Sorry bb


Sa sampung buwan na nasa ‘in a relationship’ status ako, ang masasabi ko lang… Di ko pa rin pala kaya i-handle yun. Ang immature ko pa rin. Di ko pa rin kayang mag step up at magbago para sa kanya. Habang tumatagal nagiging pabigat na ako sa kanya.

Sa sampung buwan namin, hmmm, tama nga yung sinabi niya kanina, siya pa rin ang nag aadjust sa ugali ko. Siya pa rin yung umiintindi sa sitwasyon ko but at the same time ayaw niyang itolerate yung pagiging ganito ko. Lagi ko rin sinasabi sa kanya na, wala pa ring magbabago sakin, kahit iwanan niya ako. Kasi part na ng pagkatao ko yun eh, yung pagiging tanga, bobo, yung di pag-aayos ng sarili. All my life parang na-settle na ko sa ganito, kaya tingin ko okay lang na eto na ako, pero para sa kanya problema pala yun. Paano ko mababago yung ganun? Paano mag-iiba yung perspective ko? Paano masosolusyunan ang isang bagay kung di mo ina-acknowledge yung problema? Di ko alam. Wala akong alam.

Ang nasa isip ko lang eh, kung di mo ko kayang tanggapin sa ganito, aba bahala ka iwanan mo na ako. This man, despite sa mga problema niya sa buhay, ay gina-guide pa rin ako. Siya lang yung tanging nagtiyaga sakin. Yung tipong, wala namang magandang bagay sakin pero he still sees the best in me. Pero paano na lang kapag napagod na siyang intindihin ako? Paano kung nagsawa na siya sa ugali ko? Paano kung hindi na siya makaramdam ng saya sa tuwing kasama ako? Paano kung ma-fall out of love siya dahil sa walang nangyayaring progress sakin? Idk. Tinanong ko siya kanina kung ano, willing ba niyang pagdaanan yung mga ganitong klaseng problema ng paulit-ulit? Pero di ba kung aayusin ko na sarili ko, di na namin kailangang dumaan sa ganito. Pero paano?

Ten months ago, ito na yung problema ko. At ngayon eto pa rin. Balang araw malamang eto pa rin ang problema. Kaya nasabi ko na ina-anticipate ko na lang na bibitaw din siya sakin eventually. Di niya deserve na mapangasawa ang isang tulad ko.

Pero siya hindi. Kahit may mga mas better sakin para sa kanya, umaasa pa rin siya na magiging maayos na ako.

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.