Until when?


Dumating na tayo sa certain point, yung peak, at feeling ko pababa na tayo.

Kasi tapos na sa getting-to-know-each-other stage eh. Tapos na sa excitement na malaman yung about sa story ng buhay mo, kasi alam niya na eh.

Then unti-unti nadidiscover yung flaws ng isa’t isa, may mga bagay kang ginagawa na akala mo okay lang pero sa paningin niya mukha ka palang tanga, mga pagkakaiba ng interest, culture, paniniwala, pati issues sa family, atbp.

Yung una sasabihin mo na, okay lang, willing akong tanggapin mga ka-shit-an niya sa buhay etc., But until when?

Dumating na tayo sa point na kung saan di na okay sayo yung mga ginagawa ko, which is okay naman before. Na dati okay lang na magkamali ako pero ngayon masyado na big deal. Na dati iniintindi kita pero ngayon hindi na kita pinakikinggan.

Dumating na tayo sa point na kung saan mas pinipiling iwasan na lang pag-usapan ang problema kesa solusyunan, para ano, para di na masaktan pa? Pero lalamig lang muna ngayon kasi paglipas ng mga linggo yun at yun uli ang magiging dahilan ng di pagkakaintindihan?

Darating tayo sa point na mas masasakit na salita pa ang mabibitawan natin sa isa’t isa.

Darating na siguro tayo sa point na kung saan mapapagod na, magkakasawaan, may makikilalang bago na feeling ko mas makakaintindi sayo, unlike me.

You said you love me. I said, until when?

Kasi tulad nga nung sinabi ko sayo, kahit ikaw ang downfall ko, ikaw pa rin ang gusto ko. Kahit nga impiyerno pa ang patutunguhan natin, sasamahan pa rin kita.

Pero bakit iniisip mo napipilitan na lang ako? 😞

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.