Wait lang di matatapos ang taon na to nang hindi ako nakakagawa ng Year-ender playlist ko π
Unlike dati, hindi na ako masyadong updated sa mga bagong tugtog (wala na kasi kaming TV π) tapos di ko rin masyadong trip yung karamihan sa mga naririnig nyo ngayon. Karamihan ng nasa faves ko puro One Direction at Bruno Mars pa rin (as usual!)
Tapos minsan nagdedebate pa kami ni jowabels, ‘Mainstream music is trash’ daw sabi niya. Di niya bet yung mga tugtugan ko π Ang genre niya eh mga hardcore metal, punk, rock, trap, jpop, atbp. which is di ko rin naman gusto hahahahaha
Wiw dami kong kwento, o eto na ang Top 20 ko. Enjoy!!!
20. TOUCH – Little Mix
Lumelevel-up na ang Little Mix π
19. CHAINED TO THE RHYTHM – Katy Perry
Katy’s back! As usual, bongga pa rin ang prod niya π
18. READY FOR IT? – Taylor Swift
Taylor’s back too!! Tbh mas bet ko to kesa sa LWYMMD, at astig ang MV. Pero yung ‘Getaway Car’ ang favorite ko sa reputation, sana next year ay irelease din siya as single.
17. FAKE HAPPY – Paramore
Una ko tong narinig nung pinatugtog siya ni jowabels (fan nga kasi ng Paramore), favorite ng bestfriend niya, and eventually naging favorite ko na din.
16. STAY – Zedd ft. Alessia Cara
Upbeat yung tunog, pero ang sad ng music video :<
15. DITO (Acoustic) – Inigo Pascual
AY HUWAW MAY OPM!! First time!!! Di nga, nainlove ako sa kantang to (kasi kaboses ni Inigo si Sam Concepcion) so bale mga 2 weeks ko rin siyang naging crush π
14. PERFECT – Ed Sheeran
Nung pagkarelease ng Divide super favorite ko to eh, kaso nung naging mainstream na nagsawa na rin ako. Hahahaha
13. TOO MUCH TO ASK – Niall Horan
12. TOO GOOD AT GOODBYES – Sam Smith
Sam Smith’s back!!
11. TOO GOOD TO SAY GOODBYE – Bruno Mars
(iba to sa kanta ni Sam Smith) Another heartbreaking song from Bruno (actually prequel to ng When I Was Your Man) sa sobrang taas ng notes nito, di na to isinasama sa mga kantang pini-perform ni Bruno sa mga concert niya haha
10. FRIENDS – Justin Bieber, BloodPop
Jelena is back yowwwwww!
9. BACK TO YOU – Louis Tomlinson ft. Bebe Rexha, Digital Farm Animals
8. DUSK TIL DAWN – Zayn ft. Sia
7. TWO GHOSTS – Harry Styles
Nakaka-inlove talaga si Harry β₯
6. FLICKER – Niall Horan
Nakaka-inlove din si Niall β₯
5. ATTENTION – Charlie Puth
No comment.
4. FADED – Alan Walker
Actually 2015 pa pala tong kanta na ito, pero this year ko lang siya nadiscover, dahil kay daniel na tumutugtog ng launchpad, mga ilang linggo din akong na-LSS dito. #EDMislife β₯
3. I FEEL IT COMING – The Weeknd
Pag papakinggan mo siya ng madaling araw, dadalhin ka niya pabalik sa 70s at 80s π nostalgic feels, kahit di pa ako nabuhay nung panahong yun.
2. WOMAN – Harry Styles
This song gives me eargasm to the highest level, kahit na may duck sounds π At ang hot ng boses ni Harry hahahahaha
1. CALLING ALL MY LOVELIES – Bruno Mars
Eto ang pinakafavorite ko sa lahat ng kanta sa album niyang ’24k Magic’. Ang hot talaga ni Bruno dito π tsaka eto yung feels na okay lang na may kausap/kalandian siyang iba basta ba sakin pa rin siya babalik :p Tsaka kung manonood ka ng concert niya next year (malay mo lang naman di ba) sasabihin ko na sayo, eto ang pinaka-the best na pini-perform niya pramis! Sa sobrang hot niya makakalimutan mo na may jowa ka hahahaha charot (Ang subjective ko masyado sa part na to, sorry na.)
Pansin mo rin no, favorite ko yung kanta kasi ang guguwapo ng mga kumakanta. Hahahahaha
One thought on “YEAREND TOP 20 SONGS | 2017”