Uhaw na uhaw


Parang may mga na-uunlock ako na ugali ko nung nagkajowa ako. I mean hindi naman ako ganitong klaseng tao before, pero nung nagka-bf na ko naging ganito na ako? Alam mo yung ganung feeling?

Yung dati napapatanong ako na bat may mga gf na ganyan? Yung nag-iinarte at nagtatampo sa jowa ng walang dahilan, or dahil daw sa mood swings, gf na madrama. Ngayon narerealize ko I’m already one of them, haha!

Dati sabi ko pa nun sa kanya, di kailangan sa lahat ng oras magkausap kami, kasi baka magkasawaan agad pag lagi magkachat. Pero ngayon ilang oras lang siyang di nakakapag online, valid naman yung reason, pero nagtatampo ako ng sobra.
Dati di naman ako selosa, pero ngayon sobrang paranoid ako na feeling ko maaagawan ako ng di ko namamalayan haha #AngGandaKo di ba

Dati inis na inis ako pag may mga magjowang PDA sa public place, pero heto ako ngayon pag nagkikita kami, wagas ako makayakap sa kanya.

Dati di naman ako rude magsalita sa ibang tao, pero bakit sa kanya nasasaktan ko siya, nagiging insensitive ako sa mga sinasabi ko?

Dati di ako sanay na napagtutuunan ng atensyon ng iba. Pero ngayon uhaw na uhaw ako sa atensyon niya hahahaha (grabe naman sa uhaw na uhaw, di naman sobrang needy at clingy ko lang ngayon)

Parang habang tumatanda ako, habang tumatagal mas nagiging immature na ko. Maygahd lahat ng kinaiinisan at sinabi ko noon kinakain ko na ngayon πŸ˜…

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.