Unang Taon


(Di ko rin inexpect na aabot ako ng 1 year na may jowa hahahaha)

Pinagpaplanuhan ko sana na gumawa ng sulat para sa kanya. Never pa akong nagbigay ng kahit anong sulat, siya yung madalas na gumagawa nun para sakin. Kasi feeling ko pag nagsulat ako para sa kanya, imbes na nakakakilig eh nakakaiyak lang (due to my pessimistic thoughts). Tsaka iniisip ko pag naghiwalay kami, itatapon niya rin naman, masasayang lang yung effort ko di ba (advance ako mag-isip!!) Pero madalas nagpopost ako dito sa blog ng about sa kanya, tas madalas puro rants lang kaya madalas din nagagalit/nasasaktan siya, kasi madalas din masasakit na salita yung nasasabi ko (unintentionally). So etong blog post na to ewan ko kung mapapasaya ko ba siya o masasaktan? Let’s see.

A year ago, nagkakilala kami dahil nagcomment ako sa post ng kaibigan niya sa group ng Paramore Philippines sa facebook. Wala kaming mutual friends, as in total strangers talaga kami. So ayun chat chat, hanggang sa nauwi sa landian, tas ngayon heto na, anniversary na namin yey!

Tulad ng sinabi ko dati, di ko alam kung anong nakita niya sakin, kung bakit ako ang jinowa niya haha kasi di ba ang tahimik kong tao, iniisip ko mabobored lang to sakin eh. Di ba, biglaan lang din yung naging kami, sabi nga nila minadali kaya baka hindi rin magtagal, lalo na’t wala pa akong alam nun kung paano maghandle ng relationship. Sa panahon ngayon na maraming manloloko at paasa, na maraming gusto ng momol lang or past time, eh nakatagpo ako ng taong mamahalin ako ng buo at paninindigan, despite of my personality.

Masasabi kong iba sa pangkaraniwan yung relationship namin. Kasi di kami nagde-date (yung kain sa labas, gala, sine, ganern), di kami nagkikita tuwing monthsary. Bonding moment na namin siguro yung magkape sa 7-11, uminom ng alak, kumain ng Calamares, maglinis ng bahay, maglakad sa kahabaan ng EDSA, o bumiyahe mula Novaliches hanggang Cavite. Pero everytime na magkikita naman kami, we usually have deep meaningful conversations. Masaya siya pag kasama ako, mas masaya ako pag kasama ko siya, and I think mas ok na yung ganon.

Sa isang taon namin, nasaksihan na namin yung ups and downs ng isa’t isa. Minsan nagkakamali siya, minsan nahihirapan ako dahil sa kanya. Minsan nawawalan ako ng gana. Iniisip ko na kung ibang babae siguro ang naging gf nito, baka sinukuan na siya agad haha (ang sama eh). Di naman sa tinotolerate ko, pero
part na ng relasyon yung may ugali siya na hindi-hindi mo gusto. Part na ng buhay yung masasaktan ka. But I guess this love is worth suffering for.

Same with me, pabaya sa sarili, matigas ang ulo ko at shunga shunga pagdating sa life decisions, kaya madalas naiistress siya hahahaha, mahirap din akong i-handle as a gf pero nagpapasalamat ako kasi pinagtiyagaan niya ako hahahaha kahit ang panget panget ko (talaga ba), panget ang ugali ko, tas minsan pag may argument kami ayaw ko magpatalo (feeling ko kasi di niya matanggap yung opinyon ko at ayoko ng kinokontrol niya ko ganern), ma-pride, insensitive, ano pa ba haha. Madalas pag may sinasabi akong opinyon ko nakakasakit na pala sa kanya. Actually pareho kaming may “worst side”. Pareho kaming hirap magbago.

Ang madalas lang naman na maging dahilan ng away namin eh pag di kami nagkakasundo sa opinions/beliefs about sa isang bagay. Pareho kaming laging may pinaglalaban eh, lalo na pag usapang politika hahahaha

Nga pala, hindi ako madalas mag-i love you sa kanya kasi, di ko feel?? I mean that word itself is so precious to me kaya di ko lang yan basta-basta ginagamit na parang hello hahaha, dyan siya nagtatampo kasi feeling niya di ko siya love eh. Ang arte ko lang no?

Naisip ko lang din, never akong naging ganito ka-open sa ibang tao, sa kanya lang, (kaya nga kahit alam kong magagalit siya sa sasabihin ko go lang eh haha). De I mean, ever since nagkakilala kami, I let him inside my soul (wow taray), kaya siguro nasabi niya na parang ang tagal na naming magkakilala. Pero ako feeling ko parang kahapon lang yung unang meet up namin ah. Ang bilis ng panahon.

Para nga kaming mangga at bagoong, kare-kare at peanut butter. Magkaiba man kami ng interes sa mga bagay-bagay, pula siya, dilaw ako, pero nag-complement yung mga ugali namin sa isa’t isa. Naibibigay niya yung attention and affection na hinahanap ko. Tas ako naman willing makinig at intindihin yung mga hanash niya. Handa akong magrisk basta ba para lang sa kanya. Kung ano kami last year, ganon pa din kami ngayon (ibig sabihin ba non walang naging improvement sa relationship??)

May mga times na nagda-doubt pa rin ako, kasi paano kung di ko na siya kayang intindihin? Paano kung nagsawa na siya kasi di ko kayang ayusin yung sarili ko. Idk. Ilang beses na akong nagpost about sa ganitong pag-aalinlangan ko at sa sitwasyon namin tbh.

Ang wish ko, sana mag-grow kami together. Hindi lang na sana tumaba, pero yung about sa personal improvement. Fucked up pa rin kami sa kanya-kanya naming buhay just like a year ago, pero sana yung mga susunod na buwan at taon eh maging stable na pareho. Sana yung commitment at intimacy hindi magbabago. May darating pa na mas matitinding struggles sa aming dalawa. Syempre gusto ko pa gumawa ng maraming memories kasama siya. Ayie.

Ako ang kanyang silver lining, at siya naman ang aking.. Aking tahanan (pero hindi naman mundo). Mararamdaman mo yun na yung simpleng presensya niya lang, na nasa tabi mo siya, you’ll feel like you’re at home. At sabi nga sa pinakapaborito kong kanta, para kaming Mirrors, repleksyon namin ang isa’t isa. Wow.

Lagi kong sinasabi na, inaanticipate ko na darating din yung araw na hindi na kami magkakasundo, mananawa at posibleng maghiwalay. But at this moment, naisip ko na, “Hindi pwede, eto na yung gusto kong makasama habang buhay e, gusto ko balang araw siya ang uuwian ko, gusto ko paggising ko sa umaga at bago matulog sa gabi siya ang makikita ko.”

Siya yung nagparanas sakin kung paano pahalagahan. Siya yung nagpakita sa akin ng totoong pagmamahal. Siya yung nagparamdam sa akin na mahalin bilang ako. Siya yung nagturo sakin na maging matatag sa lahat ng problema sa buhay.

At gusto kong humingi ng pasensya sa lahat ng mga abalang naidulot ko sa loob ng isang taon naming pagsasama. Sorry kasi stubborn at insensitive pa rin ako haha. Ang ungrateful ko mang tingnan pero yung totoo nagpapasalamat ako kasi may taong nakaka-appreciate ng existence ko.

So ayun, happy anniversary bb!! More landian years and more memes to come 😘 (Eat, unwind, travel pa)

Tapos in case lang na di tayo umabot ng 2nd anniversary (pinapangunahan ko na hahahaha), gusto ko na din magpasalamat for once giving your life to me, na naglaan ka ng panahon para mahalin ako kahit di ako jowable. Pero yun nga, balikan mo ulit to incase na magbreak tayo, para lalo ka masaktan charot. De kung ano man ang maging dahilan, sana naman di maging poot yung nararamdaman mo sakin no? Nasabi ko na, inaanticipate kong maghihiwalay din tayo eventually. Na lesson mo lang ako para mas maging maayos na sa future commitment mo. Tas sa susunod mong gf, wag mo ako masyado ikukwento sa kanya kasi alam ko pakiramdam eh, ayoko haha. Basta ang masasabi ko lang ngayon, di ka na makakahanap pa ng katulad ko πŸ˜‰ remember that!!

Happy Anniversary bb 😘

Advertisements

2 Replies to “Unang Taon”

  1. Ang sweet naman… Masyado ka naman advanced mag-isip. Enjoy mo lang muna ang moment nyo. Wag masyado isipin yang hiwalayan na yan. Hahaha!

    More years to come… i hope! πŸ˜›

    Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.