Kanina lang to, pauwi ako galing sa trabaho, yung katabi ko sa bus, iniipit ako ng siko niya, sinisiksik ako, nakapwesto ako sa bintana, sa may two-seater, malapit sa unahan. Di na ko komportable, kaya bumaba agad ako sa Talaba. Pagtayo ko, sinundot niya yung pwet ko. Tumakbo lang ako nun pababa ng bus. Sorry kung di ko kayang lumaban, duwag at mahina ako. Sorry dahil sa moment na yun, hindi ako makasigaw, na-freeze lang ako. Sorry dahil di ako makapagaumbong. Hanggang pagpost at pag iyak lang ang kaya kong gawin. Natatakot pa rin ako. Kasi anytime pwedeng mangyari ulit yun. Araw-araw akong sumasakay ng bus. Di naman ako mukhang kamanyak-manyak? Mukha akong lalaki, walang dede, nakatshirt at pantalon, nakajacket na makapal, yung bag ko nasa harap ko lang. Ang panget panget ko, pero bat ganon??? Minalas-malas pa rin ako at ako ang laging nabibiktima?
Sorry, kahit ilang beses akong sabihan na manlaban ka at wag matakot, kung nandun ka na sa sitwasyon na yun, mawawala ka na lang sa tamang pag-iisip, sorry talaga π
Also read:
kaya ok talaga na sa pambabaeng bagon na lang tayo sumakay eh, bat ganun nu parang normal na lang na nangyayari yun
LikeLiked by 1 person
Hindi ka po nag iisa. Ilang beses ko na din naranasan mahipuan. Pero madalas sa mrt kase siksikan pasahero dun e. Minsan sa jeep.
LikeLiked by 2 people
ay grabe yang mga manyak na yan hinayupaks ndi pa sila madeads kairita π€ yaan mo dadating ang karma para sa mga yan
LikeLiked by 1 person