Plot Twist


 

So bukod sa sarili ko, may isang taong lagi kong topic sa mga blog ko dati – si JD. Crush ko since 2009 haha. Yung tipong magpalit man ako ng mga crush, babalik at babalik pa rin yung crush feels ko sa kanya. Bale huling beses ko siya nakita nung huling araw ko sa high school, 2012 pa yon pero until last year umaasa pa rin ako na baka magkita ulit kami at magustuhan na ako. First love ko yun eh. Nahinto yung feelings ko nung nagkajowa na ko, wala na ko pake sa kanya ngayon hahahaha

So ano ang latest sa kanya ngayon? Ayun, may jowa na ata siyang lalaki ngayon!!

Dati nung magkaklase pa kami, pansin na ng lahat na “paminta” siya, yung kilos, pananalita. Pero kahit ganun gusto ko pa rin siya, sa hindi ko malamang dahilan. Kahit ginagamit niya lang ako para may tagagawa ng assignment niya, tagabitbit ng libro niya, taga-supply ng pang-recess niya (pero di naman considered as bullying yon kasi kusang-loob kong ginawa yon para sa kanya).

So ano pang hina-hanash ko? May kanya-kanya na kaming buhay, may jowa naman na ako. (wow naman Shai hahahaha)

Eto na yung time na napagtatanto ko na bakit ako nagkagusto ng ganun katagal sa kanya? For the past years di niya naman na ako pinapakilig pero bakit na-attach ako ng sobra sobra? Nasayang lang yung panahon ko haha tinatawanan ko na lang pag nababasa ko yung mga blog posts ko about sa kanya, pati yung book na sinulat ko about sa kwento naming dalawa (lakas maka-wattpad, puro kakornihan lang naman ang laman). Second year high school pa lang kasi ako nun. jeje pa ang laman ng isip. Ang nonsense nung nagkacrush ako sa kanya haha bakit? Bakit? Bakit may nangyaring ganon hahahaha

Mas babae pa ata siya sakin ngayon, lagi siyang dinadalhan ng foods ng jowa niya, nalalaman ko kasi lagi siyang nagpopost ng pictures ng mga binibigay sa kanya, pag nag-aaway sila, tas pag nagkabati may pabigay ng cake na may nakalagay na “I’m sorry” (taray di ba, tinalo ako!)

Pero baka hinuha ko na naman to haha kasi wala pa siyang pinopost na picture nilang dalawa, nakita ko lang na naka-tag yung lalaki sa isang post niya (di niya madalas tina-tag dun sa mga sweet messages post niya idk why) pero may nabasa lang ako sa comments section na di pa siya ready na ipakilala in public eme. “Gwapo” yung lalaki kasi nagpopost yun ng facebook live na nagpapa-cute at nagpapakita ng abs (ang GGSS naman duh).

Di halatang iniistalk ko pa rin siya no hahahaha! Wala na kong kahit anong feels dun. Pero ewan ko inggit ata ako, may makulay pa ang lovelife nun kesa sakin!

Advertisements

4 Replies to “Plot Twist”

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.