Iiiyak ko na lahat ngayon


Wala siguro talaga akong magawa. Tinitingnan ko na naman ang profile mo. Parang waiting shed, ginawa ko nang tambayan. Hanggang sa unti-unti, tumulo na naman ang aking luha, salamat sa mga malulungkot na kantang naririnig ko sa radyo ngayon.

Lagi kong sinasabi na okay lang ako, sanay na akong mag-isa, na kaya kong hindi kita makita ng matagal. Pero ngayon pa lang na naiisip ko na aalis ka na, naiiyak talaga ako. Nasanay na akong lagi kang nariyan, online, chinachat ako. Nasanay na ako na every week nagkikita tayo. Paano na ako ngayon? Sabi ko sayo eh, matindi talaga ako pag tinamaan ng separation anxiety. Mamimiss ko ang lahat sayo, ngayon pa lang. At naiisip ko, baka pag-uwi mo ng Pilipinas, hindi na ako ang mahal mo. Kaya ngayon, sinusulit ko na talaga yung bawat moment na kasama ka, kasi baka yun na pala ang huli. Posibleng hindi na maulit pa yung mga nangyari ngayon.

Iiiyak ko na lahat ngayon, sinasanay ko na ang sarili ko na wala ka, para sa araw na aalis ka na, di na ko luluha pa. Di mo ako makikitang umiiyak.

All at once, I’m drifting on a lonely sea, holding on to memories. And it hurts me more than you know, so much more when it shows, all at once.

(Salamat sa mga malulungkot na kantang naririnig ko sa radyo ngayon, at sa blog na ito, dito lang ako pwedeng magdrama ng ganito)

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.