One Last Time

11:30AM – June 02, 2017

Yung pag uusap natin kanina, paulit ulit nang nagpe-play sa isipan ko. Pero dahil makakalimutin ako, baka mamayang gabi lang eh wala na akong maalala sa mga sinabi mo sa’kin. Kaya habang natatandaan ko pa lahat yon, isusulat ko na lang dito. Para kung sakaling hindi ko na maalala, may babasahin uli ako. Well, paulit-ulit kitang aalahanin hanggang sa wala na akong maramdaman.

Kakatapos ko lang sa registrar nun, nang makita kita na kumakain sa canteen. Pinag-iisipan ko kung pupuntahan pa ba kita? Baka maging awkward lang ako. Pero last ko na to eh, kailangan ko nang lakasan ang loob ko! Ok! Pumunta ako sayo, sabi ko – Patabi ako ha! (Ang pangit ng pagkakasabi ko huhu), at umupo nga ako sa tabi mo. πŸ™‚

Tinanong mo ako kung kumain na ako, sabi ko hindi pa, di pa ako tapos sa ginagawa ko eh. Tapos tinanong kita kung ikaw lang mag-isa ang kumakain? Wala kang kasabay? Sabi mo nauuna kang kumakain, para may bantay pa rin sa library kapag lunchbreak. zkung ganun, araw araw kang kumakain mag isa? Naisip ko, pwede ba kitang sabayan araw-araw sa lunch? Dali magvovolunteer ako, habang hindi pa ako nagtatrabaho. Hahahahaha 😍

Sinabi ko na inaasikaso ko yung requirements ng classmate ko na lilipat ng school, sabi mo, bakit ako? Nasa Bacolod kasi siya eh. Di dapat ganun, dapat daw binabayaran ako. Sana man lang daw may pa-burger siya o picha pie (that’s how you called it). Sabi ko okay lang, hindi naman ako nanghihingi ng kapalit (di ko nga hiningi na maging crush mo ako pabalik eh, cheret). Di ko alam kung na-impress ka ba? Parang ayaw mo na maging masyado akong mabait sa iba, gayong ikaw nga tong mas mabait sating dalawa eh! (Idk kung yun nga ba ang mean mo o nag assume nanaman ako dito).

Tinanong mo kung ilang taon na ako, sabi ko, Twenty. Magtu-twenty one. Nagulat ka, sabi mo mas matanda ka pa sa akin. Nagulat din ako kunwari, pero yung totoo, alam ko na yun, marami na akong alam tungkol sayo since naistalk na kita sa facebook. Tinanong mo kung kaedaran mo lang sina Ms. Jovi, sabi ko oo yata. Sabi mo hindi halatang twenty two ka na, kasi ang cute mo (di ako sure kung tama ba ang pagkakadinig ko) pero tumawa talaga ako nun. Oo na ikaw na ang cute! Tapos tinanong ko kung bakit magfo-fourth year ka pa lang. Sabi mo nagtrabaho ka muna sa Yazaki ng dalawang taon bago ka nagcollege. Sabi ko hala! Muntik-muntikan na rin akong mag-Yazaki, kung hindi lang pasmado yung kamay ko, malamang nandun pa rin ako hanggang ngayon. Sakto, magka-batch nga tayo! 2012 yun nung pumasok ka dun, at muntikan na rin akong tumuloy dun. Kung nagkataon, malamang nga magkakilala na siguro tayo dati pa. Pero sabi mo, buti hindi ko itinuloy, kasi hindi worth it yung sweldo dun, sobrang nakakapagod. Kaya ka lang tumagal kasi na-absorb ka, at marami ka nang kaibigan dun. Sabi ko, buti na lang, napagdesisyunan mo pa ring mag-aral. Sabi mo taga-Maynila ka talaga. Tinanong ko kung may mga kamag-anak ka ba dito? Sabi mo oo, yung tita mo. Kung hindi ako nagkakamali, dun ka nga nakatira sa tita mo. Medyo natuwa ako dun kasi meron na tayong similarities, hihihi.

Tinanong mo ako kung nag-aapply na ba ako, sabi ko hindi pa. Hindi pa ako ready na magtrabaho eh hahahaha! Bakit naman? Ewan ko, basta hindi pa ako ready. (May sepanx pa rin ako sa pag-aaral, mas gusto ko pa rin na nandito ang mundo ko sa school kesa nasa ‘real world’). Sinabi ko rin na sina Jovi, wala pa ring naaapplyan, wala pa sa amin ang nagtatrabaho haha. Sinabi ko na nakakabagot nga ngayon eh, wala akong ibang ginagawa, buti ka pa, nandito sa school araw araw. Sabi mo, gusto mo na sanang mag-quit sa pagiging SA, kasi fourth year ka na. Kaso di mo maiwan si Maam Eve, kasi para mo na siyang nanay (awww). Sabi ko oo nga, wala na rin si Chin eh. Kung magkataon si Lei at Abi na lang ang nandun. Tingin ko kayang kaya mo naman na mapagsabay ang SA at pag-aaral ngayon πŸ™‚

Tinanong mo ako kung ano bang gusto kong trabaho. Sabi ko sana yung sa mga concerts, kasi yun ang pangarap ko. Kasi gusto ko yung nag-eenjoy ako at feeling ko hindi ako nagtatrabaho. Pareho kami ni Abi ng landas na gustong puntahan, hehe. Pero sa ngayon, wala pa akong kaplano plano. Tinanong kita kung anong career ang gusto mo pagka-graduate. Medyo na-shookdt ako sa sagot mo ha di ko inexpect yon! Sabi mo gusto mong maging musician. Kaso ayaw ng tatay mo, kasi hindi ka nga naman yayaman dun. Natutuwa talaga ako na musically-inclined ka, kaya pala. Kaya pala. Tinanong ko kung anong klaseng musician, kumakanta? Tumutugtog ng instrumento? Sabi mo nagbabanda ka nung high school! Vocalist at guitar/bass guitar. O M G!!! Sabi ko bakit hindi ka sumasali sa Battle of the Bands dito sa school?????! Like, every sem yata may pa-banda ang STI ha! Bakit??? Sabi mo nag-lie low ka ngayong college, kasi ayaw mo na maging famous sa school, ayaw mo na maraming nakakakilala sayo. Alam mo ba nanghihinayang ako, kasi sayang ang talent bes. Dapat ipinagmamalaki mo yun sa lahat! Pero naisip ko din na oo nga nu, kung mas maraming makakakilala sayo sa school, mas marami rin sigurong magkaka-crush sayo. And.. ayoko non hahahahaha! (Ang selfish ko sa part na to) Pero idc, mas gusto kita na nasa Library lang, and yun din naman yata ang gusto mo, yung hindi napapansin ng mga tao.


(Iniisip ko pa yung mga pinag-usapan natin. Baka may nakalimutan na nga ako.) Tapos ka nang kumain. Sinabi mo na kahit ayaw mo akong iwan, kailangan mo nang umalis. Sabi ko okay lang nu ka ba, may hinihintay pa kasi ako na text (kahit wala talaga hahahahaha). Then nagpaalam ka na. At naiwan na akong mag-isa.

Bitin na bitin nga ako hahahaha (kahit wala akong maiungkat na topic), alam kong huli na to. Huli na to. Bakit ba ako umaasa na may kasunod pa? Pero hinihiling ko pa rin na sana nga meron pa, yung mas matagal, yung mas maraming mapag-uusapan! Puro ikaw lang ang nagshare, pano naman ako, walang tungkol sakin! Pls! Pls! Pero kung wala na nga talaga, okay. Okay. Babasahin ko ito ng paulit-ulit hanggang sa makapag move on na ako ng tuluyan.

Ang effort ko magtype ng conversation ha, hahahaha! Pero ikaw ba? ni minsan ba naisip mo ako? (Luh ganda ko di ba) cheret alam kong ordinaryo lang ako sa yo di baaaaaa πŸ˜₯

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s