Make-up Hanash

HINDI to make up tutorial blog post!!!!!

Bumili ako ng make up nung nakaraan, yung mumurahin lang naman, kasi di ko talaga afford yung tunay eh hahahaha! Tapos sinubukan kong ayusan yung sarili ko. Kaya ako bumili kasi sabi ko, kailangan kong magpractice, lalo na’t walang mag-aayos sakin sa graduation at grad ball πŸ˜₯ di naman habambuhay nandyan si April para ayusan ako. (Si April nga pala yung classmate ko na nagmemakeup sakin.) E di triny ko na – ayun sobrang epic fail hahahaha lalo na nung nag-liquid eyeliner ako nalagyan ko pa yung mismong mata ko! Tapos kumalat! E di binura ko ulit yung nasa mukha ko tapos pencil liner na lang nilagay ko. Tapos pagnagmamascara at eyeliner ako, laging napapapikit yung mata ko kaya kung saan saan nalalagyan ng itim. Anubayan hahahahaha pinipilit ko pa kasi yung sarili ko eh. Kaya napagdesisyunan ko na hindi na ako magmamakeup ulit hahahahaha sabi ko ayoko na okay nako ng ganito sa graduation – natural look lang hahahaha!!

Buti na lang nag-offer si April na ayusan ako nung graduation. Kumpleto pati facial tsaka yung nose strip. Omo thank you talaga β™‘β™‘β™‘β™‘β™‘ tsaka pasensya na kung wala akong maibayad sa ngayon. Soon. Babawi ako. Thank you kasi kahit papano nagiging maganda ako yay yay!

Kaso di ko na alam kung paano na ako sa future, pag kailangan ko na mag make up mag isa, paano na ako? Sanay na akong maging panget, kaya di ko alam kung paano magpaganda hahahaha!

Kasalanan ko to eh. Hindi kasi ako natutong magdrawing at magkulay nung bata ako. Kaya tuloy maski simpleng pagdrawing ng kilay at pagblend ng eyeshadow, di ako marunong. Wala talaga akong kacrea-creativity sa katawan. Di man lang ako nabiyayaan ng talent sa pag aayos ng sarili at sa fashion πŸ˜₯ Di ko alam kung bakit naging babae pa ako tbh hahahaha 😒

Heto nga pala yung mukha ko pagkatapos ng makeup hahahaha, di pantay yung lining di ba, tas sabi nung pinsan ko mukha raw akong BINUGBOG NA RACCOON πŸ˜₯

Advertisements

11 Replies to “Make-up Hanash”

  1. Hahaha, natawa ako sa Racoon. Wala akong knowledge noon sa make up a.k.a bobo sa make up, hehehe. Tinuruan lang din ako ng tita ko kasi palagi niya ako inuuwian ng make up. Imbes nga naman maexpire ang make up kaya nagtiyaga siya na turuan ako kahit basic. Tas nanonood ako ng mga tutorial sa youtube tas pinag-aaralan ko hanggang sa magaya ko.

    Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s