Adulting (2)


 

Dati ako yung batang turo ng turo sa grocery, “Bili tayo neto, bili mo ko neto” tas magngangawa pag di pinagbigyan. Dati excited ako mamili kasi after nun kakain kami sa labas at hindi sa bahay, yey.

Ngayon ako na yung, “Ibalik mo yan, mahal yan” “Palitan mo yan ng mas mura” “O bakit mo kukunin yan? Importante ba yan?” pag nago-grocery hahaha tumatanda na tayo mamsh. Tas after nun diretso na uwi sa bahay kasi may ulam naman, bakit ka pa kakain sa labas??

Ang hirap magbudget pramis haha nakaka-3k na kami sa grocery, pero konti lang naman yung pinamili namin? Basic needs lang? (Panligo, panlaba, condiments, pangkape, konting de lata at biskwit) Bat ganon?? Tatlo na lang kami dito sa bahay, tas ako weekends lang umuuwi dito, konti lang talaga kailangan namin pero bat umabot na ng ganon haha ang mahal na ng bilihin! Nakakastress hahahaha

Tapos nung pag unpack na makikita mo “Hala bat ang liit na ng Lemon Square” “Hala bat kumonti yung laman ng Wow Ulam” “Hala halos bente pesos na yung juice”. Di naman sa nagrereklamo ako sa Train Law haha pero kung kumokonti o lumiliit yung serving size ng produkto, kung tumataas ang presyo, sana yung income namin tumataas din di ba hahaha

Nung bata ako naiisip ko, “Bakit yung mga matatanda parang minsan lang sila nakangiti? Laging nakasimangot?” Kasi dati lagi lang ako masaya, walang dahilan para mainis pero nung tumanda na ko ayan napagtanto ko na kung bakit laging nakasimangot ang mga tao, nakakastress magbudget ng pera! Totoo yun na pag bata ka excited ka lumaki, pero pag matanda ka na mas gugustuhin mo na lang maging bata ulit kasi di ka maprepressure na “oy wala kang trabaho, anong silbi mo?” “oy ilang buwan ka nang nagtatrabaho, bakit wala ka pa ring naiipon???”

Tas napag uusapan namin ng workmate ko about sa paghahanap ng bagong trabaho (kasi di talaga satisfying ang sahod), eh naisip ko mahirap umalis na wala pang nahanap na kapalit kaya di pwede matengga. Tuwang tuwa lang kami pag holiday kasi lam mo na hahaha

So heto binabudget ko pa ang natitirang pera, magbibigay ako ng pandagdag sa ulam, grocery, meralco bill. Tas magbabayad pa ng renta sa dorm at panghulog sa cellphone. Tas bibili pa ng gamot para sa susunod na linggo (jusko sana mawala na UTI ko nanghihinayang ako sa nagagastos ko). Yung sapatos ko kahit butas na pareho pero ginagamit ko pa rin kasi wala pa pamalit eh, patintero na lang sa basa para di mapasukan ng tubig! Nasa petsa de peligro na tayo mamsh, mukhang tinapay na naman ang magiging hapunan natin next week. Nubayan nagtatrabaho na ko pero bakit nasa laylayan pa rin tayo mamsh!! Anunaaa. Maiksi pa rin ang kumot kaya ako’y nakabaluktot pa rin.

Yung mga friends ko sa instagram nakakapagdagat na, ako kaya kailan ko matitikman ang sarap ng pagtatravel hahahaha

5 thoughts on “Adulting (2)

  1. Yung mga ate ko rin ganyan pagnagsheshare ng mga gastusin nila 😦 naawa rin ako kasi sila na magbibigay ng allowance ko ngyaong college eh halos di na nga sila nakakapag-ipon. Hays 😦 kaya sa kanila aware na ako na ang hirap na pala pag adult ka na. πŸ˜…

    Liked by 2 people

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.