Huling hanash, para kay crush.

PALAGI ko na lang sinasabi na – ‘Last ko na talaga yan!’ kapag sumisilay ako kay crush, pero di pa talaga yun yung last kasi nasusundan pa!

Dumu-duty pa rin siya sa library kahit bakasyon. Kaya may pagkakataon pa rin ako para makasilay sa kanya bago man lang grumaduate.

Nung baccalaureate mass nga, dapat talaga hindi ako pupunta, kasi wala naman akong magulang eh,pero nung nalaman ko na nasa simbahan din si crush, bihis agad ako, umattend ako kahit hindi ako naligo hahahahaha! Bes 25 DAYS akong walang silay sa kanya! Eto lang ang pagkakataon ko hahahahaha! Pagkadating ko sa simbahan, nakita ko siya, pero nakatalikod, nakaharap sa may altar, dun sila nakapwesto sa may likod banda. Umupo ako sa bandang gitna kasi nandun yung mga kaklse ko eh. Tapos yung sa may part na ‘peace be with you’, aba lumingon ako sa kanya, nakita niya ako at bumati siya hahahahaha ngumiti lang ako sa kanya pero tuwang tuwa nako nun hahahahahaha! After ng misa, di ko na siya nakita, baka umalis na sila ni Ma’am Eve bago pa matapos yung misa. Bumalik ako sa school, tapos dumaan kami ng library para makasilay man lang ulit hahahaha (salamat Jovi!)

Nung kasunod na linggo naman, mag-aalas-singko na ako natapos sa registrar sa pag-asikaso ng requirements, tapos inabutan na ako ng closing ng cashier. Papunta na ako ng Robinson nun para ilakad yung iba pang req. at titingnan yung cellphone ko (na ipinaayos nun) Pero di muna ako sumakay ng jeep, inantay ko siyang lumabas ng school hahahahaha nandun ako sa may sakayan kasi alam kong dun siya dadaan pauwi! 5:27 nga nung makita ko na siya (matagal din akong naghintay dun ha), kasama niya yung kaibigan niya, so ganito ang usapan namin:

Siya: San ka papunta?
Ako: Ah sa Rob
Siya: May ka-date ka dun nu?
Ako: UI HINDI HA, may nilalakad akong requirements, (sabay pakita sa kanya nung folder at binuklat para makita yung birth certificate ko hahahaha), kayo saan?
Siya: pa-Walter kami, dun yung sakayan pauwi.
Ako: LALAKAD LANG KAYO? (kahit alam kong malapit lang yon hahahahaha)
Siya: Oo,
Ako: Pa-Area 1 ka di ba? San ka banda nakatira?
Siya: *sinabi yung pangalan ng lugar*
Ako: TALAGA? eh taga doon din si Justin eh, classmate ko! (kahit di talaga taga doon, malapit lang hahahaha)
Siya: ah,
Ako: *ngiti lang*
Siya: ah sige good luck (sa pag-aasikaso ng requirements), ingat ka.
Ako: Sige πŸ™‚
Siya: *kumaway*

Tapos naglakad na sila nung kasama niya, ako naman naghihintay na ng jeep, gusto ko sana sumama sa kanya maglakad pa-Walter kaso bakit naman? Wala namang dahilan hahahaha sayang! Lingon ako sa kanya pa-likod, tapos lingon din siya eh hala pano niya nalaman na titingin ako *.* tapos nun di na ko lumingon ulit hahahaha tama na tama na! Inabot din ako ng matagal bago makasakay, kasi walang pa-highway eh puro pa-bayan lahat, di ko tuloy siya madadaanan sa Walter. At least alam ko na kung saan siya nakatira wahahahaha! (pero di yung mismong bahay.)

Kaso nung Graduation Ball at Graduation Rehearsals di ako nakasilay sa kanya. Nung grad ball kasi pumunta ako mag-aalas singko na, eh pa-out na siya nun eh. Nung rehearsals naman late ako pumunta nung hapon, hindi ko siya naabutan sa library!!!!! Lagi na lang ako nale-late, sayang ang pagkakataon! Sabi ko sa graduation na nga lang talaga, last na last na last ko na talaga yun!

At eto na nung grad day, kasama siya sa marshalls ng event. Nandun siya sa entrance, actually siya yung unang-unang nakita ko pagdating ko pa lang ng convention center eh. Pero hindi ko siya machika kasi alas dose na nun, paumpisa na din yung program, kaya ayun hi hi lang kami. Tapos pumasok na ako ng convention center. Nung natapos na yung grad ceremony, nandun pa rin siya syempre sa entrance, paglabas ko di niya ako nakita kasi ang daming taong lumalabas din nun, kinalabit ko siya tapos nag hi lang ulit ako hahahahaha! Siya naman cinongratulate ako. Gusto kong makapagpapicture sa kanya! Kaso ang daming taong lumalabas nun, di ako makaeksena, wag na nga lang. Tapos pasok uli ako sa loob at lumabas, naghahanapan kami ng mga classmate ko (marami ngang tao). Then nung nasa labas na nga kami, pinush ako ni Jovi at Rei na makapagpapicture na sa kanya, pabebe pa rin ako nun, pinilit pa nila ako haha nahihiya talaga ako. Hanggang sa sige, go! It’s now or never! Nilapitan ko uli siya, at ayun nga may selfie na kami!! (Nasa baba ng post na to) salamat mga Omma sa pagpilit sakin β™‘

Di na ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya that day, so ayun, tingin ko hanggang dito na lang, yun na ang aking huling silay, di ko na siya makikita pa ulit. Wala na talagang kasunod to kasi wala nang dahilan para kumeme sa school, graduate na ako eh. Maliban na lang kung pagbigyan ako ng life na masilayan siya ulit in the future, at magtagpo ang mga landas namin… Pero malabo eh hahahaha

Untitled(image source)

Palagi ko pa rin siyang napapanaginipan hahahaha iniisip ko siya palagi (nakakahiya pag nalaman niya hahaha!) Gusto ko siyang makita, pero kapag nandyan na di ako nagsasalita at umaalis agad, tumitiklop ako hahahaha! Sobrang deep na ng crush feels ko sa kanya, though di naman ako umaasa na marereciprocate pabalik yung feels ko. Eto talaga yung weakness ko eh, yung grabe ma-attach sa tao.

In-add ko na siya sa facebook, ako pa rin talaga ang magfifirstmove eh. Para updated pa rin ako sa buhay niya, kahit hindi pa siya nagpapalit ng profile picture at cover photo since September 2015. Na-stalk ko na syempre! Di siya active sa fb eh, pero marami akong nalaman sa kanya – tulad ng mas matanda siya sakin ng 8 months (na akala ko dati ako yung mas matanda sa kanya, yas!), tapos nag-Yazaki muna yata siya bago nagcollege. Tsaka meron siyang ukelele O M G attached talaga ako sa mga taong musically-inclined! May similarities na sila ni Bruno aye aye.
Ayun friends na kami online, pero hanggang dun na nga lang yun. Malabo rin na magchat kami, kailangan ako pa rin ang first move. Pero natuwa talaga ako nung ni-like niya yung isang naka-tag na picture ko at isang post ko hahahaha di ko talaga inexpect yon! OA na kung OA pero tumili at nagtatatalon talaga ako nun!

OMG crush, thank you!! Dahil sayo, naging makulay ang huling semester ko sa college! Salamat kasi pumayag ka na maging escort ko. Sobrang bait mo samin at napaka-gentleman! Salamat at itinuturing mo na akong kaibigan sa loob ng maiksing panahon. Pasensya na rin kung palagi mo akong nakikita sa school, sorry kung medyo kinukulit ka ng mga classmates ko, tsaka sana makamit mo lahat ng life goals mo at matupad din lahat ng pangarap mo, hihi di ko na alam sasabihin ko… Di ba gusto mong maging musician, sana balang araw eh maisipan mo uli tumugtog/kumanta. Sana makita ko yung moment na yun! Tsaka sana sa susunod kong buhay, makilala ulit kita. Cheret!!!!!

Last na post ko na to tungkol sayo. kailangan ko nang mag move forward sa life ko hahahaha tama na.

Pero deep inside, ayokong mag-goodbye. 😭


‘So near yet so far away’ din.

– – –

WAIT LANG WAIT LANG!!
Kasi kani-kanina lang to, Friday ng tanghali (June 2), nakita ko siya ulit hahahaha (sabi sayo hindi pa talaga last yon eh!)
Nasa school pa rin ako para asikasuhin yung requirements ng classmate ko dati. Kumakain siya ng lunch nun, tapos sinamahan ko siya πŸ™‚ nagkakuwentuhan kami saglit. Pero yung saglit na yun ang dami ko nang nalaman tungkol sa kanya, ang dami niyang shinare hahahaha natuwa naman ako. In fairness medyo dumaldal na ako nun, tinatanong niya ako. Pero may time na natatahimik pa rin ako kasi di ko alam kung ano pang pwede naming pag-usapan.
Habang katabi ko siya, nanginginig yung mga kamay ko hahahaha di ko alam kung dahil ba sa gutom, o sa kaba?
Medyo awkward pa rin that moment, pero bitin na bitin ako huhuhu may pag-asa ba na makausap ko siya ulit? Pls? Masusundan pa ba to?

Di ko alam. Wala na sigurong kasunod. Last na to. Okay na ba? Magmomove on na ba ako?

…..

Advertisements

3 Replies to “Huling hanash, para kay crush.”

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s