MMK


GRADUATE NA’KO !!!!!

Di naman sa required, pero karamihan sa mga graduating students ay ipinopost sa social media ang kanilang toga picture + mahabang kwento ng mga pinagdaanan nila habang sila ay nag-aaral. Yung iba nakakatouch, yung iba nakakatawa, pero lahat nang yun ay nagiging inspirasyon para sa mga katulad nila na dumadaan din sa ganung sitwasyon.
Dahil makikiuso ako, ibabahagi ko na rin ang mala-MMK kong kwento (sila nagsabi nun), yung side ko na hindi alam ng karamihan. Kung nakakatamad mang basahin, laktawan nyo na lang ang susunod na talata. So here it goes –

Matutupad na yung pangarap ng tita ko. Sa wakas ay magkakaroon na ng college graduate sa aming pamilya. Kahit papaano nasuklian ko na yung paghihirap niya sa pagtatrabaho abroad. Kahit wala na akong mga magulang, nandyan siya at inalagaan ako na para na rin niyang sariling anak. Itinaguyod niya ako ng bongga para sa magandang kinabukasan at nang hindi matulad sa kanila – na hirap sa paghahanap ng trabaho kasi high school lang ang natapos, dahil sa hirap ng buhay nila noon. Yun lang ang bilin samin, ang ayusin ang pag-aaral.
Na-survive ko yung college kahit na kapos talaga kami. Nung pagkagraduate ko nga ng high school, akala ko hanggang TESDA na lang ako eh, pero ipinilit namin na makapag enroll ako sa college (kahit ang orig plan lang eh mag aral ako ng 6 months saka mag-aapply sa Yazaki, pero heto ako ngayon at na-achieve ang 4 years) . Kumukuha lang kami ng panggastos sa araw araw nun mula sa pension (sa mga magulang ko). 40 pesos lang ang daily allowance ko (pero naging 50 na nung nag4thyr ako). Kapag walang wala talaga kami eh nanghihiram pa ako nun sa bespren ko ng pera para lang makapasok, minsan binibigyan niya ako ng pamasahe pauwi. Pero kahit singkwenta lang yan, di na ako nanghihingi pa sa tita ko ng perang panggastos sa mga projects, handouts, atbp, nahihiya kasi ako hahaha! (nung thesis lang talaga ako nanghingi ng pera, kasi di na talaga kaya ng powers ko). Napagkakasya ko naman siya, kasi palagi akong nagbabaon ng kanin at ulam sa school, pati tubig, tsaka wala naman akong luho eh, kulang kulang nga ako sa mga gamit eh, minamaximize ko na lang yung kung anung meron ako. Tsaka syempre nagpapasalamat ako sa mga kaklase ko kasi willing silang magpahiram ng gamit na wala ako (lalo na mga damit), tsaka palagi nila akong nililibre/inaambagan hahahahaha!
Nakapagkolehiyo ako nang dahil sa 70% discount (yung mga pakulo nilang scholarship exam ng school), Basta i-maintain lang yung 1.5 na GWA para may discount pa rin sa susunod na sem. Eh kaso, di ako umabot ng 1.5, ayun no more discount! Nung sumunod na semester, eto talaga yung nasa laylayan kami, kasi every term di talaga ako nakakabayad, kaya di ako nakapag exam mula prelim hanggang finals. 1k lang yung dinownpayment namin nun, tapos nakumpleto lang yung bayad makalipas pa ang isa’t kalahating taon. Dahil sa di ako nakakapag exam, bumagsak ako sa tatlong subjects. Buti na lang at napaka-considerate ng profs ko sa ibang subjects, ipinapasa pa rin ako kahit wala akong exam. Nung sumunod na sem, nahinto na talaga ako, wala eh. Tapos ay nag apply ulit ng trabaho ang tita ko, at ngayon nga ay nasa Dubai na siya. Gusto ko sana magpart time job muna, kaso dahil beneficiary ako ng SSS, hindi pwede.
Pagkabalik ko ulit ng school nung sumunod na taon, medyo okay na. Nag adjust lang ako ng konti kasi isang taon din akong natengga. Wala naman akong naging problema, pero minsan ay hindi pa rin ako nakakapag exam kasi di ako agad nakakapagbayad ng tuition fee. Kaya kahit kering keri kong maging dean’s lister, di ko na achieve eh hahahaha!

Academically, hindi ako gaanong nahirapan. Baka dahil hindi naman university ang pinasukan ko. Di ko naranasan yung ‘paghihirap’ talaga ng isang estudyante, puro petiks lang lagi. Kasi samin pumasok ka man o hindi, ipapasa ka pa rin basta may exam! Business is still business. Naiistress lang kami kapag nagpoprocrastinate kami, yung saka lang namin aatupagin yung isang project one day/hours bago ang deadline. Hindi kami nadadala, paulit ulit na lang namin ginagawa hahahaha! Yung time na nahirapan lang siguro ako personally eh kapag nagkakaroon ako ng creative block, kasi ang hirap umusad sa project, lalo na research paper o script kapag wala akong idea kung ano ang isusulat ko. Kailangan pa naman sa field namin yung mga creative, dun ako kinulang eh hahahaha! Tapos syempre kapag napepressure ako (na nababasa nyo na rin sa mga previous posts ko). Tsaka madadali lang talaga yung mga project namin kung tutuusin, nagiging komplikado lang dahil din sa mga kaklase ko na maraming ipinaglalaban sa buhay, syempre para sa ikagaganda pa ng output namin.
Share ko lang! Nung bata ako, pangarap ko talaga na magkaroon ng college life na katulad nung sa High School Musical eh, kaso wala eh. Hahahaha! Somehow naging makulay naman ang 4 na taon ko sa kolehiyo, pero madalas nakatunganga lang talaga kami sa school sa kakahintay! Oo, ngayon ko lang din napagtanto, parang mas mahaba pa yung oras na iginugol namin sa pagtambay para maghintay kesa sa mismong class hours namin.
Nang dahil sa pagiging ABCOMM ko ay tumaas ng kaunti yung self-esteem ko (oo, konti nga lang). Nagpapasalamat ako sa mga kaklase ko kasi sila talaga ang nagpush sakin para tumakas saglit sa comfort zone ko. Yung mahiyain noon, medyo kumakapal na ang mukha ngayon! Pero ganun pa rin, tahimik pa rin ako, di pa rin ako confident sa sarili ko eh (ngayon nga nag-aalangan ako kung may magha-hire kaya sakin? Kasi hindi ako madaldal?)

Syempre di lang puro ‘paawa’ side ang ibibida ko, marami rin akong ginagawang kalokohan habang nag-aaral ako hahahaha!
Una na riyan ang walang pakundangan kong paggastos ng aking tuition fee (na lagi kong ginagawa). Dahil sa 1,200 lang ang monthly allowance ko, minsan ay kinukulang talaga ako, siguro dalawang linggo pa lang ubos na baon ko. Minsan nagagastos ko sa pamasahe pag may mga importanteng kaganapan, minsan kailangan kong bumili ng mga anik anik na kailangan sa school. Pero madalas nagagastos ko yung pera ko sa pagkain! Lalo na sa mcdo! Lagi kasi dun pumupunta yung mga kaklase ko. Kahit na di ko talaga afford yung chicken fillet ala carte, napapabili pa rin ako kasi kasama ko sila eh (pero never nila ako pinilit sa mga ganitong bagay, kagustuhan ko rin yan lahat hahahaha). O di ba kasalanan ko talaga kung bakit hindi ako nakakapag exam minsan! Never kong sinabi sa tita ko yung gawain ko hahaha! Lam mo ba, pag nagkakaproblema ako ng ganyan, gusto ko na lang magpalamon sa lupa at maglaho na lang, kasi di ko alam kung saan ako huhugot ng pera para matapalan yung tuition ko eh, umiiyak talaga ako pag wala nakong pera. Sa kabutihang palad, naitatawid ko naman, nababayaran ko siya kapag binibigyan na ulit ako ng allowance ng sumunod na buwan, kaso sobrang liit ng natitira sakin kaya may mga panahon na taghirap talaga ako.
Pangalawa, yung pag uwi ko ng late na late (madaling araw), minsan nga hindi na ako umuuwi eh, tapos hindi pa ako nagpapaalam o nagtetext sa bahay! Palagi akong natetegi ni kuya dahil dyan hahaha! Sinasabi ko lang na lang na ‘nagshushooting pa kasi kami’ o ‘nag-eedit ako sa computer sa bahay ng kaklase ko’ kahit wala naman talaga kaming ganap hahahaha! Madalas stressout ang dahilan. Yun! Yung pag iinom ko! Di rin nila alam yun. Pero lilinawin ko lang, di ako lasengga ha, tsaka sinisiguro ko na tapos muna ang mga obligasyon ko sa school bago magwalwal, tsaka bayad na ko sa lahat lahat ng dapat bayaran! Tsaka kuripot din ako mag ambag dyan eh, madalas bente lang binibigay ko, nakikiinom lang talaga ako hahahahahaha. Nandun lang kami sa bahay nina Jaja, di kami yung mga party people nu, tsaka kahit nakainom ako, di pa rin ako nagiging madaldal, tapos pag lasing na, matutulog na lang ako diretso, wala nang keme pa. Tapos gigising ako ng maaga para umuwi na kasi nga di ba di ako nagpaalam sa bahay (medyo defensive ako sa part na to ah). Yung mga kabataan na nakakabasa nito, wag nyo akong tutularan ha! Maling mali yan.

TIPS SA MGA MAG-AARAL
(Depende rin siguro sa kurso at eskwelahan)
Strive for two things: EXPERIENCE and EXPOSURE. Wag kang makuntento na papasok ka lang para sa attendance, at diretso uwi agad sa bahay pagkatapos. EXPLORE, mas marami kang matututunan sa labas ng classroom. Gawin mo yung mga bagay na mas makakapag-enhance ng skills mo. Base sa pinagdaanan ko, wala ka talagang makukuhang life lessons sa mga written exam! Pramis. After 20 minutes of exam, makakalimutan mo na rin yang mga terms na minememorize mo ngayon. Mas marami ka pa ring matutunan sa mga performance tasks, practical o application. Magagamit mo pa yung learnings mo sa magiging trabaho mo sa future. SELF-LEARNING. Di ako tinuruan sa school kung paano mag edit ng video, kung paano ang galawan sa prod, kung paano gumawa ng letter! Sariling sikap lang kami, lalo na’t kulang din sa facility at support ang school namin. Natututo lang kami sa tips ng mga kakilala, kaklase, kaibigan, atbp.
Tapos, tulad ng palagi kong sinasabi sa mga posts ko, bigyan ka man ng sandamakmak na projects, itake mo lang siya as positive! Humanap ka ng ikasasaya mo sa paggawa ng mga projects, ENJOY mo lang yung ginagawa mo. Isipin mo tinetrain ka na para sa future mo, na kaya ka binigyan ng ganyang gawain kasi tiwala sila sayo na magagawa mo! Kung marami ka pang isusulat, ieedit, idodrawing, o kung ano pa man yan, push lang! Kasi pag natapos mo lahat yan at nakita mo lahat ng pinaghirapan mo, masasabi mo rin na “Wow, may naachieve ako!” Na pwedeng pwede mo pang ibida sa iba. At para pag naka-encounter ka ulit ng ganun sa hinaharap, alam mo na kung ano ang mga dapat gawin. Ako nga iniisip ko dati, kailangan ko tong gawin kasi para mataas ang grade ko. Pero ngayon narealize ko na di pala talaga grades ang batayan ng lahat, Kasi madalas kahit anong effort ko, hindi satisfying yung grades na binibigay sakin, oo disappointed ako palagi. Pero atleast naging masaya naman ako nung ginagawa ko yung mga yvn.
Kahit na marami akong kaalaman (highest score sa exams), ang madalas na role ko eh, tagatakbo, tagabili ng ganito, tagahanap ng ganun, at iba pang pang-aliping gawain, este pang-PA pala, di ako nagcomplain. Sa totoo lang, mas nag enjoy ako nung nagproduction kami (mas nakakastress yun) kesa nung lumaban ako ng Tagisan ng Talino. Siguro nga mas gusto ko yung gumagalaw yung buong katawan ko kesa puro utak lang
Naitawid ko ang apat na taon sa ABCOMM ng mababa ang creative skills, natuto ako kahit wala akong laptop o camera. Kung kaya ko, kaya mo rin! Ganda lang ang puhunan hahahahaha joke lang! Importanteng maging flexible, versatile, resilient, responsible, plastikada at kapal ng mukha. Yas.

Yung iba pang mga kaganapan sa apat na taon ko sa kolehiyo ay mababasa mo dito – (POSTS ABOUT COLLEGE)

At dito na magtatapos ang napakahaba kong hanash! I’m ready to sail and slay the real world!

BACHELOR OF ARTS IN COMMUNICATION
STI COLLEGE DASMARIΓ‘AS
BATCH 2017
2012-093-0187 | 10000113867
“Sana Cum Laude” πŸ˜‚

20 thoughts on “MMK

COMMENT?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.