See you soon, baby β™₯


Sa wakas! Finally!!

Heto na ang matagal kong hinihintay! After 7 years, matutupad na rin ang mga pangarap ko! ANG MAKA-ATTEND NG 24K MAGIC WORLD TOUR!!!!!

Pero bago yan, ang dami ko pang pinagdaanan.

Nung nag-announce pa lang siya ng tour dito sa Pinas, nagsabi na ko sa tita ko kung pwede ako manood. Sabi niya, bagong cellphone na lang daw ibili ko kesa concert tickets, sayang lang daw sa pera. Sabi ko “Bruno Mars is life”, once in a lifetime opportunity lang to na makita ko siya, kaya sana payagan mo na ako huhuhuhu. And then after ng ilang araw kong pamimilit, pumayag din siya! Kaso pang-General Admission lang daw kunin ko. Ayaw niya ako mag-VIP kahit sinabi ko na babayaran ko naman siya pag nagkatrabaho na ko. Wag daw ako magtapon ng 24k πŸ˜₯ Binigyan niya ako ng 10k na personal budget (bahala na daw ako kung cellphone o ticket ang bibilhin ko) eh kaso ang nangyari, nagamit ko siya sa pamasahe ko – sa pag-aapply ko ng trabaho tsaka sa paglalandi hahahaha (pramis ang laki ng nagagastos ko pag nagkikita kami ng bf ko, kasi ang layo talaga namin sa isa’t-isa.) Paubos na yung 10k, wala pa akong nabibiling matinong gamit para sakin. Pero ginusto ko rin naman yun eh, tsaka mas maganda pa rin na gastusin yung pera para sa magandang memories, kesa sa materyal na bagay. Kaya heto na nga, manonood na ako ng concert ni Bruno Mars β™₯β™₯

Ticket-selling day: THE STRUGGLE IS REAL

9AM pa lang pumunta na ako ng SM, sarado pa pero ang dami nang tao. Ewan ko kung bibili din ba ng ticket tong mga to? By 10AM, nagbukas na ang SM, takbo agad ako sa SM Cinema, tapos alam nyo ba, ang haba na agad ng pila! May mga mas nauna pa sa’kin na nakapasok dun, pwede pala yun!! Sa supermarket daw sila dumaan. Tantya ko pang-sampu ako na nakapila eh. Hindi ko inasahan na ganun karami ang bibili at manonood kay Bruno! Hala akala ko kaunti lang kaming mga filipino fans niya, ang dami pala hahahaha! Tapos karamihan sa bumibili mga 30+ na ang edad, naa-amaze lang ako. Dami niyang fans haha! Tapos after ilang minutes nagsidatingan na yung mga kasama ko – si Jenina na classmate ko at fangirl din ni Bruno, si Reyster na taga-Cavite din at nakilala ko dahil kay Bruno din, at si Ate April na nakausap ko lang sa gc at sasabay din sa pagbili.

Ilang oras na kaming nakatayo dun pero hindi pa rin umuusad ang pila. Akala ko mabagal lang ang serbisyo ng SM. Yun pala nag-sold out na agad lahat ng seats! Nirerefresh lang ni ate cashier at tinitingnan kung may mag-oopen pa. So naghintay pa kami dun ng medyo matagal. May mga umalis na sa pila at sumuko, may iba na bumili na ng VIP2 standing (kasi yun na lang ang available nung time na yun).
Lumipas pa ang ilang oras. Nakaupo na ako sa harap ng counter hahahaha, di pa kami kumakain nun. Tapos sa araw na yun ay kailangan ko ring asikasuhin ang Philhealth at NBI clearance ko at pupunta pa ako ng Makati para magpasa ng requirements – para sa trabaho ko. Wala pa ring available na Gen Ad, halos mangiyak iyak na kami dun. Dun ko lang na-gets kung bakit may mga umiyak nun nung ticket selling sa concert ng One Direction, na gabi pa lang nakapila na sila sa SM tapos mauubusan din sila ng tickets kinabukasan. Nakakaiyak di ba. Naisip ko nga, paano kung maghintay kami dun hanggang sa closing ng SM, pero wala nang mag-open na slot? E di uuwi akong luhaan, sugatan, di mapakinabangan!

2PM, nag-announce si Ate na may open nang 3 GenAd! Syempre kinuha ko kaagad yun (buti na lang, kasi yung mga kasama kong naghihintay dun 2 Upper Box ang inaantay nila, kami lang ang team GA nun, so ayun, sa wakas! Nakabili na kami ng tickets!! Tig-iisa kami nina Jenina at Reyster, hiwa-hiwalay nga lang kami ng upuan, pero okay na rin yun at least makakaupo!! Medyo nalungkot lang ako para kay Reyster kasi dapat isasama niya yung gf niya manood, eh kaso tatlo lang ang available nun, kaya ayun di na niya maisasama πŸ˜₯

After nun, dumiretso agad ako sa pagkuha ng requirements ko, saka pumunta sa inapplyan kong company. Kahit haggardo versoza na ko, laban pa rin!! Wala pa akong kain nun hahaha, pero at least, may trabaho na ako, may Bruno Mars pa ako β™₯ by the way, yung sa inapplyan ko, maghihintay na lang ako ng tawag para sa contract signing, tapos mag-uumpisa na ako mag-training, pero saka ko na ikukuwento yun hahahaha!

Dahil sa nagsold out agad, nagkaroon ng Day 2 ang 24k Magic Tour Manila. Sabi ko sana hindi agad ma-sold out, kasi bibili ulit ako ng isa pa para 2x the magic! Hihintayin ko lang yung unang sweldo ko. Tapos ibibili ko rin yung bf ko para masaya. Eh kaso, mukhang pati day 2 sold out din! Ang tindi ni Bruno πŸ˜€

At yun na nga, unti-unti nang natutupad ang mga pangarap ko (makita si Bruno, at magka-lovelife, hahahahahaha) ang hindi ko na lang naaabot eh yung magkaroon ng masayang trabaho at maging financially stable. Sana ma-achieve ko rin yan soon!!

Pero wait, maghahanash pa ako.
Nakakainis kasi nagso-sold out agad! Binibili ng scalpers yung mga ticket (maximum of 4 lang ang pwede, pero may nakakabili daw ng higit pa dun) tapos ay ibebenta nila ng napakamahal! Yung sa OLX, yung General Admission na ticket, binebenta sa halagang 11,000!!! triple sa orihinal na halaga! Mga mapagsamantala!! Hustisya naman para sa mga tunay na fans. Ang daming nagrereklamo sa facebook group. Marami sa amin ang hindi na nakabili kasi nauubusan agad. At ang sabi may mga nagpareserve daw ng tickets – yung mga elitistang mayayaman at mga artista. Ang daya! No reservation policy, pero nakapagpareserve sila? Ni hindi man lang nila maranasan ang pumila at maghintay ng matagal para makabili. Tapos pagdating ng concert sasabihin nila fan sila kahit Versace on the Floor ang alam nila πŸ˜₯ hustisya naman πŸ˜₯

Advertisements

17 Replies to “See you soon, baby β™₯”

  1. Uyyyy, ang saya ko naman for you!! Talaga 24 thousand pesos in the aaiiiirrrr din ang gustong patunayan n’yang si Bruno Mars na ‘yan eh HAHAHA

    Pero totoo. Hindi na nawawala sa mga nangyayari yang mga pareserve kemerut. Lalo na kapag artista o pag madaming datung o connections. Hirap maging normal na tao lang kapag mga ganyang concert e, ‘no?

    Liked by 1 person

  2. shaira naiiyak ako habang binabasa ko.. sana tulungan moko makabili!! pag di ko sya makita ngayon, isinusumpa ko sa susunod vip ang bibilhin ko!!!!!!!

    Liked by 1 person

  3. Woooowwwww! Congrats shairaaaa! Bruno Mars is lifer talaga. Hahahahaha! Kelan ba concert niya dito?

    Excited ako sa update mo sa work mo. Yaaaayyyy! Abangan ko nalang πŸ˜€

    Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.