73 Questions (kunwari Vogue)


– What is one fear you would want to overcome?

Yung social anxiety ko, yung sana di na ako matatakot sumagot ng telepono, makipag-interact sa mga taong di ko kilala. Makipag-usap sa future in-laws. hehe.

– What’s something about yourself that you hope will change, but probably never will?

Yung pakikipagsocialize ko haha sana mas makuda na ako, tsaka sa magiging jowa ko na sana maging sweet at clingy na ako, HAHA, never will. 😝

– What is the best piece of advice that you have ever received?

“May your heart remain breakable, but never by the same hand twice.”

– What is the nicest thing someone has done for you?

Yung mahalin ako kahit ganito ako HAHAHAHAHA ayieee, de charot. Siguro nung time na may nag-effort sakin na ilaan yung araw niya para lang maka-bonding ako haha sabi sayo TIME lang ang kailangan ko eh

– What is the scariest thing you have ever done?

Nakikipag-meet-up ako sa mga taong nakilala ko lang sa chat. Well, di pa ako napapahamak, let’s see.

– What is the craziest thing you have ever done?

Craziest thing na ba yung pumupunta pa rin ako hanggang ngayon sa bahay/office ng ex ko nang hindi niya alam? Haha.

– What is the most difficult thing you have ever done?

Magparty at mag-inom ng gabi tas diretso pasok kinabukasan, walang tulog.

– What is one event in your past that has made you who you are?

Nung natanggap ako dito sa first job ko, dito nag-umpisa yung pag-step up ko eh!

– What have you done in the last year that makes you proud?

Yung nakakapagbigay na ko sa tita ko, yung may naipundar na ako, kasi sa wakas di ba, lahat ng pinaghirapan namin heto na, unti-unti nang bumabalik samin

– What is the biggest change you have made in your life the past year?

Hindi na ako umiinom ng kape, at napapangitan na ako sa lasa ng alak. Ewan ko. Basta ang daming nagbago sakin nung 2018.

– What is something new you’ve learned recently?

Maglaro ng PUBG at ML!!!!!

– What is the most frustrating thing that has happened to you recently?

Yung di ako pumapasa sa mga inaapplyan ko haha lagi na lang, walang progress. Kung paano ako dati nung wala pa akong work, ganun pa rin ako hanggang ngayon, natataranta pag iniinterview.

– What is the first thing you notice about people?

Kung totoo yung kinukuwento nila o nagsisinungaling lang. Grabe ang lala na ng trust issues ko haha pansin ko agad kung totoo o hindi. Ewan ko bakit kailangan pa magsinungaling sakin? Wala naman akong pake kung meron ka o wala ng ganitong bagay? Bakit kailangan pang magmayabang? Bat ganun?

– What do you value most in other people?

Honesty. Tsaka time, basta paglaanan mo lang ako ng panahon at ‘undivided attention’, ok na ko mumsh.

– What small act of kindness was done to you that you will never forget?

Pag pinagbubuksan ako ng pintuan, haha seryoso. Tsaka nung nagbibigay siya sakin ng notes nung mga panahon na nawawalan na ako ng gana sa lahat.

– What stresses you out more than anything?

Yung social anxiety ko. Tsaka pag iniisip ko kung makakahanap pa ba ako ng bagong trabaho. Tsaka pag paubos na yung pera ko, nakakastress.

– What would you say the happiest day of your life was?

May 3, 2018 ☺

– What is something about yourself that you hope will never change?

Sana mahaba pa rin ang pasensya ko. Yun lang.

– What is the one question that you wish you knew the answer to?

Ano bang meron sila na wala ako? Ano bang meron ako na wala sila? Bakit lagi na lang ako pinagkakaitan? Ay wait, tatlo na pala yang tanong ko haha.

– What aspect of yourself are you most insecure about?

Physical appearance hahahahaha wala eh ganun talaga

– What is your biggest character flaw?

Panget ako. De, bukod dun, siguro yung hirapa kong i-express yung emotions ko, di ako nagsasabi/nagsasalita pag may something na mali, kumbaga kinikimkim ko lang lahat sa sarili ko. Kaya heto nasasabihan ako na “nasa loob ang kulo”.

– What is something that you did growing up that your parents never found out about?

Yung nagba-blog ako?

– What is the most valuable thing you own?

Bukod sa phone ko, yung mga notes na nakatago sakin.

– What is the first family trip that you can remember?

Hindi mahilig bumiyahe yung mga kamag-anak ko, kaya wala akong kahit anong trip na mareremember, pero ang naalala ko lang eh yung huling beses na umuwi kami ng Bicol, tas pag tuwing gabi nagtatakbuhan kami kasi may mga aswang

– What is one thing you thought you would never give up but did?

IKAW. Ayy wait bagay ka ba? Hanggang ngayon di pa rin ba ako nag-give up?

– What is one event in history you wish you could have witnessed?

Martial Law. Ewan. Baka mas maintindihan ko kung bakit ganun ang kinahinatnan ng lahat.

– What character from film, television, or literature do you most identify with?

Yung mga zombie dun sa Night of the Living Dead hahahahaha

– What website do you visit the most? Why?

Twitter. Ewan ko, basta mas gusto ko yon kesa sa Facebook.

– What is something you pretend to understand but really don’t?

Kapag about movies yung pinag-uusapan nila, di ako maka-relate eh.

– What’s one thing you don’t think you’ll ever be able to do?

Mag send ng nudes sa taong may jowa na ha ha ha ha opx.

– What’s the best gift you’ve ever received?

Pagmamahal haha charot. De, wala pa ring tatalo sa singsing πŸ™ƒ

– What is the best gift you have ever given?

Choco Butternut Donut β™₯

– What is the hardest part of your daily routine?

Waking up, yung pagligo sa umaga jusko. Tsaka pagbiyahe.

– In your daily routine, what brings you the most joy?

Pag bumibiyahe din actually, kasi nagsa-soundtrip lang ako nun tas kunwari mag-eemote, masarap sa feeling, tsaka yung nakakarating ako sa kung saan-saan. At masaya ako pag bagong sahod tas magsha-shopping ako hahahaha.

– What’s the best part of waking up?

Wala, kasi dun ko nararamdaman lahat ng mga anxieties ko sa buhay.

– Are you more afraid of missing an opportunity or making a mistake?

Making a mistake, kahit paulit ulit akong nagkakamali natatakot pa rin ako haha, pag pinapalagpas ko naman ang opportunity ok lang kasi alam ko namang meron pa next time.

– Have you experienced something that happened to you that you have no explanation for?

Oo. At di ko pa rin siya kayang i-explain how and why did it happened.

– In what way do you practically show your love to friends and family?

Alam naman ninyong lahat na kuripot ako, so kapag halimbawa binilhan kita ng pabango HAHA. Basta, pag inuna kitang bilhan bago ang sarili ko, ibig sabihin nun special ka sakin

– When you think of ‘home’, what comes to mind?

Yesss, makakapagsoundtrip ako ng malakas at kakanta lang ako ng kakanta. HAHA.

– When faced with conflict, do you confront, compromise or flee?

Flee, duwag ako eh.

– When you hear the sound of ringing bells, what do you associate that sound with?

Bell before communion.

– Where do you see yourself 10 years from now?

Sa Japan

– Who has been the kindest person to you in life?

Si CJ

– Who is your favorite actor or musician?

Bruno Mars pa rin, hihi.

– What is the number one album on your phone?

reputation !!

– What are your favorite song lyrics?

“You and I walk a fragile line. I have known it all this time but I never thought I’d live to see it break.”

– What song in your music library gets the most plays?

Getaway Car – Taylor Swift

– If you could save three memories from your life forever, what would they be?

First is nung nagba-ballroom dancing kami nung high school. Ewan ko kung bakit basta ang saya saya ko nung time na yun. Pangalawa, memories ko with my parents, kasi wala na akong maalalang kahit ano mula sa kanila, sorry. Pangatlo, nung nakita ko si Bruno Mars ng live!!

– If you had a day all to yourself, where would you go and what would you do?

Gusto ko makapunta ng music festival, tapos nandun lahat ng fave kong performers, aaaaa that will be the best!!

– If you could have any job for a day, what would it be?

Part ng production team, ng 24k Magic Tour/reputation Tour.

– If you won the lottery, what is the first thing you would do?

Bibilhin ko agad yung pagmamahal niya. Charot. Mag-aaply nako agad ng VISA hahahahaha bye guys

– If money were no concern, what country/region would you visit?

Japan

– If you could travel back in time, what year and place would you choose?

Grade 5, 2007? Sa school ko nung elementary, dun nag-umpisa yung pagka-fucked up ko sa buhay hahahaha

– If you could go back in time and prevent one thing from happening, what would you choose?

Could I prevent my parents’ death?

– If you could be fluent in another language, which one would you choose?

English para naman makapag-apply na ako sa BPO, haha.

– If you had to evacuate your home, what would you take with you?

Yung mga inipon kong papel since elementary, may sentimental value sakin yong mga yon kaya hanggang ngayon nakatago pa rin.

– If you died tomorrow, what is one thing you would miss the most?

Ano nga bang mami-miss ko. Ewan ko. Parang wala na yata. Kasi makakalimutan din naman nila ako eventually.

– If you knew your next meal was going to be your last, what would you eat?

Spaghetti pa rin

– If you could ask any President one question, what would it be?

To Duterte, ANONG TRIP MO?!

– If you could meet anyone in history, who would it be?

Marcos naman, tapos itatanong ko rin kung anong trip niya.

– Is it better to ‘have loved and lost’ or to ‘never have loved at all’?

Never have loved at all. Ang sakit pa rin maiwanan eh.

– Why do people enjoy movies with good endings?

Kasi dun lang nafu-fulfill yung mga bagay na imposibleng mangyari sa realidad.

– Is it ever right to do the wrong thing?

Kahit naman hindi tama gagawin nyo pa rin ang mali. Bahala kayo dyan.

– How do you determine if something is right or wrong?

Ang hirap naman ng sagot dito haha, nasa pagdadala mo kasi yan eh, kung ok yung outcome, e di tama. Pero kung may naabala/nasaktan kang iba, e di mali. Tsaka iba iba ng point of view yan, yung pwedeng tama sayo, mali na pala sa kanya. Kaya kayo naghiwalay eh hahahahaha

– How would others have described you as a child?

Tamad sa gawaing bahay. Hahahaha

– What is the top thing you want to accomplish in life?

Gusto ko yung kada buwan bumibiyahe ako pa-ibang bansa. Yun lang.

– What is one thing on your bucket list?

Makapunta ng Japan.

– How do you want to be remembered?

Eto yung sinabi ko sa previous post ko, na pag namatay ako, makakalimutan din naman nila ako eventually, pero kung may makaalala sakin, sana hindi ako maalala as tatanga-tanga, or parang anino lang yan na di naman napapansin at walang emosyon, sana maalala nila yung weird side ko, na ako lang yung tanging ganun na nakilala nyo haha gets mo ba. Basta, in some ways sana napangiti ko kayo sa kaweirduhan ko.

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.