Insecurities


How’s life?

Ngayon lang ulit ako nag-update dito sa wordpress. Pagkatapos ng nangyari sa’min ng bespren ko, sa totoo lang nawalan na ako ng ganang magpost pa rito. Binawasan ko na yung pagra-rant ko online, na tama nga siguro na isarili ko na lang yung mga pinagdadaanan ko sa buhay, kesa i-type pa rito. Iprinivate ko yung mga social media accounts ko, tinigilan ko yung pagtu-twitter, atbp. Maski itong wordpress, private na rin (kaya malamang hindi nyo na mababasa pa ito). Pag may mga hanash ako, sa boyfriend ko ako magve-vent out. Well, kapag tungkol naman sa kanya ang hanash ko, tina-type ko pa rin pero nasa chatbox ko na lang. Wala eh, yun pa rin yung way ko para mailabas ang mga saloobin ko. Sa totoo lang natakot na ako mag-open sa iba. Ayoko nang mangyari yung ipinapamukha sa’kin yung mga flaws ko, yung paulit-ulit na lang nilang sinasabi na, “Nasa loob ang kulo niyan”. Well, guilty ako dun. Pero never akong nainggit o nanira ng iba. O ngayon, mas mabuti nga talagang sarilihin ko na lang ang lahat.

Sabi ng bf ko, bakit yung masasayang memories at kaganapan hindi ko sinusulat dito? Pero pag mga problema ko ang dami kong inilalagay? Ewan ko. Baka siguro mas pinipili kong alalahanin yung negative side ng buhay ko. Tsaka bilang lang sa daliri yung mga panahong masaya ako. Oo nga. Tsaka ganito yun: Facebook at Instagram = Bright side. Twitter at Blog = Dark side.

Heto nga, wala pa rin akong trabaho, apat na buwan buhat ng matapos ako sa kolehiyo. Limang kompanya na ang inapplyan ko. Minsan hindi pumapasa sa interview. Minsan exam pa lang hindi na pumapasa. Yung isa, muntikan na sana, kaso hindi na ulit ako kinontak pa para sa contract signing. Ewan ko ba. Sabi nila mag-apply ka lang ng mag-apply. Pero habang tumatagal mas nadedegrade ako. Pramis. Yung kada sabak ko sa interview, lalo akong nagkaka-anxiety, hindi ko alam kung bakit pero nauutal pa rin ako, hirap akong magsalita. Nakakahiya kasi graduate pa man din ako ng ABCOMM. Communication. Pero ano? Nilalamon ako ng sakit ko. Pag bumabagsak ako sa exam, nginingitian ko lang yan pero pag napapaisip ako, lalo lang akong nada-down. Same time last year, nag-champion pa ako sa Tagisan ng Talino. Pero ngayon, anyare?? Nasaan na ang utak ko? Naiwan ko ba sa STI?

Buti at hindi nagsasawa yung bf ko kaka-motivate sa’kin. Ilang buwan na kami, palagi niya akong tine-training, paulit-ulit niya na lang akong sinasabihan na ganito, ganun ang gawin ko, binibigyan niya ako ng life tips/advices. Pero hindi ko ma-absorb. Walang nagbabago. Nakakahiya. Minsan sa sobrang pagdadrama ko, sinasabi ko sa kanya, “Hiwalayan mo na lang kaya ako?” Pero joke lang yon, ayokong mawala siya huhu. Pero inaamin ko, nagiging dependent na nga ako sa kanya. Yung mga desisyon at gusto kong mangyari sa buhay, minsan dinidepende ko lang sa kanya.

Siguro nga tama yung tita ko. Wala akong focus sa paghahanap ng work dahil sa pag-ibig na yan. Kaya siguro ako hindi nakakapasa sa exam, kasi puro kalandian lang nasa isip ko. Simula nung nagka-bf ako, palagi na lang daw siya ang iniisip ko. Pero grabe din naman sila haha parang bawat galaw ko, sa boyfriend ang sisi. Hal. “Bakit gising ka pa? Magkausap na naman kayo no?”, “(Pag malungkot) Ano, nag-away na naman kayo?”, “(Pag aalis ng bahay) Magkikita na naman kayo?”, “(Pag may nakalimutan na gawain) Ayan, si Kayven na naman kasi iniisip mo.” Luh lahat na lang haha di naman ako ganun ka-obsessed sa kanya nu. Kung alam nyo lang, araw gabi iniisip ko kung paano ako magkakatrabaho?? Saang company pa ba ako pwedeng mag-apply? Yung siguradong papasa na ako? Paano ako papasa????? Yung ibang mga kaklase ko, sumusweldo na, nakakapagtravel na. Eh ako? Tengga pa rin sa bahay, nagbabantay ng bata sa gabi. Hays. Hanggang dito na lang ba talaga ako? Palamunin?????

Anyways, ang dami kong nakikitang job postings online. Kaso puro call center. Pati yung sa company ng tita ko, voice account lang ang hiring. Eh kaso, ayaw ko!!! Ayoko. Naiisip ko pa lang na tatawag ako, nanginginig na ko juskupo. Tina-try ko naman i-overcome yan at mag-step out of the box, kaso, wala. Di ko kaya. Nakakahiya di ba. Sabi ng tita ko, wag daw muna ako mag-apply ngayon. Sayang lang daw pera hahahaha (totoo naman). Antayin ko na lang yung TOR na makuha ko sa December, para makapag-apply na ako sa gobyerno (pasado nga pala ako sa CSE btw). Pinag-nonovena niya ako sa Baclaran. Dapat daw makumpleto ko yung 9 Wednesdays. Wow. Matutupad daw ang petisyon ko. Eh kaso, matagal na naman akong matetengga! Pagod na ako kakaasa at kakahintay dito pramis. Kaso ano, pag nag-aapply naman ako hindi naman pumapasa. Hay buhay.

*LOVE LIFE HANASH*

Hindi naman kami nag-aaway. Minimal lang yung mga problema. Maliit nga ba? Hmmm oo. Una na riyan yung pagiging hindi ko sweet. Gusto ko maging madaldal kapag kasama/kausap siya, pero di ko magawa? Gusto ko magtanong ng kahit na ano tungkol sa buhay niya, kaso wala akong maisip na itanong? Bakit blanko ako all the time? Gusto ko rin mag-effort ng katulad nung sa kanya, but i dont even know where to begin. Yung mga long sweet messages, how will I even do that? (Kaya hindi ko magawa-gawa yung love letter kahit ilang beses ko subukan.) Dalawang buwan na kami, dapat sanay na ako sa mga ganitong bagay, pero hindi eh feeling ko mangmang pa rin ako. Sinabi ko sa kanya na di ko alam kung paano gawin yung isang bagay unless ituro sa’kin kung paano. Yung pag-ibig, ginagawa ko lang na parang math formula hahahaha nubayan. Bakit sa iba natural yung ganun? Bakit ako hirap na hirap? Isip bata pa rin ako kung tutuusin. Self-satisfaction ko lang ang naiisip ko. Kaya siguro feeling niya one-sided lang tong relasyon namin. Tapos ayun minsan nasasaktan pa rin ako pag malulungkot siya kasi maaalala niya yung ex niya. Kasi iniisip ko minsan na baka useless lang pala ako sa kanya. Wala eh, di ko siya madamayan kasi magkalayo kami, minsan lang kami magkita. Matagal pa bago matabunan ng new memories ang old memories. Yun nga, marami pa akong kailangang patunayan.

Heto pa, kasi malapit na siyang mangibang-bayan. Nung una pa lang sinabi niya na yun ang plano niya. Di naman ako tutol. Sige go lang. Di tayo mabubuhay kung puro pag-ibig lang ang paiiralin. Kailangang kumayod at magtiis, para sa maginhawang buhay kinabukasan. Okay lang, willing akong magtiis sa LDR na yan, since medyo LDR na kami, tsaka sanay na ako mag-isa nu hahahaha. Kaso natatakot ako na baka pag-alis niya, hindi na siya makabalik pa sa’kin. Somewhere out there, merong mas better sakin. Yung mas maganda, mas sweet. Kaya sana anuman ang mangyari, wag siya magsawa sa’kin at ma-fall out of love. Tapos sana maging consistent ako sa kanya, at ganun din siya sa’kin. Di man ako sweet, di man ako magaling mag-comfort, pero ipinangako ko na sasamahan ko siya sa ups and downs ng buhay. Bibitaw lang ako sa kanya kapag siya ang unang bumitiw. Pero wag naman sana no.

Namimiss ko na yung late nite talks namin. Parang dati lang, sabi ko sa kanya, ayoko ng mga ganun. Kasi eto yung ayokong mangyari eh. Yung pag nasanay ka na, tas nawala, mamimiss mo, hahanapin mo. Bihira na lang din yung pag-good night (lagi ko siyang tinutulugan kasi). Medyo busy na rin kasi siya. Pero ganun talaga siguro, we stopped at getting to know each other. Wala nang dahilan para sa late nite talks, wala nang deep conversations. Palagi akong nag iisip ng pwede kong iopen up, kaso, wala talaga akong maisip na topic eh. Ni hindi ko nga siya magawang matanong ng kahit anong tungkol sa kanya eh. This thing slowly fades ….. Ano? Kaya ko bang imaintain to? Kaya ko bang maging consistent?

Dati nung NBSB pa ako, nawi-weirduhan ako sa ibang girlfriend kasi bakit ang bilis nila magtampo? Bakit sila nag-iinarte? Mababaw lang naman ah? Hahahahaha. Pero ngayon, isa na ako sa kanila πŸ˜₯ pag-iinarte nga ba ang tawag dito? Di ko alam kung alam niya to, pero pag tuwing magtatampo ako, umiiyak ako palagi hahahaha ang babaw di ba. Tapos ang weird pa rito, nagsave ako ng picture nila ni ex niya (alam niya yon). Para pag mga ganyang malungkot ako, magpapatugtog ako ng malungkot, tapos titingnan ko lang yung picture nila, para mas lalo akong iiyak hahahahaha! Tapos hindi ko din alam kung bakit hindi ko masabi sa kanya ng diretso na nagtatampo ako. Gusto ko yung makaramdam muna siya hahahaha! Lah, ang gusto ko lang naman eh suyuin niya ako eh. Oo nga, at di ako nag-a-i love you sa kanya kung hindi naman galing sa puso ko. Minsan lang yun makarinig nun mula sa’kin. Hahahaha pabebe ampupu.

Karamihan sa mga sinulat ko dito, actually nasa chatbox ko na to. Naipon, ayan pinagsama-sama ko na πŸ™‚

PS: Ang haba nito. Sana ganito rin kadami yung masasabi ko pag iniinterview. Sana ganito rin kahaba yung masusulat ko sa letter.

PPS: Ang gulo ng utak ko.

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.