Ang mundo ay isang malaking Quiapo


 

(Bakit girl, naagawan ka ba?)

Di naman, haha tsaka sa Divi ako nakupitan ng wallet.

Pangalawang beses na to, yung first time ko nun sa Kadiwa, 2012, nakuha yung unang unang cellphone ko, yung de keypad na cherry mobile pa. Nastress ako kasi uso na nun smartphones, bakit phone ko pa???? Hawak ko pa cp ko nung time na yun tas biglang nawala? Nakakagigil!!

Ay wait, ikwento ko na rin yung nangyari nung sa Divi, naramdaman kong nahablot sa bulsa ng pantalon ko yung wallet ko, paglingon ko ang bilis naglaho!! Nakakagigil!

300+ lang laman ng wallet ko pero nakakapanghinayang kasi nandun yung OTG at splitter ko, valuable sakin mga yon eh.

Alam mo narealize ko lang, ANG DAMOT DAMOT KO KASI KAYA AKO NANANAKAWAN HAHAHAHA. Bago ako masnatch-an, may mga batang kumukuha ng coke float ko, di ko binibigay kasi naiinis ako kasi nga pilit kinukuha sakin, di man lang magsabi na β€˜Ate akin na lang yan’?? Willing ko naman ibigay pero yung namimilit? So yung wallet ko yung napagtripan. Ayan karma is real b–

Ganun din pag may namamalimos, may badjao na sumasayaw sa jeep, mga nanghihingi ng abuloy sa bus, di ako nagbibigay. Kasi ako nga ginugutom ko sarili ko para lang mapagkasya ko yung pera ko, tas ibibigay ko pa sa iba? Yung tipong ako napapagod para kumita ng pera tapos sila ganun ganun lang, pag di mo bibigyan nanakawan ka. Kuripot ako tsaka madamot kaya ayan, mas lalo pala akong nawawalan.

But that incident wont change me, magdadamot pa rin ako.

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.