#FirstTimer: CSE and Requirements

BALAK kong mag take ng Civil Service Examination (yun yung requirement para pwede kang maging government employee) pero wala pa talaga akong planong magtrabaho sa pamahalaan. Wala lang, pag wala talagang maghire sakin, may huling alas ako hahahahaha charot.

Pumunta ako ng Imus para mag-inquire sa CSE. August 6 ang exam, pero hanggang June 2 lang ang filing of application. Madali lang ang requirements, kaso yung kaisa-isa kong ID (school ID) walang date of birth, kaya kailangan ko ng NSO Birth Certificate. Eh wala na akong original copy nun, kasi hiningi na ng school. Kaya kumuha ulit ako ng NSO. Gora ako ng Trece Martires, grabe ang haba ng pila! Sabi nung guard, pag magpoproseso ako doon, dapat alas-singko pa lang nandun na ko para mabigyan ng number (alas siyete sila nagbubukas). Tapos ayun, waiting game nanaman kasi ang tagal tagal tagal tagal tagal bago ako nakapagproseso. Jusmiyo. Bakit ba ganito sa Pilipinas? πŸ˜₯ E di sa robinson na lang ako pumunta, para kumuha ng NSO, kaso maghihintay pa ako ng isang linggo para makakuha nun. Tsaka syempre mahal ang bayad dun, pero at least di na ako magpapakahirap pumila hahahaha. After kong makuha yung Birth Cert, balik ulit ako ng CSC office, apply ulit ako, kaso di na naman ako naaprubahan! Ang sabi di na daw valid yung school ID ko, kasi pa-graduate na ako πŸ˜₯ magbigay daw ako ng ibang ID, eh wala, ayun. Nawalan nako ng pag-asa hahahaha sabi ko wag na nga! Di na ako magsi-civil service exam, tinamad na ako hahahahaa! Sabi naman ng tita ko, ipush ko na, kumuha daw ako ng police clearance (pwede naman daw yun)
So eto, balik ako ng robinson para kumuha, eh kaso di na pala pwede dun, kailangan sa police station na mismo. Tsaka di na pwede yung mga taga-ibang lugar (Dasma kasi yun tas taga-Gentri ako), kailangan sa gentri ka rin kukuha nung police clearance. Kaya gora naman ako ng Gentri (medyo malayo siya samin, mas malapit pa rin sa Dasma). Nakakuha ako ng cedula at police clearance, first time!!! Anim na piso lang yung cedula, at libre pala ang police clearance, wow!! Tapos medyo madali lang pala ang pagkuha. Sabi ko, yes naman, next month aasikasuhin ko na talaga yung pagkuha ng mga requirements, mukhang masayang adventure to!! (Mahabang pila, malayong biyahe, etc.) Balik ulit ako ng CSC office, at ayun, tinanggap na ang application ko. Sa wakas!!! Makakapag-exam na ako!! Yun lang sana pumasa di ba, para maging Career Service Eligible na ko (tama ba term ko?) Basta yun.

Para sa iba pang impormasyon ukol sa Civil Service Examination, maaaring tingnan ang mga links sa ibaba:
https://1taker.com/
https://www.jobstreet.com.ph/career-resources/exams-take-qualify-government-jobs/

Untitled (imahe mula sa JobStreet)

Ibibida ko lang yung pa-hashtag ko, pag may mga bagong ganap sa buhay ko aka first time experiences 😊

Advertisements

13 Replies to “#FirstTimer: CSE and Requirements”

  1. niceeee!!! push mo yan! nasa gobyerno ako ngaun hehe. sobrang ayos! pero baka ma-bore ka.. so advice ko siguro sayo try mo muna sa private kahit 2-3 years o hanggang ma-burnout. Kasi ngayun super petix ako feeling ko retired na ko nyahaha. di ko feel na nagwowork ako. pagod na ko magwork, 5 yrs din ako sa call center bago ako napadpad dito πŸ™‚ pwede rin mag-apply samin, kaso SG-4 muna. PM ka lang kahit sa IG ko pag interested ka hihi.

    Liked by 1 person

      1. Ou sa may tulay na may sobrang taas na hagdan at yung isa malapit sa may pabahay/looban na ilog. Taga dun kasi yung kapatid ng isang kaibigan ko/ka-tropa πŸ˜‚

        Nakarating narin akong Dasma kasi umattend kami sa birthday 2015, pati sa Alfonso kasi taga dun family ng stepfa ko at taga Olivarez sa Tagaytay naman tita ko πŸ˜‚

        Ako nga pala yung pinsan ni Dora πŸ˜‚

        Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s