Tahanan


 

Linggo ng gabi na ako bumabalik ng dorm, kasi mahirap bumiyahe ng lunes + rush hour. Tapos sabado naman ng umaga ang uwi ko sa bahay. Maiksi lang ang panahong nailalagi ko sa aming munting tirahan. Kahit maliit lang, kahit maraming tulo ng tubig, kahit makalat lagi, nami-miss ko din yung bahay namin.

Saglit ko lang nakakasama yung pamilya ko. Haha kahit wala kaming inaatupag dun sa bahay kundi magcellphone lang maghapon (at di nagpapansinan), namimiss ko pa rin sila.

Pasensya na din kasi habang tumatanda ako, mas lalo akong nagiging tamad sa gawaing bahay. Ewan ko ba basta pag nasa bahay ako tamad na tamad ako kumilos, gusto ko nakahiga lang ako maghapon.

Pasensya na rin sa mga kamag-anak ko na pinagtataguan ko. Wala naman akong utang, pero nagtatampo na sila sakin kasi di man lang daw ako makadalaw sa kanila, mukha na raw akong nagmamalaki porke may trabaho lang. Kaya po ako nagtatago kasi ayoko ng masyadong social interaction. Pasensya na. Di naman sa nagdadamot, pero maski pasalubong nga wala ako maiuwi sa bahay namin, kaya pasensya na kung lagi kong sinasabi na ‘wala akong pera’ kung manghihiram kayo. Hindi ako sarap-buhay dito. Kahit sa pagkain ay kailangan kong magtipid. Madalas ay inuuna ko pang gastusan ang ibang tao kesa sa sarili ko.

Malaki na ang mundong ginagalawan ko ngayon. Pero minsan namimiss ko din yung buhay ko noon sa Cavite. Naisip ko paano kaya kung mapunta talaga ako sa production? Siguro mas lalo na akong hindi nakakauwi ng bahay.

Advertisements

One Reply to “Tahanan”

  1. savor the moment you get to spend home, kahit di kayo nagpapansinan, kahit puro celfon lang kayo. Iba pa rin ang sarili mong bahay, you feel at peace.

    wag mo na lang pansinin ang mga nega. if they don’t help you grow, brush it off. πŸ™‚

    Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.