Walang Time


These past few months, nagbago ang takbo ng buhay ko – dahil nadagdagan yung workload ko hahahahaha yes thank you Lord!!!!!

Kung dati 15 minutes lang tapos ko na yung grid for that day. Kung dati nakakalabas pa ako sa office ng mahigit sa isang oras (para maglandi) (dati yun). Kung dati nakakapunta pa ako sa Vertis, Trinoma o SM North kahit di pa tapos yung shift ko (kasabay ko pa boss ko sa shuttle). Kung dati pinagagalitan ako ng TL ko kasi laro ako ng laro ng sims during work hours, aba ngayon di ko na magawa lahat yan!!!!!

30 episodes per day na ang quota ko. Usually sa ibang publisher 4-12 shows lang ang normal. Hahahaha yung tipong pagkaupo ko pa lang ng 10AM, kailangan ko na agad gawin. Minsan di na ako nakakasabay kumain, di na ako nakakasama pag may pupuntahan sa labas. Madalas natatapos na ako magpublish ng 9PM, eh hanggang alas siyete lang ang shift ko. Minsan umaabot pa ako ng 11PM na walang tayuan hahahaha.

Naninibago na sakin mga katrabaho ko hahahahaha kasi pag yayayain nila ako, dati go lang ako, ngayon sinasabi ko na, “may trabaho pa ako eh”, sa isang taon ko ngayon ko lang ulit naramdaman yung stress dahil sa trabaho hahahahaha. Pag ang tagal magrespond sa email ng BD, pag may kulang na mats, thumbs, pag mabagal ang internet, hahahaha wow Shai is that u?????

Feeling ko wala na rin akong social media life, di na ako nagbubukas ng facebook (well at least, iwas sakit) kasi wala na akong time para magphone. Marami na akong ginagawa daily kaya wala na din akong time para umiyak!!!! YES!!!!! (Joke lang, pag-uwi ko dun ulit magsisink-in lahat)

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.