Ano ba talaga?


 

Every day off ko, lagi akong nag-iisip kung gagala ba ako? Or magpapahinga na lang buong weekend sa bahay?

Gusto kong magpahinga na lang kasi di ba halos buong linggo wala ako sa bahay, weekend lang yung available kong panahon para makabawi ng tulog, manood ng kdrama, maglaro, maglinis ng bahay, magluto, etc. At mas ok na magstay na lang sa bahay kasi parang kada labas ko nalalagasan ako ng pera eh (parang kahit nasa bahay nga lang ako nauubusan pa rin ako, bat ganon.) Yung feeling na, kahit anong pagtitipid ang gawin mo, wala na nga akong binibiling wants eh puro needs lang, napupunta sa ibang bagay yung pera mo – unexpected na bayarin, may mangungutang, may biglaang ganap, etc. Hinahanash ko pa rin yung ilang buwan na ko may trabaho pero wala pa rin naipupundar, wala pang outing na napuntahan, feeling ko talunan pa rin ako in life.

Then ayun nga naisip ko, parang mas marami pa akong ganap/gala nung nag-aaral pa ako kesa ngayon, bat ganon, eh samantalang dati mas wala akong pera. Nangangalahati na yung 2018 pero wala pang exciting na nagaganap sa buhay ko (talaga ba) unlike last few years na may mga pasabog. Sabi ko gusto ko sana gumawa ng magagandang memories habang bata pa ako, habang hawak ko pa ang buhay ko (charot, syempre pag may asawa na di ko na ata magagawa yun). Pero these past few months paulit ulit lang ang routine ng life ko, so syempre gusto ko din mag-wind up at makapag-gala para maiba naman. Alam mo yun, nagegets mo ba ako haha! Basta ayun gusto ko magkaroon ng magandang alaala kaso paano ko gagawin yun kung matutulog lang ako sa bahay buong araw? Di kaya nagsasayang lang ako ng panahon?

Tas gusto ko rin sana na makatulong sa iba (hindi yung nagpapautang ah), I mean gusto ko ma-experience yung volunteer work, yung makapagdonate sa iba, yung gawain na makabuluhan (kumikilos ka para sa ibang tao, di lang pang-sariling kapakanan), kasi feeling ko walang silbi yung existence ko kung puro sarili ko lang ang iniisip ko, kaya gusto ko tumulong sa iba. Kaso paano ko magagawa yun kung hindi sapat ang kinikita ko? Di ba??

Di ko alam, ok naman ang kalagayan ko ngayon pero feeling ko may kulang, na lagi akong naghahangad na “sana ganito ako, sana ganon, bla bla”, lagi ko hinahanap si happiness pero di ko alam kung asan siya. Hmmm

Advertisements

2 Replies to “Ano ba talaga?”

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.