#FirstTimer: NOGNOG

FIRST TIME kong makarating sa Batangas! First time kong lumangoy sa dagat! Hahahahaha

Eto na nga, kahit ilang beses ko nang sinabi sa mga kaklase ko na hindi ako sasama sa swimming, kinukulit pa rin ako ng kinukulit (ganun daw nila ako kamahal aye), kaya pumayag na rin ako. Pabebe lang talaga ako hihi. Nakakailang outing na yung mga kaklase ko, pero ni isa hindi ako sumama. As in ngayon lang talaga to na gumora ako.

Sabi ni Omma, pwede na daw ako magswimming pagkatapos ng graduation eh, kaya go go na. Kaso nga lang wala na talaga akong pera, naubos after grad, sabi ng mga kaklase ko, sila na daw bahala. E di go 😍😍

Pero medyo kinakabahan talaga ako nung papunta kami ng Batangas, first time ko nga kasi hahaha! Yung mga kamag-anak ko di mahilig sa mga ganyang outing eh. Tapos hindi pa ako marunong lumangoy. Pano kung di ako makauwi ng buhay hahahaha cheret! Mag-aalas dose na ng hatinggabi kami nakaalis, madilim yung nadadaanan namin. Di tuloy ako makatulog sa biyahe.

Nagpunta kami sa Manuel Uy Beach, Calatagan, Batangas. Alas kuwatro kami ng madaling-araw nakarating dun. Tapos umulan pa sakto nung naglatag na kami ng gamit! Yung mga kaklase ko nagpaulan na. Ako gustuhin ko man, kaso nangangatog talaga ako sa lamig nun kaya di ako maka-eme. Kinakabahan ako baka magka-hypothermia ako ng wala sa oras hahahaha. Buti na lang nung 5:30, sumikat na ang araw. Di na ako gaanong nilalamig, at medyo maliwanag na kaya pwede na kaming maglangoy, at yun na!

Mula umaga hanggang hapon nagtatampisaw ako dun sa tubig hahahaha, mababaw lang yun, kahit makarating kami sa gitna o dun sa dulo, hanggang leeg lang yung tubig. Ang ginawa ko lang eh maglakad, di nga kasi ako marunong lumangoy!

Tuwang tuwa ako kasi syempre first time eh, ayan yung mga pics:

Di ba di pantay yung kulay ng mukha, braso, at binti.

Winner pa rin si Jovi, nakapayong sa dagat 😁

Grabe nangitim ako ng matindi pagkatapos namin magdagat! Tapos nagkasunburn ako huhuhu. Parang nagsisi ako na sumama pa ako hahahahaha cheret, ginusto ko naman to eh maghapon ba naman nakababad sa tubig! Ayan hanggang ngayon nagbabalat pa rin yung mukha ko. Ayoko na next next year na uli ako magdadagat πŸ˜€

Advertisements

One Reply to “#FirstTimer: NOGNOG”

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s