Why him?


Actually hindi siya yung β€˜ideal man’ na masasabi mo. Marami siyang flaws at imperfections. May mga bagay siya na ginagawa na hindi maganda sa paningin ng iba. Kaya siguro hesitant ako na ipangalandakan siya sa lahat. Meanwhile siya napakilala niya na ako sa lahat sa side niya, ako never ko pa siyang pinakilala sa kahit sinong kaibigan ko (well wala rin naman kasi akong close friend). Kasi natatakot din ako sa magiging impression sa kanya, sasabihin na di naman magiging maganda ang buhay mo sa ganyang klaseng tao.

Buti pa siya, he’s brave and proud to have me, kahit na ang panget ko at weakshit ako, kahit sinungaling ako sa paningin ng mama niya, kahit ang normie ko at di ko trip ang trip niya, kahit na mas magandang tunay ang ex niya at bespren niya. Hays.

Sabi ko okay lang, wala na akong pake kung marami dyan na mas matino kesa sa kanya. Tulad nga ng sinabi ko noon, siya lang yung nakakita ng value ko. Kahit di gusto ng iba yung personality niya, wala na ko pake. Basta ang importante mahal niya ako. HAHAHAHAHA

(Hala si Shai nabulag na sa pag-ibig) Hindi naman, kasi siya nga tanggap ako kahit ganito ako eh, so bakit ako mag-iinarte at magpipili pa? Oh eh so ano kung hindi secured ang future ko sa kanya? As long as he cares for me, enough na sakin yun. Di ko kailangan ng disente, ang gusto ko yung taong iintindihin ako forever β™‘ Di ko kailangan ng mayaman, kasi kaming dalawa ang bubuo ng sarili naming palasyo. Charot.

Kahit na nagyoyosi siya, kahit na mas inuuna niyang magcomputer kesa ichat ako, kahit na marami siyang porn sa phone, kahit na ako lagi ang gumagastos saming dalawa, wala akong pake, love na love ko pa rin siya.

(pasensya na kung karamihan ng post ko dito puro kalandian lang.)

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.