#FirstTimer: Commuting & Fangirling 101

ALAM nyo ba na die-hard fan ako ni Bruno Mars? HAHAHAHAHA

Nung May 20 lang, nagpa-event ang Warner Music PH para sa’ming mga Hooligans (pangalan ng fandom namin). Syempre pumunta ako hahahahaha

First time ko lang pumunta sa fan event, kasi di ako pinapayagan kasi sa QC ginaganap yung mga ganitong bagay, malayo dito samin. Pero etong event ngayon, di ako nagpaalam na pupunta ako (malaki na ko, pasaway na hahahaha)

Actually di ko alam kung paano pumunta ng UP Town Center, dapat nga kasabay ko sina Hanna at Reyster (co-hooligans ko, di ko pa sila nami-meet in real life) pagpunta dun, magkikita kita kami ng 2PM sa Alabang, kaso dahil nanggaling pa ako kina April, pinauna ko na sila. 4PM ako nakasakay ng bus pa-Maynila. 5PM yung start ng event. Amazing di ba

Ngayon lang uli ako nakasakay ng bus, naalala ko March ako huling sumakay galing Trece, tapos bumaba ako agad kasi masusuka na ako! Hahahahaha! Kinakabahan ako ngayon baka mahilo na naman ako ng bongga, pero buti di naman. Hayyy salamat.

Tinetext ako ni Hanna sa directions papunta dun, at medyo nahirapan ako kasi nga di ko pa alam ang mga kalye sa Maynila hahahaha mukha akong promdi nun! Nakarating ako ng Ortigas (second time ko pa lang makapunta dito!) Tapos sakay uli ako ng bus pa-Cubao, tapos ay naligaw pa ako kasi di ko mahanap kung saan ang sakayan pa-UP. More lakad more fun. Hanggang sa nakita ko na yung sakayan pa-Katipunan, and then pa-UP town center.

Alam mo ba kung anong oras ako nakarating dun? 7PM!!!!! Tapos na yung event!!!!! Di ko na naabutan hahahahahaha! Akala ko nga pagdating ko dun, uuwi na din ako agad πŸ˜₯ Nakita ko sila nung kumakain na sa Burger King. At last! Finally! Na-meet ko na rin yung mga ka-specie ko, mga kapwa die-hard fans ni Bruno Mars!!!!!

Di kami kasindami ng mga Beliebers at Directioners, Kathniels, Jadines, o Lizquens, parang isang libo lang mahigit kami sa buong Pilipinas. Kilala ko karamihan sa kanila (through facebook, kasi may group at gc kami), yung mga taong nila-like ko lang yung mga tweets at posts, nakita ko na in real life hahahaha nakakatuwa! Pati si Lester nameet ko din, siya yung pinoy version ni Bruno, nakikita nyo siguro siya sa TV (Kalokalike tsaka KMJS) yah siya yun!

Nagpakilala kami isa-isa, kung taga saan at ilang taon nang fan, at kung naka-attend ng 2 concert, at kung nakakapunta na sa mga event dati pa. Medyo OP pa ako nun kasi sila magkakakilala na talaga, since lagi silang nagpupunta sa mga event, eh ako first time ko lang sila makita eh hahaha, tapos di pa ako masyado nakikipag-usap sa kanila, in short di pa ako close. Sabi baka sa July or October eh magkaroon uli ng event, sana makapunta ako.

9PM jumuwi na kami, kasabay ko sina Hanna at Reyster (taga-Cavite din sila), sumakay kami ng tren (ngayon lang uli ako nakasakay ng tren! Last August pa yung huli), mas mabilis pala pag nagtren kesa magbus haha ngayon lang namin napagtanto, naisip ko din kung nagtren ako papunta, aabot ba kaya ako sa event? So ayun more commute more fun, pero masaya kasi mas nakakuwentuhan ko yung dalawa, sabi ko nga sayang eh mas marami sanang kwento kung nakasabay ko sila nung papunta. Pero keri lang, kasi balak namin na magkita kita uli at pumunta ng Nuvali, kaming Hooligans South Chapter hahahaha.

Btw may tatlo pa akong kakilala in real life na fan din ni Bruno, actually mas nauna ko silang naging friend sa facebook kesa na-meet irl hahahaha! Si Jenina (na naging classmate ko), Si Tetay (naging prof ko naman), at si Diane (schoolmate ko).

Advertisements

4 Replies to “#FirstTimer: Commuting & Fangirling 101”

  1. ako naman ganyan din sa mga ka-fandom ko sa BIGBANG at 2NE1. wala kasi akong friends IRL na ma-kpop. tas nakaka-OP nga din minsan kasi di naman ako ganun ka-active.. so pag may event meron mga super close na tas ako sabit lang. pero masaya pa rin naman. sa kakapunta ko ng events marami na familiar na mukha, kami kami lang din ung lagi nagkikita kita hehe.

    Liked by 1 person

    1. Hi po, maka-Kpop din po ako kaso F(x) lang hehe. Yung 5 sa mga kaibigan ko nag-aadik πŸ˜‚. 2 sa kanila nakikipagdambahan sa concert ng mga bet nilang kpops πŸ˜‚. Yung iba naman samin magkakaibigan sa kdrama nag-aadik, yung tipong katokhanh-tokhang na, pati ako pala minsan. πŸ˜‚
      Dati jpop lang tinatangkilik namin

      Liked by 2 people

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s