Handwritten vs. Typewritten

NAALALA ko lang, dati nung nag-uumpisa pa lang ako sa Tumblr, nung mga panahon na wala pa akong smartphone, ang ginagawa ko eh isusulat ko muna sa notebook yung ipopost ko. Oo dati bihira pa kami makapagcomputer nun, kaya yung mga kaganapan sa buhay ko eh iipunin ko muna sa papel, tapos kapag nakapagcomputer na ako eh mapopost ko na yung mga nasulat ko! Ganern. Bigla bigla na lang kasi may maiisip ako na idea, minsan nga kahit nasa school ako, may naisusulat na ako. Ui masipag ako magsulat dati hahahaha. May mga nasulat nga ako na never ko pang naipost dito, yung iba hindi ko pa natatapos, sabi ko nga pag may free time ako itatype ko na siya at ipopost, kaso lumipas na ang mga araw, linggo, buwan, nakalimutan ko na. Nung nagligpit ako nung isang araw (kasi nilagay ko na sa isang kahon yung mga gamit ko nung college – na puro papel din), dun ko lang uli nakita yung folder na maraming papel, nandun yung mga sinulat ko na hindi na naipost pa.

Narealize ko lang na hindi na ako nagsusulat pa sa papel, nung nag-OJT na ako, kasi diretso type na ako sa WordPress app. Ang maganda dun, syempre mas madali to. Tinamad na ako magsulat. Pero dahil rekta na, di na siya filtered, yung di ko na naeedit bago ipost. Kasi dati habang tinatype ko yung nakasulat na, naeedit at proofread ko pa, yass marami pa rin akong nakikitang flaws. Unlike ngayon, di ko na mapapansin na may error pala sa natype ko kasi diretso post na. Idk, siguro mas feel ko yung sinusulat ko muna bago itatype πŸ˜€

Pinag-iisipan ko kung tatapusin ko pa ba yung mga sinulat ko at ipopost pa dito, eh puro hanash lang din naman yun! Nakamoveon nako sa life. Dati pinipilit ko na makasulat ng kwento, as in parang novel talaga, kaso wala eh kinulang ako sa skills.

Advertisements

20 Replies to “Handwritten vs. Typewritten”

  1. ako din hehe dami papel sa kwarto ko mga sulat sulat din nung estudyante pa ko. wala din ako internet sa bahay nun so pinopost ko lang sya pag nakakapaginternet ako sa computer shop or sa school. tas ung iba di ko na din na type. andun lang.. tambak na. pero pag binabasa ko mga dati kong hanash nakakatawa na lang e πŸ˜€ type mo pa din, post mo lang! para maipreserve din memories ng mga dati nating kakornihan hehe.

    Liked by 1 person

    1. Hahahahaha true ate medyo korni nga yung iba dun, tapos masasabi na lang natin na, “hala ganito pala yung pinagdadaanan ko dati, ang drama masyado” hahahaha kahit mababaw lang talaga yung pinagdadaanan ko nun πŸ˜‚πŸ˜‚

      Liked by 1 person

                1. HAHAHAHA naalala ko tuloy sa school, pag may nakasulat sa board or notes, imbes na isulat eh pinipicturan na lang po hahahaha

                  matino naman yung sulat kamay ko eh ☺☺☺☺☺

                  Liked by 1 person

  2. Hahaha, ganyan din ako dati.. panay bili ko ng notebook at ballpen pero wala naman ako halos natapos isulat.. waaah!! tapos ngayon ihh kahit nakailang ulit na kong basa sa mga pinost ko may nakikita pa din akong error.. Hahaha

    Liked by 2 people

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s