Sense of Purpose


 

(Ngayon lang ako magsusulat ng tungkol sa relihiyon, I hope it doesn’t offend anyone)

I’m at this point wherein naniniwala ako sa Diyos pero di ko ginagawa yung mga gawain ng isang Kristiyano (magsimba, magdasal, etc.) kasi?

Hindi naman sa tinatamad. Pero wala akong reason/motivation para gawin yun.

Nung high school at college days ko naaanyayahan ako sa mga events sa Christian Church, at syempre kung gusto ko maging member ng community nila, ganun, pero inaayawan ko rin. Kasi ang hirap mag-commit sa ganun tas di ko rin matutuloy-tuloy.

Nung wala pa akong trabaho, pinagnonovena ako ng tita ko sa Baclaran para daw magkaroon na ko ng trabaho, ginawa ko kasi kailangan ko sumunod, pero deep inside hindi ako naniniwala sa mga ganung pamamaraan kasi, sa’kin pa rin naman nakasalalay ang magiging kapalaran ko?

At eto nga ngayon na may trabaho na ako, tapos karamihan sa mga katrabaho ko eh mga active sa church nila (Catholic, Christian) at may mga araw na after namin mananghalian ay nagkakaroon ng sharing of word of God (na parang bible study). Napapaisip ako na buti pa sila, mga devoted at may intimate relationship with God, pero bakit ako kahit ilang bible verse ang marinig ko, hindi ko ma-absorb?

Nalilgaw na nga siguro ako ng landas. Gusto kong magbalik-loob, pero di ko magawa. Sinasabi ko lang sa sharing kahapon na β€œTrust in God” pero di ko naman ginagawa.

Ito din siguro ang dahilan kung bakit wala akong kaplano-plano sa buhay, lam mo yun, ang gusto ko lang mangyari eh magkatrabaho lang ako tas sumweldo tas makabili lang ng pangkain at makabili sana ng sariling bahay.. Pero wala akong specific career goal? Sabi ko dati sana ma improve ko pa sarili ko para maging mas confident, pero ilang buwan na ang nakakalipas I’m still the same old sh-. Kasi paano nga naman magbabago ang isang tao kung wala siyang nakikitang mali sa ginagawa niya?

Eh tapos nakita ko ang post na ito.

image
image
image
image

Napaisip na naman ako ng malalim. Yung jowa ko ganun din, naliligaw ng landas. Actually sa tagal naming ito, isang beses pa lang kami nagtungo ng simbahan na magkasama (March 13. Quiapo). Kaya siguro hindi pinagpapala ang relationship namin, kasi ganito kami. Dati sabi ko pa naman, sana yung magiging jowa ko, siya ang maglalapit sakin kay Lord. Pero wala naman akong hanash sa pagiging ganun niya. Ang gusto ko lang eh sana dumating yung araw na maging tulad kami ni Treszka at Mark πŸ™‚ Kasi ang hirap nito eh, ako gusto ko kahit papaano umasenso sa buhay (though siya gusto niya rin naman, dami niyang goals), pero di ko makita sa actions niya? Yung parang gusto mo tumaas pero siya medyo kuntento na sa ibaba? Ayoko namang mag isa lang akong umangat, syempre sana siya rin (di lang financial, but yung worth as a person) kasi syempre naiisip ko na na sana siya na, for good, pero nag aalangan din ako kasi kapag ba nagsettle na ko sa kanya, aangat ba kami o lulubog? Yung sana maging ok naman ang future di ba.

Pero sa ngayon, idk, let’s just see what happens.

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.