Miss u bb


Namimiss ko na bb ko. Nagkakausap naman kami, pero di na tulad ng dati. Yung lagi siyang naka-online. Yung ang bilis-bilis niya magreply. Yung ang dami niyang hanash. Yung mga shitposting niya. Yung screenshot ng score niya sa cf. Yung youtube links ng pinakikinggan niya. Yung mga memes at mga hentai girls niya. Atbp. Yung feeling na parang lumalamig na siya ganern. Alam ko namang busy talaga siya sa work niya ngayon. Tapos sira pa yung phone na gamit niya. Pero napaparanoid na kasi ako na feeling ko nawawalan na siya ng interes sakin. Na ibang babae na ata yung una niyang kinukuwentuhan, hindi na ako. Feeling ko anytime, pwede na niya akong iwanan. Kaya nung mga unang araw grabe talaga yung tampo ko sa kanya kasi nababalewala ako. Mangiyak iyak pa ako haha. Oo OA ako tingnan, pero namimiss ko kasi eh. Nasanay ako na alam ko lahat ng whereabouts niya, na lagi niya akong ina-update sa mga ginagawa niya. Pero ngayon oras na ang binibilang bago siya makapagreply. Ang lame pa ng usapan namin. Wala eh ang boring ko kasing jowa 😦 kaya siguro sa iba niya na shineshare yung sarili niya. Nung nagkatrabaho naman ako lagi ko pa rin kini-keep up sarili ko sa kanya ah. Nagrereply kahit hirap ang sitwasyon sa biyahe, nagpupuyat para lang makausap siya ng mas mahaba. Ngayon parang pati siya ipinagkakait na sakin ng tadhana, bat naman ganito? (teary-eyed ulit) Naisip ko eto yung mas makabubuti para sa kanya eh. Kesa naman yung tulad nung dati na same old routine lang siya araw araw, na tuwing hatinggabi malulungkot lang siya dahil sa sitwasyon niya. Ayoko na ulit bumalik siya sa ganun. Sana nga magtuloy tuloy na yung trabaho niya ngayon. Yung feeling na, sa isang iglap nag-mature na siya? Pero ako di pa sanay na ganun siya. Sana pag day off niya bumawi siya sakin. Yun lang, isang araw lang sa isang linggo, please? Tsaka wag sana mangyari yung lagi kong kinakatakot, na baka isang araw paggising niya, ibang babae na ang gusto niya at di na ako 😦

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.