Dip Tots

SHORT VERSION

Mag-e-eight years na πŸ™‚ feeling ko makaka-move on na ako. Kasi hindi na ako masyadong umaasa na kakausapin mo pa ulit ako eh.
Pero naka-see first ka pa rin sa facebook ko, at nagnonotify sa tuwing magpopost ka. Makakamoveon na nga ba talaga ako?

Di nga, halos wala na akong maramdaman na sparks/kilig sa tuwing mababasa ko yung pangalan mo. Ewan ko. Nung nakilala ko yung crush ko ngayon, naisip ko na, “Hala, hindi kita deserve. Hindi dapat ako nagtitiis na maghintay at umasa sa taong walang ibang ginawa kundi pagtripan lang ako at paulit-ulit na pagsinungalingan.” πŸ™‚

Kahit mababang uri lang ako, deserve ko rin na ituring na prinsesa, balang araw. At di ko yun mararanasan sayo. May mga nakilala na ako na mas better pa pala. Noon kasi akala ko hindi na ako magiging masaya (in terms of love ha) sa ibang tao. Pero di pala, naramdaman ko yung ‘feeling’ na yun sa iba na hinding-hindi ko naramdaman sayo.

Dati sabi ko, kung pwede akong papiliin ng taong gusto kong makasama magsettle down, sana ikaw yun. Pero ngayon, ibang tao na ang nasa isip ko. πŸ™‚ Pero kung ikaw nga talaga sa ending, okay lang din naman! Hahahaha. Nasa pagitan pa rin ako ng ‘holding on” at ‘moving on’.

Bubuuin ko muna yung sarili kong kastilyo. Tapos sana sa susunod, hindi na one-sided love. Sana may magreciprocate na ng feelings sa’kin. 😒


LONG VERSION

Isang araw, habang nag-iinstagram ako. Nakita ko yung pangalan mo. Aba, may account ka na pala dito. Isang picture pa lang ang naipost mo. Dali-dali kitang finollow. Pagkatapos ng ilang oras, finollowback mo ako.
Ilang taon na rin ang lumipas, feeling ko konti na lang, malapit na, makakapag-move on na ako sa’yo. Hindi na ako masyadong umaasa na kakausapin mo pa ulit ako eh.
Pero naka-see first ka pa rin sa facebook ko, at nagnonotify sa tuwing magpopost ka. Makakapagmoveon na nga ba talaga ako?

2009 nung nakilala kita. Magti-trese pa lang ako nun. Hindi ko pa alam kung ano talaga ang pag-ibig. Nung mga unang buwan na magkaklase tayo, naiirita pa ako sayo, SSG (sipsip sa guro) ka kasi eh! May pagka-GG Hadid ka rin (Gawa-Gawa ng kwento), yung ang dami mong sinasabi pero halata namang hindi totoo, ang daming ibinibida, puro yabang! Isang araw, habang naghihintay ako ng jeep pauwi samin, niyaya mo akong maglakad pauwi. Yun ang ginagawa mo araw-araw para makauwi, kesa maghintay ng mahigit isang oras para lang makasakay ng jeep. Hanggang sa naging magkasabay na tayo umuwi palagi, at naging close na rin sa classroom. Then habang tumatagal, nagiging crush na kita. Hindi ka gwapo, hindi ka matalino, hindi ka mabait, pero na-attach ako sayo kasi ikaw ang palagi kong nakakasama eh. Nung naramdaman mo siguro na crush na kita, dun mo na ako tinake for granted. Ako na ang gumagawa ng assignment mo. Ako ang tumatabi sa upuan mo para makakopya ka kapag may exam. Ako ang palaging nanlilibre tuwing break. Ako ang nag-eeffort sa’ting dalawa. ‘Tanga’ di ba, pero wala eh, napaka-immature ko pa nun. Minsan nagsisinungaling ka pa rin sa’kin, ako naman sinasakyan yung mga kwento mo kahit di totoo. Hinahayaan lang kita, di ko alam, sayo ko lang kasi nararamdaman yung ‘saya’ eh (in terms of love). MU ako nun, Mag-isang Umaasa.
Nung third year na tayo, hindi na tayo magkaklase. Meron ka na ring service nun, kaya ako na lang mag-isa ang naglalakad pauwi. May mga araw na sumasabay ka sa’kin – kapag may hihingiin kang pabor. May mga araw naman na dinadaan-daanan mo lang ako at ‘di pinapansin. Kaya heto ako, ang gumagawa pa rin ng assignment mo para lang makita kita. Nagtuluy-tuloy yun hanggang fourth year. Nagkaroon ako ng ibang crush nun – yung kaklase ko, pero at the end of the day, aabangan pa rin kita sa labas ng classroom nyo para makasabay kita pag-uwi.
Hanggang sa grumaduate na tayo, sabi mo sa Maynila ka mag-aaral. Nalungkot ako nun kasi hindi na kita makikita araw-araw, pero sabi ko sana may communication pa rin tayo. After grad, palagi na tayong magkatext, at magkatawagan sa gabi. Umasa ako nun na bet mo na rin ako ha! Kaso isang araw, bigla ka na lang hindi nagparamdam. Oo nga pala, kakausapin mo lang ako kapag may kailangan ka. Siguro nga wala na akong pakinabang sayo, kaya pinutol mo na ang ugnayan natin.
Nag-effort pa ako na mag-entrance exam sa isang unibersidad para lang magkapareho tayo ng kurso, kahit hindi naman yun talaga ang gusto ko. Buti na lang hindi ako tumuloy, kasi nagshift ka rin pala nung sumunod na sem. Nagcollege ako, nagkaroon na naman ng bagong crush, akala ko nga nakamove on na ako nun sayo eh. Di pa rin pala.
Sabi ko, pagkatapos kong magcollege at may trabaho na, hahanapin ulit kita. Sabi ko, kailangan magkaroon ng part 2 yung kwento natin. Babalikan kita, kahit ikaw yung nang-iwan. Umaasa ako na balang araw, magugustuhan mo na rin ako.
2013, isang taon pagkatapos nating grumaduate, nagkachat ulit tayo, kumustahan. Kaso di ka pa rin nagbabago, GG Hadid ka pa rin! Sabi mo nag-aaral ka pa rin sa Maynila, kahit alam kong nandito ka lang sa Cavite. Ang dami mo na namang ibinida sakin, ako naman oo pa rin ng oo. Pagkatapos ng gabing iyon, di na ulit tayo nag-usap, hanggang sa moment na to. Wala nang kasunod.
Kahit may crush ako nun, palagi pa rin kitang iniistalk. Natataranta ako kapag may bago kang post, pag nagpapalit ka ng profile picture, atbp. Nanirahan ka na sa Boracay, bumalik ng Cavite, ngayon naman nasa Palawan ka na. Pinopost ko nga lagi dito sa wordpress yung reactions ko kapag may mga bagong kaganapan sa buhay mo. Di ko alam kung bakit kailangan ko ring i-update yung mga followers ko, eh di ka naman nila kilala! Syempre di mo alam yon. Pero all this time, asang-asa ako na sana ichat mo ako ulit.
Nasawi ako sa crush ko nun, tapos nagka-crush ulit, nasawi ulit, at heto, may bago na naman akong crush. Hindi ko alam kung nakamove on na nga ba ako sa’yo? O di pa rin? Eh halos walong taon na rin ang lumipas. Pinilit kong lumayo ngunit pilitin ma’y bumabalik sayo. Charot.

Ngayon, halos wala na akong maramdaman na sparks/kilig sa tuwing mababasa ko yung pangalan mo. Hindi na rin ako masyadong umaasa na kukumustahin mo pa ako ulit. Mula nung nakilala ko yung crush ko ngayon, naisip ko na, “Hala, hindi kita deserve. Hindi dapat ako nagtitiis na maghintay at umasa sa taong walang ibang ginawa kundi pagtripan lang ako at paulit-ulit na pagsinungalingan.” πŸ™‚
Kahit mababang uri lang ako, deserve ko rin na ituring na prinsesa, balang araw. At di ko yun mararanasan sayo. May nakilala na ako na mas better pa pala. Pero tulad mo, hindi niya rin ako bet hehehe.
Noon kasi akala ko hindi na ako magiging masaya sa ibang tao. Sabi ko nga nun, kung pwede akong papiliin ng taong gusto kong makasama magsettle down, sana ikaw yun. Pero ngayon, ibang tao na ang nasa isip ko. πŸ™‚ Pero kung ikaw nga talaga sa ending, okay lang din naman! Hahahaha. Nasa pagitan pa rin ako ng ‘holding on” at ‘moving on’. Di bale, konting-konti na lang, malapit na, mawawala na rin ‘tong feels ko.

Bubuuin ko muna yung sarili kong kastilyo. Tapos sana sa susunod, hindi na one-sided love. Sana may magreciprocate na ng feelings ko 😒

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s