May tanong na βKung may pagkakataon ka na mabago ang iyong nakaraan, anong babaguhin mo? Bakit?
Simple lang naman gusto ko. Siguro ang babalikan ko, yung elementary days ko. Yung sana pala ginalingan ko noon hahahaha. Ang tamad tamad ko kasi gumawa ng project. Kung pinush ko lang ng bongga, sana naging honor student na ko, e di sana nakapag entrance exam ako sa mga universities, e di sana mas magandang opportunity para sakin haha
Ngayon lang ako nanghinayang kasi kayang kaya kong abutin yun dati, pero dahil immature ako, di ko ginawa. Yung feeling na ang talino mo gurl kaso sayang kasi di mo mapakinabangan. Nakakafrustrate din. Hanggang exam na lang ba ako magha-highest? Di ako makaangat dahil sa anxiety ko, sa takot ko na di ko kayang gawin yung ganitong klaseng trabaho.
Ano bang ipinaglalaban ko haha, dahil lang sa di nagpasa ng project di na umangat sa buhay hahahahaha
Self-confidence lang ang labanan sa real world. If meron ka niyan, magagawa mo at mapagtatagumpayan mo ang lahat. Believe in your self, Shaira π naniniwala akong kaya mo yan. Starting palang yan.
LikeLiked by 1 person
Maling mali. Hindi naman porket hindi ka nag aral noong mabuti hindi mo na maabot pangarap mo. Nasa pagsisikap yan
LikeLiked by 1 person