Alam mo yung feeling na, okay naman ang lahat, pero parang may kulang pa rin? Bakit masyado kong dinadamdam yung mga bagay na mababaw lang? Bakit may mga gabing umiiyak pa rin ako sa pagtulog? Bakit di ko pa din kayang maging masaya? Bakit lagi akong umiiyak sa paulit-ulit na dahilan??? Bakit ako lang yata ang laging nagsa-suffer???
Bahagi na ng buhay yung hurt at pain. Na parang in every forms/aspects of life, may exact opposite. Parang yin at yang. Walang sense ang isa kung wala ang isa. Parang seesaw, di gagalaw yun kung walang tataas o bababa. Parang heartbeat o pulse rate ng tao, may ups and downs kasi kung straight lang, patay yun. Parang stoplight, na didiktahan ka when to go and when to stop for awhile.
Na masaya ka ngayon, bukas maging malulungkot ka naman. Pero okay lang yon kasi pagkatapos nun magiging masaya ka naman ulit eh. Tas malulungkot ulit. Paikot-ikot lang.
Parte na ng buhay ang maging malungkot, okay lang yun, magiging worth it din ang lahat. Pero kung mas madalas kang nalulungkot kesa sa sumasaya, naku, di na tama yan.
Bigla ko tuloy naalala si sarah G. π
LikeLiked by 2 people