Walang Pinatunguhan

BINIGYAN ako ng anda pang graduation! Yay! 3k yun, sabi ng tita ko, magparebond daw ako, bumili ng damit at sapatos pang graduation at grad ball. Kaso ang nangyari, naubos na yung pera, wala akong nabiling matino hahahahaha kuripot ako na gastadora (???)

Bumili ako ng iba’t ibang gamit (makeup, payong, salamin, hikaw, atbp.) Di ko na maalala kung ano pa yung iba kong binili kasi maliliit lang yun, tapos nawawala pa yung resibo (san na ba?) Parang di ramdam na namili nga ako ๐Ÿ˜ฅ

Tapos bumili ako ng Nestle Temptations Ice Cream. Yung pagkatingin ko dun sa price tag sa may freezer, akala ko tigsingkwenta lang yun, nung pagdating ko sa counter, na-SHOOKDT ako sa presyo 244 pesos pala yun hahahahaha katangahan di ko naman alam na ganito pala to kamahal ๐Ÿ˜ฅ

Untitled(image source)

Tumataginting na 2k+ mahigit na yung nagagastos ko, hindi pa ako nakakabili ng damit at sapatos at rebond! ANU NA ANU NA stressed ako hahahaha pagkakasyahin ko yung natira para maka-aura sa graduation! Gastadora ko kasi! Sabi ko pa naman kailangan kong magtira ng pera kasi pagkatapos ng graduation, pwedeng pwede na akong pumunta ng MOA! Eh kaso wala na, ayun postponed ulit, next month na talaga ako makakagala. Marami na ring nagyayaya sakin ng swimming pagkatapos ng graduation, pero dinecline ko na sila kasi di na talaga kaya ng powers ko. ๐Ÿ˜ฅ

So yung natirang isang libo, pinagkasya ko sa damit, sapatos, at maskara pang grad ball, wala nang bagong damit pang graduation, namumulubi na naman ako ๐Ÿ˜ฅ

Ang nakakainis pa, di ko man lang na-enjoy yung grad ball! Halos saglit lang talaga kami dun. Akala nga ng tita ko overnight yun, pero 4-9PM lang talaga yun, tapos akala ko puro sayawan, tapos may buffet, kaso hindi eh. Pagkakain namin umalis na agad kami dun, kasi na-dead air eh, yung nakatunganga lang kami dun. On going pa yung program pero walang ganap? As in wala. Nawala rin yung mga hosts sa harap. Nung una may mga performers pa, may banda pa rin syempre di nawawala sa event yun, kaso nung pagtagal, nawalan na ng gagawin. After almost 1 hour saka pa lang nagpa-candle lighting (wala na kami sa gym nun), then natapos na yung program. Tumugtog ulit yung banda, umuwi na kami. Umasa talaga ako na sayawan yun eh, hindi band jamming ๐Ÿ˜ฅ

Nanghinayang ako kasi sana pala damit pang-graduation na lang yung binili ko, naisip ko nga yung damit ko nung grad ball, yun na lang uli yung isuot ko sa graduation, para masulit ko naman hahaha! Tapos yung maskara ko, isandaang piso yun! Ang laki ng gastos ko dun hahahaha pininturahan ko pa ng silver, pero di ko naman nasuot nung grad ball (kasi di naman pinapasuot samin eh) wala display lang talaga yon! E di sana yung tig-35 na maskara na lang din sana binili ko. Kung saan saan pa kami naghanap ni Jhen at Jovi para makabili ng magandang maskara, wala kasing bet dito sa malapit eh. Ginalugad pa nmin yung palengke ng Imus, wala sayang lang ๐Ÿ˜ฅ

Yung tatlong libong piso ko parang walang pinatunguhan, hahahahaha! Di pa ako nakakapagparebond at pakulay ng buhok. Isang tig-399 na dress at tig-235 na sapatos lang ang nabili ko. And then the rest – di ko na alam kung saan ko nagastos ๐Ÿ˜ฅ ๐Ÿ˜ฅ ๐Ÿ˜ฅ

Bakit ba di ako wais pagdating sa paggastos ๐Ÿ˜ฅ

Advertisements

7 Replies to “Walang Pinatunguhan”

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s