Random Hanash


HANASH #1

Tuluyan nang nasira yung touch screen ng cellphone ko. Earlier this year, naggo-ghost touch na yun (yung nagpipindot mag isa kung saan saan), nung una napagtitiyagaan ko pa, kaso ngayon sobrang tindi na ng sira na hindi ko na magamit ng maayos yung phone ko! Ipinaayos ko sa SM, ilang araw din akong walang phone, kaya wala talaga akong magawa sa buhay lalalalaaa

After 2 weeks na pabalik balik sa SM, ayun medyo ok na to. Pinalitan na yung LCD/screen.

HANASH #2

Inasikaso ko yung requirements ni Jubelle, classmate ko dati. Nasa Bacolod na siya ngayon, tapos balak niya na uli mag-aral ngayong pasukan. Since hindi siya makabalik dito sa Cavite, nagtatrabaho pa siya eh, ako na ang nag-asikaso sa STI para makuha yung TOR, Honorable Dismissal, at Good Moral niya. Nakapagclearance lang ako nung araw na to, pero di ko pa naproseso talaga kasi kailangan ng authorization letter galing sa kanya, edi ipinadala niya dito thru LBC, tapos dun ko pa kinuha sa Gentri mismo (town proper) na medyo malayo dito samin. 1 week bago ko nakuha, ayun inaantay ko na lang na marelease yung records niya, tapos ipapadala ko uli yun dun sa Bacolod. Sa school naman, ang tagal bago ako ma-entertain, kasi kasagsagan din ng enrollment nun ng Senior High. Habang naghihintay ako, napag-isip isip ko na ang liit lang ng registrar, konti lang yung tao, kaya ang tagal. Sana di na magtipid yung school, magdagdag naman sila ng tao hahahaha! Sana lumaki yung registrar, o kaya ihiwalay ang college sa SHS. Ganun din yung cashier, iisa lang sa buong school. Haba tuloy ng pila.

Hanash #3

Isang araw pumunta ako sa bahay nila April (kaklase ko.) Matagal na siyang nagrerequest na magbonding kami, palagi niya akong iniimbita sa mga kaganapan (Christmas Party, swimming, gala, foodtrip, atbp.) Pero hindi ako maka-oo dahil sa mga bagay bagay (terey!) Minsan busy ako, pag swimming naman hindi pwede kasi ayaw ng tita ko. Nung birthday celebration niya di rin ako nakapunta. Kaya nung nagsabi siya nung isang araw na pumunta daw ako sa kanila, G na ako. Ipinagluto niya ako ng Spaghetti, sobrang na-touch ako nun kasi bihira lang yung gumagawa sakin ng ganun hahahaha feeling ko special ako hahahahaha oo pero seryoso, di ko man nasabi/naiparamdam kay April, pero sobrang na-appreciate ko talaga yung effort niya. Sa school hindi naman kami gaanong nagkakasama, kasi magkaiba yung circle of friends namin. Minsan naii-snob ko siya at di napapansin, tapos lagi niya pa akong nililibre kapag bababa kami ng cafeteria o canteen. Kapag kailangan ko ng dress pinapahiram niya ako. Tapos palagi niya pa akong inaayusan/mine-make up-an kapag may event. Siguro nga totoo yung sabi sakin ng pinsan ko na napaka-user ko pagdating sa mga kaibigan hahahaha charot. Pero di nga, napapaisip ako kung bakit ang bait/sweet niya sakin kahit minsan nababalewala ko siya. Kokonti lang yung ganun kabuti sakin (konti lang talaga ang kaibigan ko) Pero thank you talaga April ha πŸ™‚ nagswimming pa kami dun sa inflatable pool, natuwa ako sa after so many years nakalangoy ulit ako hahahaha sobrang tagal na nung huli, di ko na matandaan kung kailan. Tapos nanood kami ng series kasama yung bf at kaibigan niya. Then in-offer-an niya ako kumg gusto ko daw sumabay sa kanya sa araw ng graduation, may sasakyan sila papunta sa venue, tapos siya na rin daw magme-makeup sakin, sinabi ko titingnan ko pa (depende pa kasi kay kuya kung okay lang sa kanya). Tsaka ininvite niya ulit ako sa swimming, sa May 27, sabi niya sana payagan na daw ako nun kasi tapos na ang graduation nun eh, pero sabi ko magpapaalam pa ako. Libre na ang pamasahe tsaka food, entrance fee na lang daw ang babayaran ko. Pero malabo na rin akong makasama dun kasi nga di ba wala nang matitira saking anda!

Nga pala nasabi niya na, pag mag-aapply na siya ng trabaho isasama niya ako. May connection siya dun sa MMI (di ko sure kung yun nga ba), pero bes, MMI! Dream Job/Company ko yun! Events Production – CONCERTS!!! Pangarap ko talaga makapasok dun hahahaha sana nga yun talaga yun, kasi umaasa ako ng bongga sana talaga plsss.

Nga pala ulit, naalala mo yung Nestle Temptations na Ice cream, kaya ako bumili nun kasi pa-birthday gift ko sa kanya. Pero di ko na sinabi sa kanya na nagulat ako sa presyo nun hahahaha sana talaga yung Selecta na malaki na lang nabili ko, mas marami pa yung laman eh.

Hanash #4: Random stress sa bahay

– Ngayon lang uli ako nakasakay ng bus (March yung huli hahahahaha), ayun nahilo nanaman ako ng bongga. Nung huli ko rin na pagsakay, malapit na akong sumuka nun kaya bumaba ako agad kahit di pa talaga ako bababa (sa robinson ako bumaba instead na sa walter). Ngayon, sumakay ako mula Imus hanggang Trece. Ayun kinaya ko naman yung dalawang oras na hindi sumuka hahahahahaha! Kaso nung kinagabihan, natutulog ako, nananaginip ako na nasa bus ako, nahihilo! Bumangon ako, hilo pa rin. Hanggang sa tumakbo ako pa-lababo kasi ayun, sumuka na ako hahahahaha nakakahiya. Nakakainis lagi na lang ako nahihilo sa bus. Pano na kaya kapag nagtrabaho ako? Tapos sa Maynila pa? Kawawa talaga ako neto πŸ˜₯

– Mahina nanaman akong kumain ngayon, ewan ko ba. Yung pinsan ko (siya yung tagalagay ng kanin at ulam samin), ang dami-dami niyang inilalagay na kanin sa plato ko! Puno! Di ko talaga kayang ubusin pero pinipilit kong maubos yung kinakain ko, kasi bawal na bawal samin ang nagsasayang, nagtitira, at nagtatapon ng pagkain di ba. Pero nakakainis kasi dati naman kaya kong umubos ng ganun karami, bat ngayon wala na akong gana? Dahil siguro di talaga masasarap yung niluluto kong ulam eh. Wala eh πŸ˜₯

– Simula nang natapos ang klase, hindi na ako nagkakape, kasi pag gising ko ang init init na agad di ba. Nung isang araw lang ako nakapagkape ulit, kasi binigyan ako ni kuya ng sachet ng 3-in-1 eh. E di yun, nung araw na yun, hindi ako nakatulog! Mukha akong sabog nung kinabukasan kasi wala akong tulog, pero di pa rin ako inaantok.

– Kanina lang tanghali, natalsikan ako ng mantika!!!! Sakto pagkalagay na pagkalagay ko ng manok sa kawali (kinamay ko lang), may pumutok, nasalo ng buong palad ko yung mantikang tumalsik. ANG SAKIT SAKIT buong palad ko paso! Umiyak talaga ako nun hahahahaha! Nakakainis ang malas malas ko talaga sa buhay. Lahat na lang ng kamalasan dinanas ko na πŸ˜₯ (drama) dahil dyan, isang linggo muna akong hindi magpiprito ayoko naaaaa~

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.