Happier


Ang unfair ng tadhana ano? Parang umorder lang ako sa Shopee tas defective yung naibigay sakin, pero yung sa iba ang ganda ng quality na nakuha. Bat ganon.

Ayoko nang mabalot ng poot yung puso ko. Kaya kahit sobrang worse na yung nangyayari, inuunawa ko pa rin. “Alam ko kasi yung dahilan kung bakit nagagawa niya yung ganun.” I can’t feel any hate. I still wish the best for him, na sana mas ok na yung well-being niya ngayon, I mean sana masaya siya, hindi yung mababaw na happiness kundi yung contentment, yung di na siya nakakaramdam na parang may kulang, ganun. Iniisip ko kung napunan na ba yung missing part niya na di ko naibigay? Kuntento na kaya siya ngayon? Nahanap na ba niya yung hinahanap niya? Mas masaya kaya siya ngayon? Dapat wala na kong pake sa well-being niya eh haha kaso eto iniisip ko pa rin. Alam mo yung kantang Happier ni Ed Sheeran? Ya feel me?

Sabi nga nila magmove forward na ako, wag na ako lumingon. Iwanan ko na yung emotional baggage na dala dala ko. Ang daling sabihin di ba, pero di ko pa rin magawa. Something’s holding me back.

Ayoko nang maging negative, pero bat ang unfair? Yung mga nagugustuhan kong tao, bat ako tine-taken for granted haha, ganun ba ako kauto-uto? Ganun ba ako kapanget para hindi tratuhin ng maayos? Mabait naman ako, mahaba ang pasensya, hindi maarte, pero bat kayo ganyan hahahahaha iiyak na naman ako.

Eto siguro yung β€œlesson” na sinasabi nyong lahat. Baka naman talaga hindi ako para sa relationship thing na yan. Dapat makuntento na lang ako na sumulyap at magmahal mula sa malayo, dun lang ako magaling eh. Hindi pa rin ako marunong mag-ingat at mag-alaga ng tao (kaya ako iniwan hahahaha) Okay lang, tanggap ko nang tatanda ako mag-isa 😊 Kumbaga pinatikim lang ako ng tadhana, dapat ba akong magpasalamat hahahahaha. Sa pagtikim ko I crave for more, eh kaso di pala para sakin. Ako tuloy ang nagdurusa ngayon

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.