Happy Ending


Naalala mo ba dati, nung mga unang taon ko sa blog, kinukuwento ko lagi si Jun Pyo? Yung classmate ko nung high school na naging crush ko ng sobrang tagal haha. Huli kaming nagkita after ng graduation nung high school.

Then heto, after 6 years, nagkita ulit kami 😊

Ganito kasi yon. Kahapon lang nagchat siya sakin, na gusto niya ako dalawin sa work hahahaha. Bakit? Bakit? Bakit bigla niya akong naalala? Ang tagal na naming di nag-uusap. Out of the blue magsasabi siya ng ganun. Ano, may ulterior motive ka rin ba? May kailangan ka na naman ba sakin? So syempre ako di ako makakalma. Pero di na tulad ng dati na may mga paru paro ako sa tiyan.

Eto na. Kinabukasan, ang aga niya dumating sa office, nahihiya ako haha kasi ako wala pa dun. 30 minutes din siya nag-antay sa ministop. Pero sabi ko sa kanya, lipat siya ng lugar, wag siya dun maghintay, hindi ko na pinupuntahan yung lugar na yon (marami akong memories doon), then 10AM nakababa na din ako. Grabe, ang laki ng itinaba niya, tas siya naman nagulat sakin kasi ang laki ng ipinayat ko. Ano na daw ang nangyayari sakin. Sabi niya sumama daw ako lagi sa kanya para magkakakain ako ng marami. So buong araw wala nga kami ibang ginawa kundi kumain ng kumain. Ang takaw niya.

Tas nagkuwentuhan lang kami about sa work niya, work ko, etc. Lahat ng assumptions ko sa kinahinatnan ng buhay niya, confirmed!! Naalala mo nung time na pag may bago siyang post or may naka-tag sa kanya, malalaman ko agad tas maghihinuha ako kung ano na ang ganap niya sa buhay, tapos ipopost ko dito sa blog? Tumpak mumsh!!

So pagkagraduate namin ng high school, nagcollege siya, di siya tumuloy ng engineering (na dapat yun din ang kukunin ko, well dahil sa kanya, pero buti na lang di ko talaga tinuloy), IT ang naging course niya. Pagkagraduate niya, nagkaroon siya ng iba’t ibang trabaho, sa MOA, sa Aklan, sa Palawan, puro food business ang napasukan niya. Hanggang sa naging cabin crew siya sa isang airline company, then ngayon nasa Makati na siya nagwowork, restaurant ulit. Ngayon, gusto niya mag-apply dito sa company namin. Sabi ko sige irerefer ko siya. Pa-resign na ko eh haha tas sabi niya wag daw muna, para magkasama pa kami ng matagal. Sabi ko pag-iisipan ko pa.

Then nagkwento siya ng about sa love life niya. Confirmed. Nagka-girlfriend siya, at nagka-boyfriend din. Ngayon, may dine-date siya na lalaki. Sabi ko wow, mas makulay pa nga ang lovelife niya kesa sakin.

Dati nung mga panahong gusto ko pa siya, asang asa talaga ako na sana magkita ulit kami balang araw at magkaroon ng part 2 ang kwento namin (na sana magustuhan niya na ako.) Pero ngayon, I don’t feel any love/desire at all. Nung nagkita kami ang saya, di kilig yung nararamdaman ko ah, pero yung feeling na mameet ulit ang old friend? Ganern. Di pa rin siya nagbabago, makulit pa din, lagi ako chinicheer up pag malungkot ako. Namiss niya raw ako asarin hahahaha.

So I guess, dito na talaga magtatapos ang walong taon kong kakaasa sa kanya. Finally!! Closure! Acceptance – na hindi talaga kami para sa isa’t isa hahahahaha. Salamat sa pagpapakilig sakin noon haha sana maging successful ang bagong love life mo ngayon. Ako? HAHA di na ko maiinlove ulit at magpapauto bahala kayo dyan.

Heto ang happy ending ni Jun Pyo at Jan Di ❀

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.