Fireworks


Pumunta kami ng Rakrakan Festival. Akala ko nung una, isa ito sa magiging happiest memories naming dalawa. Pero hindi, hiniling ko kasi sa kanya na huwag na muna kami magkita after ng event na to. Tatlong buwan. Kaming. Hindi. Magkikita. Sabi ko, i-enjoy natin ang bawat sandali ng gabing ito.

Bakit nga ba? Well parang cool off na siguro tong mangyayari. Di naming intensyon directly, pero baka dun din mapunta. Sa dami kasi ng mga unfortunate events na nangyari samin nitong mga nakaraan, tingin ko ito na ang “best option” para sa ikabubuti naming dalawa. Parang sinisisi ako ng mama niya kung bakit hindi siya natuloy mag-abroad, di rin directly pero ang tingin nila eh naiimpluwensyahan ko siya sa pagkakaroon ng mababang self-esteem kaya mas lalo siyang tinatamad (yun kasi ang nakikita nila sakin). Syempre masakit yun sa side ko kasi parang wala naman akong ginawang masama sa kanila, sa anak nila, pero ang panget ng tingin sakin. Playing safe ako para di ako makitaan ng hindi maganda, pero it turns out ganun pa din ang nangyari. Parang, ‘bakit ganun, si Emily ok naman sa kanila, pero bat ako hindi?’ Sabi ko, sige, maghanap ka nga muna ng trabaho. Ayoko nang magmukhang sagabal. At dito naman sa side namin, ganun din, na parang lahat ng maling desisyon ko eh naka-konekta sa kanya, tulad ng: “Kaya gusto mo magwork sa Quezon City kesa sa Cavite kasi para malapit lang sa kanila”, eh ang totoo di naman siya ang main reason ko kung bakit dun ako nagtatrabaho, sadyang yun ang dumating na opportunity sakin, tatanggihan ko pa ba? Tsaka issue din yung nagpapaluto at nagpapalaba na kami, mas lalo daw kaming nagiging tamad, mas maraming time sa jowa kesa sa gawaing bahay. Eh di nyo ba nakikita na alas sais ng umaga ako umaalis at mag-aalas onse ng gabi na ako nakakauwi? Mas uunahin ko pa bang lumandi kesa sa magpahinga????? Hindi porke po na malapit lang sa kanila eh palagi na kaming nagkikita. Nakakainis kasi alam mo yun nagpapakapagod ka sa trabaho, pero ang iniisip nila eh naglalandi ka lang. Kaya sige, para matigil na ang maling tsismis, magla-lie low muna ako sa kanya. Tapos ngayon eh pareho na kaming walang cellphone (kasi nasira na din yung sakin). Mas lalo naging mailap ang means of communication namin. Pansin ko lang, parang pinaglalayo kami ng tadhana. Bakit ganito? Di ba ako pwedeng maging masaya once in a while? Pinagkakaitan pa rin ako. Memorable ang gabing ito, kasi akala ko masaya, hindi pala. Bago kami maghiwalay ng landas, nainis pa ako, ang daming kamalasang nangyari nung pag-uwi ko, tas dagdag pa yung pagiging makulit niya na paulit-ulit na nagtatanong, nairita tuloy ako lalo. Ni hindi ko man lang nasabi na “Ingat ka”, “I love you”, or any words of motivation. Nagsisi ako. Kaya nung pagbaba niya ng tawag, naiyak ako. Sorry kung sinasaktan ko lagi ang feelings mo. Sorry kasi napaka-insensitive ko. Sorry. Hanggang sa eto sinulat ko na ang post na to. Di ko alam ang mangyayari sa mga susunod na araw. It’s just either mag-iimprove kami individually, or magkakalabuan lang.

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.