NAPAPANSIN kong pahina na ng pahina ako pagdating sa pagkain. Dati nakaka-tatlong balik ako (3 servings), naging dalawa, naging isa, hanggang sa yung isa na yun eh hirap na hirap pa akong ubusin. Yung dati na 15 minutes lang tapos na akong kumain, ngayon inaabot na ako ng 30 minutes. Naalala ko yung sinabi ko dati sa bespren ko – na pag masaya ako, mabilis akong kumain, pero pag sawi ako, mabagal akong kumain. Ngayon, di naman ako sawi eh, di ko alam kung malungkot ba talaga ako, o nababagot lang sa buhay.
Feeling ko nag-umpisa akong maging ganito nung kasagsagan ng Finals (February-March), kasi wala sa tamang oras kami kung kumain. Minsan 2PM, minsan 3, minsan di na tanghalian yun eh, early dinner na pag 5, tapos hindi pa ako nag-aalmusal kasi palagi akong nale-late hahahaha kape kape lang keri na!
Kahit ngayong bakasyon, este ngayong hindi na ako pumapasok pa, di pa rin kami nag-aalmusal! Ang kain lang namin 12PM at 8PM, ewan ko hindi ako nakakaramdam ng gutom. Siguro nga tama si Ecs, na mportante ang breakfast para magfunction ka sa isang araw.
Kaya rin siguro ako mahina kumain kasi wala naman akong ibang ginagawang mabigat dito eh. Tulog sa araw, bantay sa bata sa gabi, di na ako lumalabas ng bahay. Di tulad dati nung nag-aaral ako, na lakad dito, lakad doon, nakakapagod! Ngayon, ang dami nang nagsabi sakin na pumayat ako ng bongga. Idk. Idk.
Hindi na ako natatakam sa mga paborito kong ulam. Siguro kasi, ako na ang nagluluto dito sa bahay. Di na kami nag-uulam ng de lata na may halong pechay, di na kami nag-uulam ng gulay na walang halong karne, pero bakit ganun?
Di nga siguro ako talaga masarap magluto, kasi di ako natatakam eh. Yung ulam namin ngayon, inaabot pa ng kinabukasan hahahaha buti nga hindi nasisira eh. Ang tagal maubos pramis.
Ngayon, ang gusto ko bumalik na yung gana ko. paano? Gusto kong magluto ng masarap, paano? Ano bang pwede ko pang lutuin bukod sa adobo at sinigang hahahaha
Diba dati araw araw akong nagkakape, pero natigil nung nagbakasyon na. Tapos isang beses na nagkape ulit ako, naging high ako! Hahahahaha di nga, kasi di pa ako natutulog nun, nung nagkape ako, di na ako nakatulog kahit antok na antok na ako, e di bangenge ako non! Tapos may something sa tiyan ko (di ko maipaliwanag ang feels) kapag umiinom uli ako ng kape. Kaya ayoko na di na ako pwede sa kape. Huhu sarap pa naman ng amoy nun π₯
Wala naman akong problema sa pagkain ko haha sadyang ganyan lang din ako minsan. Sira eating sched pero dapat ibalik. Hahaha
LikeLiked by 1 person
Bes, ganyan ako sa pagme-makeup. Nanonood ako sa youtube pero wala, hindi talaga kaya haha. Pero tama, keep trying! Magandang life skill ang pagluluto! π
LikeLiked by 1 person
Sige, nanonood nood na ko sa youtube ng mga recipe, kaso pag ako na nagluluto medyo fail at trying hard lagi hahahaha pero pinipilit ko pa rin matuto huhu. Salamat sa tip Arria πππ
LikeLike
Naku, ang ibig kong sabihin sa tsismisan ay yong usapan na masaya, hindi yong paninira sa ibang tao. Subukan mo nalang kayang mag-aral na magluto, para maluto mo ang gusto mo kung gutom ka o para magpagana sayo. At ‘wag mo na akong tawaging Ata. Naku naman. Arria nalang, ok?
LikeLiked by 1 person
Hahahaha medyo kinabahan ako dito sa comment mo π wala eh di rin kasi normal yung life ko haha charot.. salamat sa tip π siguro pag may work na ko saka lang ulit ako gaganahan kumain π haha
LikeLike
Nanonood nood ako sa youtube kaso ang trying hard ko talaga haha di ko maachieve nakakainis π₯ pero ayun try and try pa rin sa life π
LikeLiked by 1 person
True ate bagot na bagot na ko sa pagiging tambay π₯ hahahahaha ayoko makipagtsismisan, mga tao rito kami rin ang pinag uusapan eh π oo te pumapayat daw ako, di ko napapansin pero iba ang nakakapansin haha, mukha namang wala akong sakit π di ako nagpapacheckup hahahaha
LikeLiked by 1 person
Huy kahit gaano kastress, hanggat maaari wag mo sisirain eating schedule mo ah. Baka lumiit yung capacity ng tyan mo kaya di na gano tumatanggap ng pagkain. Wag mo hayaan. Kasi baka masanay yan. Tapos dumating yung point na tinatanggihan na ng katawan mo yung pagkain. Pero kung mahina ka na nga kumain ngayon, wag mong bibiglain din ng daming kain. Bumalik lang sa normal, okay na.
Haha hala medyo nagpapanic ‘tong comment ko pero chill lang ako pramis hahaha π
LikeLiked by 1 person
Mag-aral kang magluto! Kapag marunong ka na makakapag-experiment ka na para makain mo ‘yung mga gusto mong kainin! π
LikeLiked by 1 person
Siguro dahil nasira ang eating schedule mo kaya ganyan ngayon at hindi ka masyadong active sa bakasyon. Labas ka nalang at makipag-tsimisan sa mga kapitbahay para gumanda mood. Namamayat ka ba? Baka naman may sakit ka?
LikeLiked by 1 person