, tapos pagmamasdan ang kalangitan habang umiinom ng smirnoff at pinapatugtog ang Yellow. Tapos dun na naman kami sabay na bubuo ng mga pangarap. Tapos iiwanan lang din naman ako balang araw. Ops.
Eto yung mga moments na gusto kong hindi na matapos. Eto na ata yung blessing in disguise na sinasabi nila, I’m lovin’ the life I have right now, and the people who are with me right now.
